Bestfriend na Aswang

424 0 0
                                    

Bestfriend na Aswang 😷

Hi guys. I'm Max. A highschool Student and I believe that my third eye is open cause I can see and feel  other things which are not like ours. So by the way, I believe that I inherited this from my mother. So before all my experiences, (scary experiences to be particular), I want to share to you my mother's experience in the place kung saan siya lumaki.

My mom lives in a place wherin maraming kababalaghan na nangyayari and normal lang sa kanila iyon. My mom had a bestfriend kung saan palagi silang nag uusap, nagsasabay papuntang school, etc. But there was something special about her bestfriend, pinaghihinalaang aswang ang whole family niya. Eh eto namang si Mader parang wala lang. They continued their friendship pero nag iingat na siya kasi binalaan na siya ng Lolo ko.

One time, Gumala si Mama doon sa bahay nila, inimbita siyang kumain, eh natural binalaan na si Mama na aswang sila so nag iingat siya. Hindi siya kumakain ng kanilang pagkain at gumagamit ng kanilang mga gamit like baso, kutsara (Kasi ang paniwala nila, napapasa daw o magiging aswang ka rin kapag nagamit mo ang kanilang mga pinag gamitan). Tumanggi nlang si Mama at sinabing busog pa. Inalok din yan si Mama na suotin ang isang "habak" o parang belt na may mga kung anong nakasabit para proteksyon. Tinanggihan ni Mama kasi meron ng sa kanya at tsaka nagtataka siya dahil iba ang anyo ng sa kanya at sa kanila. Kadalasan kasi ang habak ay may bala ng baril na nakasabit pero ang sa kanila, parang black pearl na kung ano. Pero nanatili pa rin itong spekulasyon hanggang sa nangyari ito.

Ang pamilya ng bestfriend ni Mama  na pinaghihinalaang aswang ay may tindahan o sari-sari store. Ngayon, itong Lolo ko ay may utang pa na matagal na hindi binayaran. Kaya malaki ang galit nila sa Lolo ko. Isang gabi, nataranta at nagumbala ang pamilya ng Mama ko ng atakehin sila ng aswang. (Ang aswang ay nag aanyong malaking ibon) Klarong klaro daw ang pagkiskis ng mga claws ng ibon sa kanilang bubong. Ang sakit daw sa tenga. Pero hanggang ganun lang. Hindi naman raw kasi umaatake yang mga aswang na to the extent na namamatay ng hayop o tao sa kanilang sariling lugar. Madalas daw, dumadayo talaga yan sa ibang lugar. So ayun nga, nilubayan na sila ng mga aswang pagkalipas ng ilang minuto.

Kinabukasan, Sabay sina Mama at bestfriend niya na pumasok sa skul. Laking gulat ni Mama ng sinabi niya na "Alam mo, pumunta kami sa inyo kagabi". Ito na ang nagpatunay na aswang talaga sila kasi wala namang ibang pumunta sa bahay nila Mama kundi yun lang mga aswang.

Yun lang po salamat. I will send more stories next time. Happy New Year 😃

Maxted
Bohol

SPOOKIFYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon