Chapter 1: First Sight

417 53 44
                                    

 Not all people that have a bad attitude has no kindness in their heart.

It always have a reason. And that was the mystery that they hid to themselves.

That we need to figure out.

(A/N : Si Gel---->)

*June 6, 20##/ Saturday

  Naglalakad ako, balak ko kasing pumunta ng bar at magliwaliw kasama ng mga kabarkada ko.

Tumigil ako, para magsindi ng yosi. Pero bigla akong nakarinig ng sigaw ng babaeng humihingi ng tulong. I'd try to ignore it, but theres an urges that telling me that this girl really needs my help. Kaya kahit nagdadalawang-isip pa ako, eh sinundan ko na lang kung saan nanggagaling ang boses.

  Pagliko ko sa isang eskinita, doon ko nakita ang isang babaeng pinagtutulungang hubaran ng dalawang mukhang bakulaw na lalaki.

 Hindi ko siya masyadong mamukhaan, dahil madilim sa parteng pinagkakatayuan nila. At wala akong pakialam kung anumang itsura nya.

 Kaya, sinigawan ko na lang yung dalawang lalaki.

"Hoy! Bitawan nyo sya!"

"Hah? Sino ka bang tarantad* ka hah? Bat ka nakikialam dito? Away ng magsyota to, Huwag kang makialam." sabi pa nung isang Goon na mukhang galit na galit.

"Hah? Sira ul* ka ba? Sa tingin mo sa pangit mong yan may papatol pa sayo, G@g*!! Bakit hindi mo na lang bitawan ang babaeng yan at ako ang harapin mo? Nang magkasubukan na!" sabi ko dun sa mga walangyang yun. Kakapal pa ng mukha. Pwe!

 "Huh?! Pare! mayabang to ah! Patulan na natin to! Ano?" Nagtatapng-tapangan namang sabi nung isa nya pang kasama.

 Pagkasabi nung dalawang goon, sabay silang humugot ng "balisong". Nagulat man ako, pero hindi ako nakaramdam ng takot dahil sanay ako sa ganitong away, WALA AKONG KINATATAKUTAN.

 Nagsimula ng sumugod ang dalawang goon, pero nahawakan ko ang braso ng isa, at tinadyakan (sinipa) sa paa ang isa pa. Kaya napigilan ko ang dapat ay pagsaksak nila sa akin.

  "So, are you done? Ako naman!!" sabi ko habang itinataas ang manggas ng T-shirt ko. Aba syempre, para maangas ang dating.

Nakipagbuno ako sa dalawa at wala pang ilang minuto, ay bagsak na sila. Nang makita kong wala ng malay ang dalawa ay pinagpag ko ang dalawa kong kamay. Yuck! Baka mahawa pa ako sa kapangitan ng dalawang to.

Aalis na sana ako pero tinawag ako ng babae.

"Ah salamat sa pagligtas mo sakin. Di ko alam kung ano na nangyari sakin kung hindi ka dumating. Ako nga pala si Gelique Nicole Perer, Gel na lang. Ikaw? Anong pangalan mo?" Sabi ng babae [habang pinupulot ang nahulog nyang salamin.

At bilang napaka-ungentleman, tiningnan ko lang sya habang pinupulot ito.

"Unang una sa lahat, hindi kita niligtas, nagkataon lang na napadaan ako at natulili ang tenga ko sa ingay mo. Isa pa, nangangati na rin ang kamay ko sa away. Pangalawa, wala akong pakialam kung sino ka at wala akong balak magsayang ng oras  at panahon para magpakilala sayo. And the last but not the least, sa susunod nga try to wear a modern dress, mukha kang manang! Di ko nga alam kung bakit may nagtangka pa sayo! Umuwi ka na nga!" Asar na asar kong sabi sa kanya.

 Matapos kong sabihin yun, nakita ko ang galit sa mga mata nya. Pero nanatili lang syang mahinahon. Hindi naman sa tinitingnan ko sya hah? Napatingin lang. Di ko yun sinasadya. <Defensive? hehe>

 "Sige alis na ko." nakatungong sabi nung Gel daw.

 "Ayy! tsaka nga pala, sa susunod wag kang pagala-gala kapag ganitong malalim na ang gabi. Swerte mo na lang kapg may nagtangka pa sa'yo." Pang-asar kong pukaw sa atensyon nya.

May sinasabi pa siya, pero  di ko na sya pinansin at napapailing na naglakad na lang ako paalis.

Pambihira ang babaeng yun, hindi ko alam na sa panahon ngayon, meron pa palang ganung klase ng babae. Long skirt, na animo nakaSAYA, mahabang manggas ng damit at nakasalamin ng sing kapal ng libro. Hindi, exaggerated lang ako. Di naman makapal, pero basta makapal!

 (A/N "Hehe :D So yan po ang unang pagkikita nila. Hmn kahit konti lang nakabasa at wala pang votes, i decided to continue this story, nangangati lang talaga kamay ko na magsulat nito, este, magtype pala. Sana sunod kong pagbukas nito may vote na.. Haha.. Si Author ay assuming :D" )

Sid an Atheist, Learned How to LoveWhere stories live. Discover now