Chapter 7

5.2K 146 2
                                    

"Tara Erina, kain tayo ng tokneneng" yakag ni Alice sa akin.
Katatapos lamang ng klase namin at dahil ayaw pa namin na umuwi sa dorm eto at naggagala kaming dalawa.

"Okay, pero libre mo ha" biro ko dito.

"Oo ba! basta ikaw naman sa samalamig" ganting biro nito.

"Sure!" Nakangising sagot ko saka isinukbit ko na bag sa balikat ko.

Malapit na kami sa nagtitinda ng tokneneng nang biglang may humawak sa braso ko.

Napasinghap ako sa gulat at liningon agad ang kung sinuman na pangahas na humawak sa braso ko.

"Ay sino----" nabitin sa ere ang sasabihin ko sana pagkakita sa kanya.
"Adrian!" Bulalas ko pagkakilala sa kanya.

"Can I talk to you?" pakiusap nito.

"Ha? eh kasi...." napapakamot sa leeg ko na nilingon si Alice.

Pero ang bruhang kaibigan ko, ayun at kumakain na nang tokneneng na mag isa!

"Miss Lopez ....please" muli ay pakiusap nito.

Napalunok ako kasi naman ang traydor na puso ko ay hinihimok ang isip ko na pumayag na kasi naman sa mga mata daw ni Adrian ay mababanaag ang lungkot.

Hindi pa kaya okay si Adrianna? Tanong ng isip ko.

"Miss Lopez" muli ay untag nito sa akin.

"Okay" tanging nasagot ko na lamang.

Ngumiti ito at promise lumundag ang puso ko sa kilig.

"Thank you Miss Lopez" wika nito at inalalayan na ako nito.

_____________

Muntik ko nang masuka ang ice tea na iniinom ko sa pagkabigla sa sinabi ni Adrian.

"What?!" Kumuha ako nang napkin at dali daling pinunasan ang basang bibig ko.

Mapait na ngumiti ito.

"I said....will you break off your relationship with Eric?" Muling ulit nito.

Aba't siraulo na ito!

Talagang inulit pa...

Kahit naman madalas isinusumpa ko si Kambal dahil madalas akong napapahamak gawa niya ay kabiyak ng pusod ko yun eh!

"Eh kung ayoko?" Masungit na sagot ko.

Bumuntunghininga ito at saka may kinuha sa suot nitong itim na amerikana.

At pagkatapos ay nilapag nito ang hawak sa mesa.

Isang tseke.

"One million pesos, makipag break ka lang kay Eric" anito.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

May isang parte ng utak ko ang gustong tanggapin ang tseke pero alam ko na mali yun kasi para ko na din ipinagbili ang kakambal ko.

"Mr. Orivado-----"

"If kulang pa pwede kong dagdagan just name your price" pangungulit nito.

Gusto ko nang dagukan etong lalaki na ito,Promise!

Nagsisimula na akong maimbyerna,

Kahit type ko pa sya at crush ko sya!

"Sa tingin mo ba Mr. Orivado, pag tinanggap ko yang inaalok mo....pag hiniwalayan ko si Eric gaya nang gusto mo na mangyari sa tingin mo babalikan ba nya ang kapatid mo or...?" Nakaarko ang isang kilay na tanong ko.

"I cross the bridge when it happen" mabilis na sagot nito.
"Sa ngayon ang priority ko ay ang kapatid ko, you know Ms. Lopez, nag iisa kong kapatid si Adrianna, patay na ang mga magulang namin and when she tried to commit.....suicide...honestly kung nangyari na hindi naagapan na mailigtas ang kapatid ko..." nagtagis ang mga bagang nito at kinuyom nito ang mga kamao na nakapatong sa lamesa bagay na kinakaba nang husto ng dibdib ko.
"Patawarin ako ng dios, pero baka wala ako sa harapan mo ngayon at nakikiusap kundi nasa harapan ni Eric at baka...baka" hindi na nito itinuloy ang sinasabi dahil biglang tumunog ang cellphone nito.
Agad na sinagot nito ang tumatawag.

"Hello Manang, kamusta na po si Adrian----what?!" Napatayo ito sa kinauupuan.

Napatingin ang mga tao na kumakain sa restaurant na yun kay Mr. Orivado pero tila walang pakialam sa mga ito ang una.

Mas kinabahan ako at kinutuban ng di maganda.

"Okay Manang, don't panic okay, pupunta na agad ako d'yan" anito at agad nang tinapos ang tawag at pinatay na ang aparato.

"A---ano daw yun?" Curious na tanong ko dito.

Nilingon ako nito at ewan pero natakot talaga ako sa hitsura ni Mr. Orivado.

Madilim na madilim ang mukha nito at nagtatagis ang mga bagang.

"My sister, Adrianna, nawawala daw sya sa kuwarto nya sa hospital" tila sumasakit ang ulo na sagot nito.

"Ha?!" Tumayo na din ako at hinawakan ang kamay nito.
"Ano pang tinutunganga mo d'yan halika na" wika ko dito at saka hinila nito ang kamay nito papalabas ng restaurant.









LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon