Chapter 4

6.1K 185 2
                                    

Halos madapa na ako sa bilis ng mga hakbang ko papunta kay Nana Seling.

Nang makita ko ito ay mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"Nana Seling, how is she?" Kinakabahan na tanong ko dito.

"A---ang sabi nang Doktor, okay na naman daw si Adrianna pe--pero oobserbahan pa daw sya" naiiyak na sagot nito.

Kaagad na pumasok ako sa kwartong inoukupahan ni Adrianna.

Dinaklot ng awa ang puso ko at madurog ito pagkakita sa kalagayan ng kapatid ko.

Kanina sa opisina ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Nana Seling na naglaslas ng pulso si Adrianna.

"Adrianna....." hinaplos ko ang buhok nito saka napatingin sa pulso nito na nakabenda.

"S---sir Adrian, s---sorry po at nalingat ako kasi-----"

"I know Nana Seling wala kang kasalanan"maagap na sansala ko.

"S---salamat po Sir----"

"Nana Seling pakibantayan po muna si Adrianna kailangan  lang na puntahan ko ang Doctor nya" wika ko at kaagad naman na sumangayon ito.

Gulo naman ang isip na umalis ako at pumunta sa doktor na tumitingin dito.

Pinagpaliwanag ako nito nang mga alam ko na posibleng dahilan para tangkain ng kapatid ko na magpakamatay at sinabi ko naman lahat ng nalalaman ko.

Pinayuhan ako nito ng mga dapat na gawin ko na tinanguan ko na lamang pero sa isip ko ay may naisip na akong solusyon para mapabuti ang kapatid ko.....

---------------

"I love you Erina....." malamlam ang mga mata na dahan dahan na nilapit nang mahal ko ang mukha nya sa mukha ko....

Dahan dahan na napapapikit ako,
Damang dama ko ang malakas na paglakabog ng dibdib ko,
Nanunuyo ang labi na ibinuka ko ito at iniumang sa papalapit na labi nito....

"I---i love you to-----"

"Oy!" Malakas na tapik ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Asar na matalim na pinukulan ko ng tingin si Alice.

"Siraulo ka Bes ba't ka ba basta basta na lang namamatok d'yan panira ka ng panaginip eh" angal ko dito at pinukpok pa ng kamay ko ang desk sa harapan ko.
"Ayun na bes eh, malapit na malapit na eh!" Masama ang loob na dagdag ko pa.

Mas nainis pa ako lalo nang maarteng humalakhak ito na ang kamay ay nasa beywang nito.

"Shut up Alice!"

"Eh di stop na" anito at umupo na sa tabi ko na parang walang ginawa na nakakainis.

Ngumuso ako at umakma na babatukan ito at pero nag peace sign ito sa akin kaya naman binatukan na din sya anyway,

"Aray naman Erina!" Nakalabing angal nito na nakangising inirapan ko naman.

-----------------------

Nagbibiruan at naghaharutan kaming dalawa ni Alice nang may humintong itim na sasakyan sa tapat namin.

Natigilan kami at hinintay na magbaba ng salamin nang bintana nang sasakyan nito.

Di naman nagtagal at di lang ito nagbaba ng salamin kundi bumaba pa ito at nang mapagsino ito ay kulang na lang ay magtatalon ako sa kilig at tuwa.

Lumapit ito sa amin ni Alice at tila slow mo ang ginawa nitong pagtanggal ng shades.

"Good Morning Miss Lopez, I 'm Adrian Orivado, can you spare me your five minutes please?" Walang paliguy ligoy na pakiusap nito.

"A---adrian...." anas ko na kinakabisa at ninanamnam nang labi ko ang pangalan nito.

Nagtatalon sa kaba at kilig ang puso ko.

"Ms. Lopez" untag nito pero nasa malawak na imahinasyon na naman naglalakbay ang utak ko.

"Uy tinatanong ka" ani Alice at niyugyog pa ang balikat ko.

Inirapan ko si Alice at nakangiting humarap kay Adrian.

"Okay libre ako ngayon halika na!" Wika ko at lumapit dito saka kumuyapit sa mamasel na braso nito na di nagawang ikubli ng business suit na suot nito.

Kulang na lamang ay sumubsob ako sa malapad na dibdib nito at langhapin ang pabango nito.

"Miss Lopez" umpisa nito.
Tumikhim ito at tumingin kay Alice.

Lumingon din ako at sa pamamagitan ng mga mata ko ay pinapaalis ko na si Alice.

Agad na nakuha naman ni Alice ang ibig kong gawin nya at ngumisi ito at napapapalatak na lamang.

"May nakalimutan pala akong kunin sa locker ko sige!" Ani Alice at mabilis na tinalikuran ako, kami ni Adrian ko at kumakaway pa.

Kinikilig na pilit na kinubli ko ang nararamdaman ko na saya  at sinupil ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko.

"So....umm Mr. Orivado anung gusto mo na pag usapan natin?" Tanong ko dito.

"It's about you Boyfriend" sagot nito na kinanganga at kinagulat ko.

"B---boyfriend ko? Ako may Boyfriend?" Naguguluhan na naituro ko ang sarili ko.

Tumango ito at bumuntunghininga.

"Yes, Si Eric" seryoso ang mukha na sagot nito.

Kulang na lamang malaglag ang panga ko sa sobrang pagkagulat.

"Eh?!"

LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon