Chapter 17

5.7K 170 4
                                    

Aw.. shit! Ang sakit ng ulo ko! Sapo ang ulo na nagpilit akong bumangon sa kama.

Iginala ko ang paningin ko sa kuwarto ko at nang makita ko ang basyo ng mga alak na nakakalat pati na ang amoy alak sa kuwarto ay naiiling na naglakad na ako papunta sa may Shower.

Ipapalinis ko na lamang itong kuwarto sa kasambahay mamaya bago ako umalis.

Pagkababa ko sa may hagdan ay nakita ko agad si Adrianna salas na tila hinihintay ako.

"Kuya Adrian may lakad ka ba mam'ya?" Tumayo ito at lumapit sa akin.

"I don't know my scheduled today, titignan ko, why?" Kunot noo na tanong ko.

"Eh kasi Kuya Adrian...gusto ko sanang pumunta sa party ni Vanessa and I want you sana na samahan ako mamayang gabi...I hope na free ka" sagot nito.

Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko.

I think mukhang nakalimutan na nya si Eric.
Masyado na kasing nawiwili si Adrianna na magparty kasi halos every friday and sunday halos lagi daw itong nagpaparty kasama ang mga kaibigan nito ayon mismo kay Manang.

Ang kunsuelo ko na lamang ay hindi ito gumigimik at nagba bar hopping na mag isa kundi ikukuha ko talaga ito ng mga bodyguards.

"Will see about that, tawagan na lamang kita tonight" tugon ko at saka inakbayan at pumunta na kami sa dining hall para mag almusal.


-------------

"Adrian!" Akma na sana akong papasok sa kotse ko nang tila may biglang tumawag sa pangalan ko.

Luminga ako sa paligid ko pero wala naman akong nakita na ibang tao maliban sa dalawang Guards na nasa parking lot.

Bumuntunghininga ako at saka pumasok na sa kotse ko.

Nang makabit ko na ang seatbelt ko ay humigpit ang hawak ko sa manibela.

Damn it! Umalis ka na sa utak at sistema ko! Pumikit ako ng mariin para iwaksi sya sa isipan ko.

It's been a year since the last time after that na nagalit ako dito dahil nagsinungaling sya.

Umalis ako ng bansa kasama si Adrianna na halos magmakaawa na iwan ko na lamang sya dito sa Pilipinas pero hindi ako pumayag.

I made it clear to her that my decision is final at di ko na ito babaguhin pa.

Kaya naman wala nang nagawa pa si Adrianna kundi ang sumama sa akin na umalis.

Kakauwi lamang namin na dalawa last month sa bansa para ayusin ang gusot sa Company and natapos din naman agad ko yun.

Pinaandar ko na ang sasakyan at nagsimula ng mag drive paalis sa parking lot.

I want to forget her but my heart cannot accept it.
Nagsinungaling sya sa akin dahil gusto nya ako, sinamantala nya na desperado ako nung mga panahon na yun para maitali ako sa kanya,
At malamang kung di pa ako nakipag away sa kapatid nya di ko pa malalaman ang totoo at marahil....magkasama pa rin kami ngayon...

Nang umilaw ang stop light ay huminto ako.

Habang hinihintay ko na umilaw ang Go signal ay tila huminto ang paghinga ko ng dumaan sa harap ng sasakyan ko sya....

She is still the same....yun agad ang pumasok sa isip ko pagkakita sa masaya nyang mukha habang may kausap sya sa cellphone nya.

Nakukuha pa nyang makipag usap sa cellphone habang tumatawid! So typical of Erina! I chuckled at that thought.

Napapitlag pa ako ng sunod sunod na busina sa likod ko.

Sa sobrang pag iisip ko sa kanya di ko na namalayan na naka Go signal na pala kaya naman pala ang mga sasakyan na nasa likod ng kotse ko ay gigil na kung bumusina sa akin.

Naiiling na pinaabante ko na ang sasakyan ko para makaalis na sa lugar na yun.

_________

"Mamang si Evan po?" Sabik na tanong ko kay Mamang pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa bahay namin.


"Ay naku nasa Papang mo, alam mo naman ang Ama mo gusto lagi karga ang Apo nya" natatawang sagot ni Mamang sa akin.


Napangiti na lang din ako at inilapag ko na ang bag ko para matulungan na si Mamang sa pagluluto nya.

Malapit nang mag apat na buwan si Evan tapos ang bilis pa nyang lumaki halos para syang tila hinihipan sa sobrang bilis nyang lumaki, ang taba taba pa tapos kamukhang kamukha pa sya ng Ama nya kaya naman ang saya saya ko.

Si Adrian na lang ang kulang at kumpleto na ang pamilya namin.

Kailan kaya sya uuwi?  Nung pumunta ako sa bahay nila nung isang buwan at nakausap ang Guard dun ay wala pa daw si Adrian at Adrianna dito sa bansa.

Pag nakita ko sya di na ako papayag na iwan na naman nya ako! Sumpa ko sa sarili ko habang nakangising tinatadtad ang sibuyas, nang matapos ako dito ay sunod ko naman na hiniwa ang baboy.

Sobra sobra na ang oras na hiningi nya sa akin kotang kota na ang lalaking yun sa akin!

"Erina pinung pino na yang baboy, di na yang pang sinigang, panahog na lang yan!" sigaw ni Mamang sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko.

"Sabi ko nga po Mamang, mag munggo na lang po tayo" natatawang palusot ko dito.


LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon