Chapter 16 : Ano bang Problema Mo?

50 3 0
                                    

Sid's POV

 "Dami mong tanong. Para sa una mong tanong, kapatid mo ang nagpapasok sakin dito. Pangalawa, hindi ka masyadong nakakain kanina kaya ako nandito. Magbihis ka. Lalabas tayo." Pagkasabi ko nun ay binirahan ko na ng labas para wala ng angal. Reklamador pa naman yung manang na yun.

Hinintay ko na lang sya sa labas ng bahay nila. Di pa natatagalan ay lumabas din naman ito.

"Oh ano? San tayo pupunta?" pagalit nyang tanong.

"Kakain", maikli ko namang sagot at patuloy ng naglakad patungo sa sasakyan ko.

Bago ko pa mabuksan ang pinto ng kotse eh pinasakit nanaman ng manang na to ang tenga ko. "Kakaen? nanaman? Di ka pa ba nabusog sa ipinakain ko sayo ha?" nakasigaw nanaman nyang litanya.

"Ano ba! Naka high pitch nanaman yang boses mo. Sino ba naman pati kasi ang may sabi sayo na ako ang kakain? Ikaw po ang dapat kumain dahil halos hindi mo na po nagalaw ang pagkain mo kanina at nilayasan mo lang kami. Malinaw na po? Tara na! Sumakay ka na sa kotse bago pa magbago ang isip ko."

Sa mall ko sya dinala. Balak ko kasing ibili na rin sya ng NORMAL na damit. Take note, NORMAL! Pero syempre pagkatapos na nyang kumain.

Sa greenwhich ang napili nyang kainan. Lulubusin na daw nya ang pagiging mabait ko. Abusado pala ang manang na to.

Ako ang umorder ng pagkain nya at hinayaan ko na lang syang kumain. Buti na lang at bumalik na ang appetite nya sa pagkain. Inalok pa nya ako pero tinanggihan ko. Masyado kaya akong nabusog sa luto nya.

Nang matapos syang kumain ay hinila ko na sya palabas sa greenwhich at nagtungo sa isang boutique para sa mga babae.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ni BM.

"Baka kakain tayo dito. Boutique to BM. Ano bang ginagawa sa ganito? Ano ba yang utak mo! nangangalawang na."

"Eh hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Alam kong pamilihan to. Hindi ako tanga gaya ng lagi mong sinasabi. Ang ipinagtataka ko lang, kung bakit dito tayo pumunta? Hindi ba dapat sa boutique para sa men's wear tayo pumunta hindi dito? Liban na lang kung bisexual ka!", mapang-asar nyang tanong sakin.

"Ako bisexual? Gusto mong patunayan ko sayong hindi? Isa pa, wag ka ng masyadong matanong. Basta lahat ng mapipili kong damit, isusukat mo! Kuha?" sabi ko sa kanya at sinabayan pa ng isang matinding kindat na naging sanhi naman ng pamumula nya.

Sus! Kindat lang pala ang katapat nito eh.

"Ewan ko sa'yo! Bahala ka! Ikaw lang naman ang laging nasusunod. May magagawa pa ba ko? Para san ba yan at pati ako eh idadamay mo sa pagsusukat ng mga damit?"

Bahala daw ako pero nagtatanong pa rin. Tsk!

"Basta! Ibibigay ko sa babaeng gusto ko. Kaya bilisan mo na." sagot ko.

Nagsimula na akong mamili ng mga damit at isa-isa kong binigay sa kanya. Nang matapos ay hinayaan ko na lang syang magsukat ng mga damit na napili ko. Hinintay ko na lamang sya.

Maya-maya pa'y lumabas na rin sya suot ang isang simpleng skinny jeans at spaghetti na pinatungan lang ng blazer. I chose them for her. Ayoko naman kasi na hindi sya magiging kumportable sa mga damit na bibilhin ko sa kanya. Syempre! Manang nga eh. Conservative. Baka mamaya ibato pa nya sakin kung bibilhan ko sya ng mga damit na gaya ng binibili ng karamihan sa mga babae.

Tinanguan ko lang sya ng tumingin sakin na parang humihingi ng opinyon ko. Matapos yun ay pumasok na syang muli upang magsukat ng iba pang mga damit.

Ganun lang ang naging routine namin. Magsusukat sya, at ako naman ay titingnan ito. Nang ang huli ng damit ang kanyang isinukat, di ko naiwasan ang mapahanga. Isang simpleng black dress lang ito pero ang laki ng iniimprove ng itsura nya. She have a perfect pair of legs. Kung tatanggalin lang nya ang salamin at ayusin yung dry nyang buhok. Tanggalin na rin nya yung brace nya. Bakit ba naman kasi naglagay ng ganun? Di naman bagay. I know she's beautiful.

Wala sa loob kong napalapit ako sa kanya at muli ay unti-unti kong tinanggal ang salaming nakaharang sa mga mata nya. Pero bago ko pa ito matanggal ay pinigilan nya ko. "Don't you dare!", mariin nyang sabi.

I am wondering why. Is that so big deal for her? Ganun na ba kalabo ang mata nya at hindi na sya halos makakita pag walang salamin? Pero hindi e. Nung una kaming magkita, dirediretso lang nyang kinuha yung salamin ng malaglag ito na para bang walang problema sa mata nya.

Napakamisteryosa ng babaeng ito. Ngayon tuloy ako napapaisip sa mga sinabi sakin ng kapatid nya.

Nang tatawagin ko na sana sya para bayaran ang mga napamili namin, e hindi ko na sya nakita. Ano nanaman kaya ang naisipan nya at nilayasan nanaman ako. Sobrang sama na ba para sa kanya yung simpleng pagtanggal ko lang ng salamin nya? Hayyyy! Wala na akong maintindihan sa mga nangyayari.

Kahit umalis sya ay binayaran ko pa rin ang mga damit na napili ko. Para sa kanya naman kasi talaga yun e. Pagkatapos niyon ay nagsimula na akong hanapin sya sa buong mall. Pero wala akong nakitang ni anino nya. Hooh! Pinapagod ako ng manang na yun. Hindi ko alam kung saang lupalop ko na sya hahanapin.

Nang matapos ko ng libutn ang buong mall ay nagpasya na ako na akong sa labas na sya hanapin. Ang tanong, san ko naman kaya syang lupalop matatagpuan sa labas? Hayyy manang na yun talaga, sakit sa ulo.

Nagtuluy-tuloy lang ako sa paghahanap sa kanya. Hanggang sa mapadaan ako sa isang maliit na chapel malapit lang sa mall na aking pinanggalingan. Hindi kaya dito nagpunta yung babaeng yun?

Shit! Nunca na pumasok ako sa lugar na yan!

Pero.... Baka nandun sya...

Unti-unti kong inihakbang ang mga paa ko papasok sa chapel. Hindi ko gusto tong ginagawa ko. Matagal ko ng kinalimutan na may ganitong lugar pa. Pero sa oras na to, walang ibang laman ang isip ko kundi sya lang. Naguguluhan na talaga ako sa kanya. Bigla na lang nag-iiba ng mood.

Maya-maya pa ay tuluyan na akong nakapasok sa chapel. Hindi nga ako nagkamali, nandun sya. Nakaluhod, nakatungo ang ulo at... at... teka..... umiiyak ba sya?

 Ano bang nagawa ko? Tsk! Sayang naman ang effort ko pagpasok sa lugar na to kung di ko din naman sya maiisama pabalik. Kaya nilapitan ko sya at umupo malapit sa kanya.

 Hindi pa siguro nya ako napapansin kaya patuloy lang sya sa ginagawa nya. Kaya hinayaan ko na lang din muna sya.

 Nang lumipas ang mga sandali, ang tahimik nyang pag-iyak ay nauwi sa paghikbi. Di ko na napigilan ang sarili ko. Hinagod ko ang likod nya para sana mapagaan ang pakiramdam nya. Pero nagulat ko yata sya. Bigla syang napatayo at dagling nagpahid ng mga luha.

 "Anong ginagawa mo dito?" tanong nya.

 "Sinusundo ka. Bigla ka nalang kasing umalis kanina. Halika na, alis na tayo dito." hinawakan ko ang kamay nya at hinla na sya palabas ng chapel.

 Mamaya kakausapin ko sya. Pero wag dito.

 Tahimik lang sya habang naglalakad kami pabalik sa mall habang hawak ko pa rin ang kamay nya. Di naman sya umaangal, kaya di na ako nag-abala pang tanggalin ito. Dun nakaparada kotse ko kaya wala kaming choice kundi maglakad pabalik doon.

 Di ko alam kung paano ko sya iaapproach ngayon. Ang lalim ng iniisip nya.

 Nang makarating kami kung saan nakaparada ang sasakyan ko ay dagli ko syang pinasakay dito. Kailangan naming pumunta sa lugar kung saan makakapag-usap kami ng maayos.

 To be continued

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jan 17, 2015 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Sid an Atheist, Learned How to LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora