Chapter 14: Welcome to my Life

73 6 4
                                    

Sa lahat ng sinabi nya, natamaan ako. Sapul na sapol walang mintis. Marahil nga ay ako ang taong tinutukoy nya.

Sid's POV

"Ang mga sinabi mo, isa ba ako sa mga taong yun?" napansin kong napangiti sya at humarap sa akin na seryoso
na muli ang mukha.

Tumango siya. "Yang matapang na anyo na ipinapakita mo, maskara lang yan. Hindi ikaw yan. Dahil dyan sa loob mo, isa kang mahinang taong di kayang harapin ang mga problema. Hinahayaan mong makita ka ng ibang tao na isang mayabang at aroganteng Sid. Pero hindi yan ang nakita ko sa mga mata mo nang unang beses tayong nagkita."

Ngunit sa kabila ng mga sinabi nya ay walang kakwenta-kwentang salita ang nabitawan ko. "Layuan mo na ako" ayoko, di ko gustong layuan nya ako. Iyon ang sinasabi ng puso ko, pero saliwat dito ang sinasabi ng isip ko. Ayoko ng magtiwalang multi.

Gaya ng dati'y iniwan ko nanaman sya.

Isang buwan ang lumipas, pero di pa rin nya ako tinitigilan. Lagi nya pa rin akong kinukulit at sinusundan. Kaya para kaming tangang naghahide and seek at siya ang Tanya.

Gel's POV

Isang buwan na nya akong iniiwasan. Pero hindi ako titigil. Gusto ko pa syang mas makilala.

Naglilibot-libot lang ako dito sa campus habang nag-iisip. Nagbabakasali na makita si Sid.

Nagulat naman ako nang humarang na mga babae sa dinadaanan ko. Hayyy ano nanaman kaya ang kailangan sakin ng mga to?

Kung ano man any iniisip nyo readers, di kayo nagkakamali. Sila na nga, ang grupo nina Lyzza.

Ngunit mas ikinagulat ko ang iniakto nito. Hinawakan at diniinan nya ang baba ko at tipong sinasakal na.

"Hindi ba't sinabi na namin sa'yo na layuan mo si Sid? Binalaan na kita pero hindi ka pa rin  nakinig!" galit na sabi nito sakin kasabay ng isang malakas na sampal habang hawak nya pa rin ng madiin ang aking baba.

"Ano bang sinasabi ninyo? Hindi ko kayo maintindihan. Bitawan mo nga ako! Nakakasakit ka na, ano ba!" bagaman may halong inis ang pagkakasabi ay pinukulan ko pa rin sila ng nakikiusap na tingin.

"Aba't nagmamaang-maangan ka pa?" lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin kaya di ko na napigilan ang sarili ko na mapasigaw. "Aray!"

"Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo?" ani ng isang baritonong boses na pamilyar sa akin.

Sid? naiusal ko ng pabulong.

Agad naman akong binitawan ni Lyzza. Yun ang naging pagkakataon ko upang lumingon at kumpirmahin ang taong nasa isip ko.

Nang makalingon, hindi nga ako nagkamali. Siya nga, niligtas nanaman nya ako sa pangalawang pagkakataon.

"A-ah S-sid. A-anong ginagawa mo dito?" nahihintakutang tanong ni Lyzza.

"Hindi ba't kayo ang dapat kong tanungin nyan? Anong ginagawa nyo?!" galit na sigaw ni Sid.

Sid's POV

Ang lakas ng loob ng mga babaeng ito. Matagal ko ng nababalitaang tinethreat nila ang mga new students sa university para iwasan ako. Hinahayaan ko nalang dahil wala naman akong pakialaam. Isa pa ay mukhang hang gang threat lang naman sila.

But this time, it is different. Di ko akalaing aabot sa ganito at ito ang madadatnan ko. Sinasaktan nil a si BM. F*ck them all. I don't know why, but the moment I saw her hurting, I felt a sudden pain on my chest.

"E-eh k-kasi yang babaeng yan. S-sya yung nagsimula nito. Alangan namang magpatalo kami? You know our reputation."

Oo, kilala ko yang babaeng yan. Patay na patay sakin. Di sa pagyayabang, I'm just stating the fact. Muntik ng may mangyari samin. But when I figure out that she's not a virgin, I left her alone at hinayaan syang mabitin. Hindi sya ang tipo ng babaeng gusto kong makasama kahit isang gabi lang.

"Hah? Do you really think that I'll believe you? Oh c'mon. Ako pang niloko eh mas manloloko pa ako sa'yo. Itong tandaan mo, oras na malaman kong sinaktan nyo pa sya ulit, mananagot kayo sa'kin!" sigaw ko sa kanila. Napansin ko ang bahagyang pagkagulat nila, ngunit aged ding nakabawi. "Ano bang nakita mo sa babaeng yan na wala ako ha? Kapangitan?"

"Marami, maraming meron sya na wala sa'yo. Sinong pangit? Kung pangit sya, mas pangit ka. Kung titingnan pa, mas maganda pa ang talampakan nya kesa sa mukha mo! Alis! Lumayas kayo sa harap ko bago ako mawalan ng pasensya sa inyo." sarap pagsusuntukin ng pagmumukha ng mga yun.

Pagkawika ay si BM naman ang binalingan ko. Hinawakan ko ang mukha nya at sinuri kung may natamo ba syang sugat o pasa, Lalong nagdilim ang tingin ko ng mapansin ang pasa na nasa may dakong baba nya.

"Kita mo na? Kita mo na ang natamo mo sa paglapit sakin? Layuan mo na ako bago ka pa mas mapahamak ng dahil sakin. Utang na loob!" nasigawan ko nanaman sya. Hindi ko to gusto. Pero mas mapapahamak lang siya kung tuluyan pa syang mapapalapit sa akin.

Pero sa aking pagtataka ay ngumiti pa sya. "Yan ang gusto kong Sid. Marunong mag-alala. Yan ang Sid na gusto kong makilala. Masaya ako, nakita ko ulit ang side mong yan. Wag ka na ring mag-alala. Okay lang naman ako" aniya.

"Aba't may gana ka pang ngumiti ha? Ano bang pinagsasabi mo? Lumayo ka na lang sakin, tapos ang usapan", pagdidiin ko sa kanya.

"Bakit? Hindi mo ba ako kayang protektahan?" yan ang mga salitang aminin ko man sa hindi ay nakapagpalambot sa puso ko kasabay ng pag-alaala sa isang babaeng di ko nagawang protektahan. Ngayon? Masasabi ko bang kaya ko syang protektahan, kung ako mismo, ay kapahamakan ang dala sa kanya?

Ngunit mas ikinagulat ko ang naging reaksyon nya. Inakap nya ako ng mahigpit. "Please bigyan mo naman ako ng pagkakataong makilala ka. Pwede naman tayong maging magkaibigan diba?" sa di ko alam na dahilan ay tumugon ako sa yakap nya at mas hinigpitan pa ito. "Hindi ko man alam kung tama itong gagawin ko, pero bibigyan kita ng pagkakataong makapasok sa buhay ko", bulong ko sa kanya.

Alam ko na kaya iyon ang lumabas sa mga labi ko ay dahil iyon ang sinasabi ng puso ko. Para  bang may mahalaga syang parte sa puso ko, sa buhay ko... Sana hindi ako nagkamali ng desisyon.

Lumipas ang ilang araw na sya lang ang lagi kong kasama. Doon ko nakita ang magaganda nyang katangian. Maalaga, mapagmahal, taglay ang kabutihan ng puso at babaeng-babae. Ngunit sa kabila nun, ay alam ko taglay nya ang katapangan at isang palaban.

Ngayo'y nandito ako sa apartment kung saan sya nakatira. Inaya nya akong dito na muna mananghalian. Naabutan nya kasing noodles lang ang kinakain at di nya nagustuhan ito.

Prente lamang akong nakaupo sa mini sofa rito at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay. Hindi sya kalakihan, mas tamang sabihing masyado itong maliit. Ngunit makikita mong alaga ito sa linis. May maayos na dekorasyon at organisado ang mga gamit. Dadalawa na lang pala sila ng kapatid nya. Paano nila nakakaya ang ganitong klaseng buhay? Dito ay lalong nadagdagan ang paghanga ko sa kanya.

Maya-maya'y nilapitan ako ng kapatid nyang babae. Tiningnan nya ako ng mapanuri. Mula ulo hanggang paa. Nang mqkuntento ay nagsalita. "Kaanu-ano ka ng ate ko?"

Napangiti ako sa batang ito. Hindi natural sakin ang ngumiti ng dahil sa bata, pero iba sya. Ramdam ko ang pagmamahal nya sa ate nya at gusto nya itong protektahan.

"Anong nginingiti mo dyan?", masungit na turan nito at namewang pa.

Ngumiti ulit ako bago sagutin ang tanong nya. "Hmmm. Kaibigan po ako ng Ate mo, anong pangalan mo?" di ko maintindihan ang sarili ko. Parang hindi na ito ang Sid na kilala ko. Bakit nga ba gusto kong mapalapit sa mga taong may kinalaman sa kanya?

Tobecontinued.....

Author'sNote

Guys, support nyo naman po ang story. Vote and comment kung nagustuhan ang update :) para po masaya tayo.

Salamat sa mga sumusuporta :-)  di man kayo ganun karami, napapasaya nyo parin ako dahil naaapreciate nyo ang mga sinusulat ko.

See yah next update

Sid an Atheist, Learned How to LoveWhere stories live. Discover now