Chapter 13

5.4K 163 9
                                    

"Ingrid I just hope na eto na ang huli natin na pagkikita" pormal ang mukha na sabi ko kay Ingrid.

Bumakas ang magandang mukha ni Ingrid ang lungkot,
Para na nga itong maiiyak pero mabilis na ngumiti ito sa akin.

"I understand Adrian.....eto na talaga ang huli" sagot nito at pinisil ang palad ko.

Tumango lamang ako dito at nagpatuloy na sa pagkain.

Ingrid Santiago is my ex liason, my fling,
My bed patner, pero hanggang dun lamang yun.

Hanggang pangkama lamang ang relasyon namin ni Ingrid at ngayon na kasal na ako kay Erina ay tinapos ko na ang relasyon na namamagitan sa amin ni Aleli.

Last week kinausap ko na ito at sinabi dito na tinatapos ko na ang relasyon namin na dalawa na maluwag naman na tinanggap nito.

Pero kanina ay tinawagan ako ng isa namin na kliyente at nang pumunta ako sa tipanan namin ay kasama ni Mrs. Khan, ang kliyente namin, si Ingrid dahil inaanak nito ang huli.

Hantaran na pinagpapareha kami ni Mrs. Khan na dalawa at binuyo pa kami nito na kumain na kami na lamang dalawa at eto na kami ni Ingrid.

"Pero Adrian...." basag ni Ingrid sa katahimikan namin na dalawa.

"Yes?"  Tanong ko dito at kasabay nun ay tumunog ang cellphone ko.

Napakunot ang noo ko pagkakita na nag text si Erina sa akin.

Paano kaya nalaman ni Erina ang number ko? Nagtatakang tanong ko sa isip ko pero dagling naalala ko na nag iwan pala ako ng note dito nung isang araw na kung may kailangan sya o may itatanong ay Itext na lamang nya ako.

"I want us to remind friends kung pupwede sana" hiling ni Ingrid ko.

"Sure" mabilis na sagot ko.

Binasa ko agad ang text ni Erina.

Hoy Lalake nasan ka? Hindi ko mapigilan na lihim na mapangisi.

Agad na ni replayan ko si Erina.

Nandito sa David  tukoy ko sa restaurant na kinakainan namin ngayon ni Ingrid.
Nagla lunch.....

"R---really payag ka Adrian?!"  Narinig ko na bulalas ni Ingrid.

Di ko pa ito nasasagot nang tumunog ulit ang cellphone ko.

Lunch your face! Hapon na uy! Napailing ako sa tinext nito.

It's not that, na busy kasi ako masyado, kami ng ka meeting ko nalimutan ko na mag lunch kaya naman ngayon lang ako kumakain paliwanag ko sa text at saka isinend yun sa Asawa ko.

"Thank you Adrian, you know how it's mean to me, I meant hindi naman ganun kadali na kalimutang ang pinagsamahan natin...."

Muli ay tumunog ang cellphone ko.

At excited na tinignan ko ito.

may kasama ka?

Oo agad na reply ko dito.

Babae o BABAE? Napangisi ako sa text nito.

Opo Babae...b.a.b.a.e  reply ko at sabik na hinintay ang reply nito.

"Adrian...." salita ng salita si Ingrid sa harapan ko pero wala dito ang pansin ko at sa halip ay nasa Cellphone.

Nang umilaw ito ay dali dali ko nang binasa ang text.

Nag text si Eric gusto nya akong makita, tutal busy ka dyan makikipag meet up muna ako kay Eric pagkabasa ko sa reply nito ay nalukot ang ilong sa inis.

Don't push your luck Mrs. Orivado
Naaasar na sinend ko na yun.
Ilang segundo pa at nag text ulit ito.

Then don't push your luck din Mr. Orivado napakunot noo ako na ni replyan ito.

Why are you sulking?

Are you mad?  Text ko dito.

Mad? Ako? OO! Reply nito na mas kinataka ko.

Why?

May kasama ka na ibang babae tapos tatanung mo bakit ako galit?

Bakit nga? nagtatakang reply ko dito.

Tumingin ka sa may labas ng bintana text nito na agad ko naman na sinunod.

At ewan ko pero kinabahan ako pagkakita sa taong nakatayo sa tapat namin at nakasimangot na humalukipkip pa.

Tinaasan ako ng kilay nito at may tinype sa cellphone na hawak nito.

Nang mag ring ang cellphone ko ay malakas ang dagundong ng dibdib ko na binasa ang nakasaad dun.

Uwi ka na galit na si ako! Pagkabasang pagkabasa ko dun ay mabilis na tumayo ako bagay na pinagtaka ni Ingrid.

"Adrian why?" Tanong ni Ingrid pero wala dito ang pansin ko kundi na kay Erina na inambaan ako ng kamao at pagkatapos ay nag sign ng gilit leeg at saka taas noo na naglakad na papalayo.

"Una na ako Ingrid!"

"Ha?!" Nagmamadali na kinuha ko na ang brief case ko at naglapag nang pera sa mesa pagkatapos ay nagmamadali nang iniwan ko si Ingrid sa restaurant na yun.....





















LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon