Chapter 11: Sid on Trouble

154 27 16
  • Dedicado a Ryan Jhay Estacio Refugia
                                    

Theres no need to rush.

 If something is meant to be,

 It will happen in the right time with the right person for the best reason.

(A/N "This Chapter is Dedicated to @jhiyansrefugia. It's my way of thanking him for supporting me and my story :) I love my readers so much)

 Continuation of Sid's POV

 Napatingin ako dun sa kinausap nya. Sila yung lalaking nagtangka kay BM. Aba! Talagang rumesbak pa ha! Tarantad*!

 "May ipagyayabang naman ako. Bakit hindi ko ipagyayabang?" sagot ko dun sa nag salita, kahit hindi naman ako ang kinakausap nya.

 "Kinakausap ba kita ha? Epal ka rin ano? Manahimik ka dyan. Ienjoy mo muna habang hindi pa kami nagsisimilang patayin ka!" Nakabulyaw na sabi sakin nung leader nila.

 "WOW! Epal? Ako? Gag*. Kung may epal dito, kayo yun! Isa pa, ako? mamamatay? F*ck! NO!" sigaw ko din sa kanila.

 "Pare! Matapang. Subukan na lang kaya natin kung hanggang saan ang tapang nito." sabi naman nung isa panilang kasamahan na may hawak na baseball bat at ipinapalo-palo pa ito sa palad nya habang sinasabi to.

 Ha! Akala nya naman matatakot ako. Pwe!

 "Huh! Talagang matapang ako. Kung may duwag dito, kayo lang yun.Sino ba naman ang gagong magsasama pa ng ganyang kadami, eh isa lang naman ang kalaban? Isa pa! Kayong dalawa dyan, hindi pa ba kayo nadala nung bugbugin ko kayo?" tukoy ko dun sa dalawang bakulaw.

 Mukha namang nag-init na ang ulo ng mga yun at nagsimula ng magsikilos.

 Isa-isa silang sumugod sakin. Mga tanga! Pwede naman nila akong paglubungan. Tsk!

 Dahil nga isa-isa lang silang lumaban, napatumba ko silang lahat.

 "Oh ano? Kaya nyo pa ha? Ako pang tinakot nyong mga sira ulo kayo!" bulyaw ko sa kanila.

 Nagulat naman ako ng sabay-sabay silang tumayo. Nanlaban ako, pero mdami sila. Nahawakan ako ng dalawa kaya wala na akong magawa.

 Pumunta sa harap ko yung dalawang bakulaw na nagtangka kay BM.

 "Oh? Ano? Akala ko ba matapang ka? Ngayon ka magtinapang!" tumatawang sabi pa sakin ng dalawang bakulaw habang sinasakal ako ng isa.

 Dahil naiirita na ako sa pagmumukaha nitong mga to, at gusto ko ng makalayas dito. Sinipa ko ang pinakamaselang bahagi ng katawan ng mga lalaki yung dalawa. Laughtrip yung itsura nung nila. hahaha. Nagtatatalon sa sakit.

 "Mga gunggong!" sigaw ko sa kanila. Kasabay nito ay ang pagsiko ko sa dalawang nakahawak sa akin na naging dahilan ng pagkakawala ko sa hawak nila. Pinaulanan ko sila ng suntok at sipa. May-maya pa'y nagsisunuran na rin ang iba pa nilang kasama. Pinaglubungan nila ako. Pero gaya nga ng nasabi ko sa mga nauna pang Chapter, sanay ako sa ganitong away kaya bakit ako matatalo ng mga to. Pero hindi ko naman itatanggi na kahit papaano ay nakakalusot ang mga suntok at sipa nila sakin. Ang dami kaya nila! Pero ayan sila ngayon, tumbang lahat.

 "WEAK!" pahabol ko pang sigaw sa kanila.

 Aalis na sana ako, pero hindi ko namalayan na nakatayo pa pala ang leader nila.

 Hanggang sa nakaramdam na lang ako ng malakas na paghampas sa likod ko at bigla ng nagdilim ang paningin ko.

  Gel's POV

 Naglalakad ako, papasok na kasi ako sa trabaho ng may makita akong nagtatakbuhang mga tao at nagkakagulo.

 Ano kayang pinagkakaguluhan nila? At dahil kinain na ako ng curiosity ko, nagtanong na ako dun sa nakita kong babaeng tumatakbo. Dagli ko itong pinigilan sa pagtakbo at nagtanong.

Sid an Atheist, Learned How to LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora