Chapter 15: A Favor

53 1 0
                                    

A/N Sa mga naghintay po ng update, sobrang sorry po. Natagalan ng sobra. Hayyy!! Pero kahit ganun sana nandyan parin kaya at nananatiling suportahan ang istoryang ito. Salamat po :)

Sid's POV

 Ngumiti ulit ako bago sagutin ang tanong nya. "Hmmm. Kaibigan po ako ng Ate mo, anong pangalan mo?" di ko maintindihan ang sarili ko. Parang hindi na ito ang Sid na kilala ko. Bakit nga ba gusto kong mapalapit sa mga taong may kinalaman sa kanya?

 Siguro, dahil na rin sa hinayaan ko na syang maging parte ng pagkatao ko. Bagaman hindi ako sigurado kung tama ba ang naging desisyon ko, hindi ko pa rin maaalis ang katotohanang naging masaya ako sa mga sandaling magkasama kami.

 Maya-maya'y napasinghap ako ng sigawan ako sa tenga ng kapatid ni BM. Hayyy! May pinagmanahan talaga to. "Bakit po kaya sumisigaw ang bata sa harap ko ngayon? Pwede ko kayang malaman?"

 "FYI, wala ng bata sa pamamahay na ito. Dahil dalaga na ako at ako ang poprotekta sa ate ko. Nagkakaintindihan ba tayo? Uh! By the way, I'm Marigold. You can call me what ever you want. But don't you dare give me 'mabantot' nickname like what you've done to my sister. Malinaw?" Marigold, at iniabot ang kamay para makipagshake hand. Ayos! Haba ng nasabi nya a? Buti di sya hiningal. "Opo naiintindihan ko", sagot ko. Pansin nyo? Bakit parang mas marunong pa ako ng right values kesa sa batang ito?

"Hoy kayong dalawa dyan, kakain na. Mari, dito mo na iintimidate ang kumag na yan!" sigaw nung manang. Bibwisitin talaga ako nyan e. Kung di lang talaga...... ayyyy ewan!

Sabay na kaming pumunta sa hapag. At pagkapasok-pasok ko sa dining area, hmmmmm... ang bango.. mukhang masarap ang niluto ng manang na to ah? Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom.

Dumiretso na ako sa upuan at agad na sumandok ng kanin.

"Hindi ka naman gutom ng lagay na yan?" puna ni BM

"Eh ano naman? Kaya mo nga ako pinapunta dito para pakainin diba? Tapos reklamo ka dyan ngayon"

"Abat! Kumain ka na nga lang!"

Hindi ko sya pinansin. Naalala ko kasi ang Hoodlum Boys. Kailangan ko na rin palang makausap ang mga gumol na yun. Dapat na naming itigil ang kalokohang napag-usapan namin.

"Hoy kumag! Kumain ka. Hindi ko niluto yang pagkain para titigan mo lang" pukaw ni BM sakin.

Napansin ko lang ha? Sumosobra na tong manang nato. Feeling nya yata close na kami? "Ano ba! Kakain ako wag kang magulo", sagot ko.

"Sus! ewan ko sayo. Kumain ka na. Bilisan mo!"

"Hoy ikaw! Manang ka!"

"Ano ba? Bakit ka sumisigaw nasa harap ka ng pagkain", saway nya.

"Eh ano naman kung nasa harap ng pagkain? Makakapagsalita ba yan para sabihin na wag ako sumigaw sa harap nya ha? Ano yan may bibig? May pakiramdam?"

Sid an Atheist, Learned How to LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang