Chapter 13: Sid, In Denial Stage

75 5 6
                                    

Continuation of Sid's POV

 Mukhang nagulat sya sa sinabi ko. Napahiya ko sya alam ko. Napakagat na lang sya sa labi nya. Akala ko tatahimik na lang sya at mananatiling ganoon, pero nagsalita pa sya. "Alam kong may pinagdadaanan ka. Unang kita ko pa lang sayo, ramdam ko na mayroon kang nakatago dyan sa dibdib mo na ayaw mong ipakita sa iba. Pero gusto kong malaman mo na hindi lang ikaw ang may problema sa mundo. May mas mabigat pa. Kung magtitiwala ka lang sa Diyos, hindi ka mahihirapan. Kumapit ka lang sa kanya, di ka nya bibitawan. Lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan. Don't waste your life. Dahil maraming tao ang humihiling na sana madugtungan pa ang buhay nila, pero hindi napagbibigyan. Maswerte ka pa rin."

   Hindi ko nagugustuhan ang iginagawi ng babaeng nasa harap ko ngayon. Anong karapatan nyang pagsabihan ako gayong wala naman syang alam sa buhay na pinagdadaanan ko. Sino ang sinasabi niyang maswerte? Ako? Huh! Yan ang hirap sa mga taong walang habas sa paghusga sa isang tao gayong hindi pa naman nila kilala.

 "Umalis ka na." Iyon na lamang ang nasabi ko. Ayaw ko ng magbitiw ng mga salitang ikapapahamak ng sikretong hinahawakan ko. Pero sa aking pagtataka'y imbes na umalis ay umupo lamang siya sa upuan sa gilid ng silid. "Ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko at malimutang babae ka".

 Tumayo siya. Inakala kong aalis na siya pero nagsalita pa itong muli. "Sa ngayon, alam kong nalalabuan ka pa sa mga nasabi ko. Siguro, ngayon pa lang may nagbitiw sa'yo ng ganong mga salita. Pero gusto kong malaman mo, hindi ako lalayo . Lalo na ngayong alam ko ng kailangan mo ng taong masasandalan. Kaya itaga mo sa bato, hindi ako hihiwalay, hindi kita iiwan hangga't hindi pa ako nakakasigurong nasa maayos ka ng kalagayan. Huwag kang magtaka kung bakit ganito ang mga nasasabi ko. Alam kong may malalim kang pinagdadaanan. Marahil nga'y nakalubog pa sa isang malalim na kumunoy at di makaahon." Ngumiti sya sa akin pagkawika at tuluyan ng umalis.

  Napunta ako sa malalim na pag-iisip. Ano ba talaga ang tinutukoy ng babaeng yon? Mayroon din ba syang pinagdadaanan gaya ko? Pero kung ganoon nga, bakit may lakas pa sya ng loob na makialam sa problema ng iba? Ewan! Naguguluhan ako. Sa nakikita ko, masyadong malaki ang tiwala nya  sa tinatawag nilang Diyos. Meron ba talaga nyan? Huh! Kung meron nga.... Di sana hindi nila ako iniwan. Di sana masaya pa kami ngayon. Ang dalawang babaeng naging pinakamahalagang babae sa buhay ko. Mo-mommy.... So-sophie..... Bakit hinayaan nya na mawala sila sakin? Masakit. Sobrang sakit. Hanggang ngayon, nandito pa rin. Ngayon nyo sabihin, meron ba talaga nyan ha? Wala!

 Sa isiping iyon ay di ko na napigil na bumagsak ang mga luha na nagpapakita ng sakit na matagal ko ng itinatago.

 Makalipas ang isang linggo simula ng lumabas ako ng hospital ay hindi na muli nagpakita sa akin si BM. Hindi pala lalayo ha? Ano pa nga bang aasahan ko?

 Ngunit nakagat ko ang aking dila ng makita ang babaeng nakangiti at papalapit sa akin, na kanina lamang ay siyang laman ng isip ko. Bakit parang gumaganda yata sya ngayon? Nasisiraan na ata talaga ako. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip ko.

 Nang makalapit ay inayos nito ang kanyang makapal na salamin at muling ngumiti. "Kumusta? Halos isang linggo din tayong hindi nagkita. Namiss mo ba ako?" sabi niya. Wow ha! Ano naman kaya ang nakain ng isang to at mukhang sinapian na ng bagyo. Namiss? Kapal ha? Pero, siguro nga. Wala kasing nangungulit.

 "Ayos lang ako. Pero hindi kita namimiss. Kaya wag kang ngumiti ng malapad dyan. Nakakaasiwa yang mukha mo", pagsusungit ko sa kanya. Iyan na lamang ang paraan ko para manatili ang pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa.

 Sa totoo lang ay balak ko na lamang kalimutan ang pustahang  napagkasunduan namin. Wala na rin namang kawenta-kwenta. Kaya wala na rin akong dahilan para mapalapit sa kanya.

Sid an Atheist, Learned How to LoveWhere stories live. Discover now