Chapter 5

5.6K 175 3
                                    

"Wait" nakatikwas ang kilay at nag angat ako ng kamay.
"Let me clean my ear baka namali lang nang dinig ako" wika ko at kunwa'y naglinis ng tenga.
"Pakiulit nga ulit yung sinabi mo kanina?" Utos ko dito.

"Miss Lopez pwede ka bang sumama sa akin?" Magalang na tanong nito.

Halos maglulundag ang puso ko sa sinabi nya.

At saan naman yon?

DATE! tili ng isip ko.

"At saan naman yun?" Pormal ang mukha na tanong ko dito.

Ayaw ko naman na ipahalata na medyo atat ako sa kanya.

"I want you to see my sister" sagot nito.

Tumikwas ang kilay ko sa sinagot nito.

"Excuse me lang ha Mr. Orivado, wala na akong ma gets sa mga pinagsasagot mo" tinaas ko ang kamay ko at saka nakapikit na umiiling iling.
"First you want to talk about my boyfriend now you want me to make sama to you para ma meet ko your sister,try to explain muna kaya" mataray na sita ko dito.

Ito naman ang napailing saka bumuntunghininga.

"Kaya nga Miss Lopez gusto kitang isama sa lugar kung saan nasaan ang kapatid ko at para masabi ko sa iyo ang mga ito" malumanay na sabi nito.

Napalunok ako kasi napatitig ako sa malalamlam na mga mata nito at pisti! Naglulumandi na naman ang puso ko.

"Paano kung ayaw ko?" Kunwari ay ayaw ko pang pumayag na tanong dito pero ang totoo ay gusto ko nang hatakin ang mamasel na braso nito at sumakay sa magara nitong sasakyan.

"Please?" Sumasamo pati mga mata na pakiusap nito kaya naman magpapakipot pa ba ako?

Siempre! Gora na tayo!

Kunyari nag sigh muna ako at namaywang para kunyari mukhang nag iisip na ako kung papayag ba ako o hindi.

"Okay pero saglit lang ha!" Nagpipigil na mapangiti na sagot ko dito. "May curfew ako"

Ngumiti ito ng ubod ng tamis tapos bahagya pang yumukod.

"Thank you" anito at kinuha ang palad ko tapos hinagkan nito ang likod nito.

Pagkatapos ay tila babasaging kristal na inalalayan ako papasok sa sasakyan.

--------------------------

"As I've said kanina sa sasakyan, my sister....." Adrian heaved a sigh then sadness written in his eyes stare at me.

I felt a heavy pain in my chest.

"Nagtangka sya na magpakamatay mabuti na lamang at naagapan" anito pagkatapos ay nilingon nito ang kapatid nito na himbing nakaratay sa kama at madaming aparato ang nakakabit sa katawan.

Kitang kita ang pagmamahal sa mukha nito para sa nakakabatang kapatid.

Gusto ko tuloy na mainggit kay Adrianna kasi mahal na mahal sya ng kuya nya at mukhang nakahanda nitong gawin ang lahat lahat para sa una.

"It's that so?" Wala sa loob na tanong ko kasi abala ang utak ko sa lalaking katabi ko. "Stupid woman" bulong ko pa.

"It was not as simple as that Miss Lopez, muntikin nang mawala ang kapatid ko sa akin dahil sa di nya kinaya ang sakit na dinulot ng pakikipaghiwalay ng boyfriend mo sa kapatid ko tapos malalaman pa nya na kayo na ni Adrian, ikaw na labis nyang pinagseselosan ang ipinalit ng lalaking yun sa kanya kaya naman....kaya naman" di nito maituloy tuloy ang sasabihin.

Huminga ako nang malalim bago humarap dito.

"So kasalanan ko at ni Eric ang nangyari sa kapatid mo ganun ba?" Mataray na tanong ko dito.

Agad na umiling iling ito.

"No Miss Lopez wala akong gustong sisihin dito kundi ang sarili ko kasi masyado akong naging abala sa trabaho at di ko na alam ang mga nangyayari sa kapatid ko" paliwanag nito.

Humalukipkip ako.

"Eh di ikaw na ang may kasalanan" wika ko. "Ngayon na nangyari yan sa kapatid mo, ano nang next na move mo? You will tell me na hiwalayan ko na si Eric tapos pilitin ko pa ito na balikan na ang kapatid mo kasi kawawa naman muntikan ng mawala sa face ng earth" litanya ko. "Tsk, ke arteng babaita makuha lang ang gusto papahirapan pa ang loob ng mahal ko" bulong ng utak ko.

Nakita ko na nagtagis ang mga bagang nito tapos kinuyom ang mga kamao.

"Miss Lopez...."

"Alam ko na ang sunod na sasabihin mo, makikiusap ka na kung pupwede ay hiwalayan ko ang boyfriend ko right? para sa ikakabuti ng kapatid mo" nakakainis isipin na para makuha ng kapatid nito ang gusto ay nagawa nito na pagtangkaan kitlin ang buhay nito.

Sarap sampalin ng times two times two at times two yung Ex ni kambal!

"Miss Lopez please hear me----" tinalikuran ko na ito at mabibilis ang hakbang na naglakad papalayo dito.

"Miss Lopez wait!" Mabilis na hinabol ako nito at tinangka nito na hawakan ang braso ko mainam na lamang at agad na napagpag ko ang kamay nito.

"I just want to think about it at yun malayo sa iyo so will you excuse me?" mataray na wika ko dito saka nagmamartsang naglakad papalayo dito....

LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon