Ang samahan ay parang magnet.
Once na magkawatak-watak ito,
Hindi mo na maibabalik sa dati.
Continuation of Gel's POV
"Ahhhh" Doc
"Ano po bang nangyari kay Sid? Wag nyo na kaming titigan ng ganyan Doc. Pinapaintense mo pa yung eksena eh." sabi ko kay Doc with taranta effect pa yan ah. Pano naman kasi kung makatitig samin parang may hindi magandang nangyari.
Maya-maya yung mukha ni Doc na parang may masamang nangyari ay nagchange into naiinis look. Tiningnan nya kami isa-isa ng masama. Yung totoo? Ano ba talagang nangyayari? "Kayo ba ang mga kaibigan ng pasyente?" tanong ulit ni Doc na para bang nagtitimpi ng galit.
"Ano po ba talagang nangyayari Doc?" Di na ako nakatiis kaya tinanong ko na sya. Lalo akong kinakabahan sa reaksyon nya. "Oo nga Doc, pangalawang beses nyo na tinanong kung kami kaibigan nya" nawawalan na rin ng pasensya si Khim base sa reaksyon nya.
"Kung gayon pagsabihan nyo yung kaibigan nyo. Halos sirain nya ang mga gamit sa emergency room. Nagtataka kayo? Bago pa man sya maihiga ay nagising na sya at nagwala lang naman sya. Tinatanong pa kung anong ginagawa nya sa walang kwentang hospital na to. Look! Wala syang manners. How could he say that this hospital is walang kwenta. By the way, maayos na ang kalagayan ng kaibigan nyo. Asikasuhin nyo na lang ang paglilipat nyo sa kanya sa pribadong kwarto." mahabang pahayag ni Doc. Halatang inis na inis talaga sya, base sa pagsasalita nya. Ano ba naman kasing ginawang kalokohan ng Lalaking Kumag na yun. Wala ng ginawang matino.
"Ah sige, salamat po Doc. Pasensya na kayo sa abala" paghingi ko ng despensa.
"Walang problema. It's my duty. Oh, before I forget. Base on your friend's attitude. He don't want to stay here. So better convince him to stay, may gagawin pa kaming ilang test to make sure that he's safe." Buti na lang kumalma na si Doc. "Salamat Doc" i said.
Sid's POV
Pagmulat ko ng mata ko, puti ang paligid. Talaga pa lang hindi nila ako inilabas ng hospital na to. Nakuha pa akong turukan ng pampatulog. Mga walangya talaga. Paglingon ko sa dakong kanan. May nakita akong babaeng natutulog sa sofa. Base sa suot nyang damit, hindi ako maaaring magkamali, si BM. Napangiti ako. Talagang nagbantay sya ha?
"Hoy! BM! Anong ginagawa mo dito?" sinigawan ko sya. Bayae syang magising. Gusto ko lang naman syang makausap kung pano nya nalaman na nandito ako. At talagang binantayan nya pa ko ha? Teka! Sinabi ko ba yun. Hayy! Bakit? Masama ba? Eh sa nacucurious ako eh. Yun lang yun.
Nag-inat pa sya at unti-unting minulat ang mga mata. Tumingin sya sa askin at ngumiti pa. "Oh? Gising ka na pala. Kumusta pakiramdam mo?" Lumakad sya papunta sa akin na tila ba alalang alala.
"Ok na ako. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Binabantayan ka. Ano ba kasing nangyari sayo? Nakipagbasag-ulo ka nanaman. Paano kung napasama ka? Buti na lang at maayos na ang pakiramdam mo." Kung alam lang nya na sya ang dahilan nito. Nunca namang ipaalam ko sa kanya.
"Wala. Sila naman ang may kasalanan. Sila ang nagsimula ng gulo. Teka! Wag ka na ngang maingay dyan. Tanong ka ng tanong. Ilabas mo na ako dito sa hospital na to!". Sinungitan ko nalang sya para hindi na mag-usisa.
"Nagpapatawa ka ba? Dis oras ng gabi magpapalabas ka ng hospital? Alam mo, matulog ka na lang." Pinaglalaruan talaga ako ng babaeng to. Pinagtatawan pa ako.
Tiningnan ko lang sya ng masama. Maya-maya'y sabay naman kaming napatingin sa pinto dahil may pumasok. Si Khim. Anong ginagawa ng gagong yan dito?
"Khim. Bakit pumunta ka pa dito. Dis oras na ng gabi ah?" mukhang alalang-alala naman tong BM na to. Parang mas nag-aalala pa sya dyan sa gunggong na yan a. Akala ko ba ako ang gusto nya? Hayyy! Bakit nga ba ako nagpapaapekto? Pakialam ko sa kanila? Magsama sila.
"Syempre, kaibigan ko din naman yan kahit paano. Tsaka, naisip kita. Dapat makauwi ka na sa inyo. Walang kasama yung kapatid mo. Isa pa, para makapagpahinga ka na rin." hinawakan sya ni Khim sa balikat at tinapik tapik pa. Umi-score ang loko. Kung makapagsalita parang wala ako dito. Ngayon pa sila naglambingan ha!
Mukha namang nagulat si BM at napalitan ito ng pag-aalala. Naisip siguro nya yung kapatid nya. "Naku! Oo nga pala. Sige, alis na ako. Ikaw na lang ang bahala sa kanya ha? Sana may masakyan pa ako."
"Ah. Nasa labas na si SJ. Sya na lang muna ang bahalang maghatid sayo. Delikado kung magcocommute ka." sabi ni Khim.
"Salamat. Sige mauna na muna ako ha?"
"Mag-iingat ka." Nagkasabay pa kami ng mokong na to.
Umalis na si BM at ito naman ang pumalit sa pangungulit. "Anong nangyari sayo?" nakatingin ng diretso na tanong nya sakin.
"Binalikan ako nung mga bakulaw na nagtangka sa buhay ni BM."
"Ha? Sino nanamang babae yang BM na yan? Akala ko ba bawal ka ng lumapit sa ibang babae dahil sa PUSTAHAN nyo." Nagtataka nyang tanong. Nakakabadtrip to eh. Ipinagdiinan pa yung pustahan. Wala na syang magagawa, itutuloy ko yun kahit anong mangyari.
"Gago! Si BM at si Gel iisa. Wag ka ng magtanong, di ko rin sasagutin. Manahimik ka na lang." Pipikit na sana ako para makatulog na at hindi narin ako kulitin ng isang to. Bigla namang nagsidatingan ang mga walang kwentang Hoodlum Boys. Ano pa bang ginagawa nila dito? Manggugulo lang yang mga yan dito e. Wala bang rules dito sa hospital na to. Iniistorbo nila ang pasyente.
Buong magdamag lang nilang ginulo ang buhay ko. Buti na lang at nakatulog pa ulit ako kahit ilang oras lang. Pagsapit ng umaga ay umalis na rin sila. Bumalik si BM. Sabi nya babantayan daw ako. Hindi naman ako malala. Ewan ko kung ano problema nun. Patay na patay sakin.
(AN Kung alam mo lang Sid.)
Inaayos ni BM ang pagkain ko. In all fairness, maalaga pala to. "Mamayang hapon daw makakalabas ka na. Pero kahit nasa labas ka ng hospital, you need to rest. Ay naku! Thanks God talaga at hindi ka napahamak ng husto." Nanindig naman ang balahibo ko sa tinuran nya.
"Bakit ka sa Diyos nagpapasalamat. Sa Doctor ka magpasalamat, sya ang nagpagaling sakin."
"Ano ka ba? Hindi ka pinabayaan ni God. Eto ka ngayon, malakas pa rin kahit na nabugbog ka. Kaya dapat magpasalamat ka rin sa kanya. You know even the smallest thing that God gave us we need to be thankful. Look at you, you have a good life. You're rich, you have a circle of friends. What can you wish for?" Mahaba nyang litanya sa akin.
"Wala kang karapatang sabihin sakin yan. What can I wish for? Marami. Wala kang alam sa buhay ko kaya wag kang makialam!" Nagulat ako sa sinabi ko. Hindi ko gustong may ibang makaalam ng pinagdadaanan ko. I need to look strong to the other person's eyes.
Mukhang nagulat sya sa sinabi ko. Napahiya ko sya alam ko. Napakagat na lang sya sa labi nya. Akala ko tatahimik na lang sya at mananatiling ganoon, pero nagsalita pa sya. "Alam kong may pinagdadaanan ka. Unang kita ko pa lang sayo, ramdam ko na mayroon kang nakatago dyan sa dibdib mo na ayaw mong ipakita sa iba. Pero gusto kong malaman mo na hindi lang ikaw ang may problema sa mundo. May mas mabigat pa. Kung magtitiwala ka lang sa Diyos, hindi ka mahihirapan. Kumapit ka lang sa kanya, di ka nya bibitawan. Lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan. Don't waste your life. Dahil maraming tao ang humihiling na sana madugtungan pa ang buhay nila, pero hindi napagbibigyan."
To be continue.
AN
Ano kaya itopng nakatagong sikreto ni Sid?
Matauhan kaya sya sa mga sinabi ni Gel?
Abangan!
Keep voting ang supporting guys,.thank you.
Magbibigay po ulit ako ng quota ha? Pag nagka10 votes na po tsaka ulit ang UD nito.
By the way guys, support nyo po yung isa kong story na Bahay ni Tito. Thank you. Sana mag-enjoy kaayo.
Tinuloy ko na rin yung My Bestfriend Turned To my Lover pero one shot lang po sya. Pa wait na lang po ng UD. Salamat :)

YOU ARE READING
Sid an Atheist, Learned How to Love
RomanceIt is about a man who disbelieve or doubt the existence of God. Who unexpectedly learned how to love. Because of the girl that he met unexpected. So, read it guys if you're interested. Write a comment, vote and message me if you've something to tell...