Most men,
would rather deny the hard truth than FACE it
Sid's POV
Eh hindi naman talaga eh. Yung sakin like lang, madali lang yun mawala. Sa kanya love. I'm doing it only because of the bet. And because I like her, naeenjoy ko na rin.
"Hayy ewan ko sayo pare, dyan ka na nga. Gulo mong kausap. Sige alis na kami, bukas na lang ulit." naguguluhang sabi sakin ni SJ na may pagkamot pa sa ulong nalalaman.
"Mabuti pa ngang umalis na lang kayo. Istorbo! Tsk!" Sagot ko naman sa kanya.
"Sige" si Andro habang naglakad na paalis.
"Ooops!! Teka pala!" tawag ko ulit sa kanila.
"Oh bakit?" tanong ni SJ
"Yung kalahati ng pera ko ihanda nyo na bukas ha?" sabi ko sa kanya habang dinuduro ko pa silang dalawa. Aba syempre. Para matakot.
"HAH? Ano ka sinuswerte? Hindi pa naman kayo eh. Ang usapan, pag naging kayo na! Tsk!"--> mayabang na sagot naman ng walangyang Andro na to.
"Hayy!Sige na, sige na.Layas na!" pagtataboy ko sa kanila.
Nang makaalis yung dalawa ay nahiga na lang ako.
Kung inaakala nyo na ang hide out na sinasabi ko ay gaya ng walang kakwenta-kwentang napapanood nyo sa TV ay hindi. Maganda to, mayaman kami eh. It's more like parang rest house. Bakit nga ba nag-eexplain pa ako sa inyo? Bahala nga kayo.
Pagpikit ko ng mga mata ko, bigla na lang nagflashback yung scene na hinalikan ko si BM. Bwisit! Ano ba nangyayari sakin? Ang mga ganoong bagay ay hindi na dapat inaalala. Tama naman diba?
"Huh? Ayaw mo alalahanin, tapos naaalala mo ng kusa? Iba na yan pare!" --> konsensya
"Anong iba ka dyan?" --> ako
"Oo. It must be love" --> konsensya
"Abat hoy! Manahimik ka! --> ako, biglang napaisip.
Hayyy!! bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Nasisiraan na ata ako eh. Mabuti pang natutulog na lang.
KINABUKASAN (Sa School)
"Oh? Pare, kumusta? May nabalitaan ako ah?" Bungad kaagad sakin ni Khim
"Aish! Ano pa bang asahan ko? Basta kay Andro, siguradong walang maililihim"
"So, umamin pala sya sayo na gusto ka na nya?" pang-iintriga pa nya.
May pagkatsismoso din pala to, ngayon ko lang nalaman.
"Oo, bakit?" taas noo ko namang sagot.
Problema ba naman kasi nitong isang to? Seryoso masyado.
"Sigurado ka na bang, gagawin mo talaga yung kalokohan nyo?" patuloy pa nitong mokong na to.
"Alam mo Pare, kung hindi ka sang-ayon sa ginagawa namin, wag ka na lang makialam. Wala rin namang maitutulong." Sabi ko pa sa kanya.
"I like Gel. At hindi ako papayag na paglaruan nyo sya!" Naka fist palm pa nyang pahayag sakin.
Ginagago ata talaga ako nito e.
"Ano to pare? Gaguhan lang ha? Sasabihin mo sa kanya? Eh di lalo mo syang sinaktan. Sira ulo ka pala e. Sisirain mo ang pagkakaibigan natin dahil sa babae? At ano yung sinasabi mo? You like her? Agad agad? Bakit nagkasama na ba kayo? Hindi pa naman diba? Nasisiraan ka na talaga. Bait baitan. Tsk!" Sabay talikod ko sa kanya.

YOU ARE READING
Sid an Atheist, Learned How to Love
RomanceIt is about a man who disbelieve or doubt the existence of God. Who unexpectedly learned how to love. Because of the girl that he met unexpected. So, read it guys if you're interested. Write a comment, vote and message me if you've something to tell...