Every accomplishment starts with the decision to TRY.
Because it always seems impossible until its DONE
Never give up, find a way to make it HAPPEN
Sid's POV
Isang oras at kalahati na akong naghihintay dito, wala pa rin yung babaeng yun. It's already 8 oclock in the evening. Kung nakikita lang ako ng mga hampas lupa kong kaibigan, sigurado pinagtatawanan na ako ng mga yun. Ang isang Sid Joaquin De Carpio naghihintay sa isang babae. Take note, babaeng manang. Tsk!
Hoy kayo dyan mga readers! Alam kong iba na kaagad ang iniisip nyo. Kaya lilinawin ko na agad. Maagap lang ako dahil nagpapagood shot ako sa kanya. Mga malisyoso't malisyosa kayo.
(A/N --> Pagbigyan nyo na. Indenial eh :D)
"Sid!"
Oh? andyan na pala sya. Napaharap ako kaagad.
(A/N --> excited :D)
"Hindi mo naman gustong ipamukha sakin na ayaw mo akong siputin ano? Alam mo ba kung ilang oras akong naghintay sayo dito huh?" sabi ko sa kanya, pagkaharap-harap ko.
"Eh pasensya ka na. Dumalaw kasi sa bahay yung mga kaibigan ko. Nawili sa kwentuhan kaya di ko na namalayan yung oras." paliwanag pa nya.
Sus! mga palusot pa nitong babaeng to. Ang nakakainis pa, hindi manlang nag-effort na magbihis ng maayos. Hindi naman sa nag-eexpect ako, pero sana manlang naman di ba? Aish! Ano pa nga bang aasahan ko sa taong to. Sabagay, nagdress naman sya. Dapat tinanggal na nya yung salamin nya. Bahala nga sya.
"Excuses! tara na nga!" sabay hila sa kamay nya. Kakabadtrip eh.
Kinakaladkad ko na sya papunta sa kotse.
Hinihila nya kamay ko pero lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak ko.
"Hoy! Ano ba? Yung kamay ko. Susunod naman ako eh. Hindi mo na ko kailangang kaladkarin." reklamo nya. Aba wala syang karapatang magreklamo, pinaghintay nya ako ng matagal.
Bumagal lang ako sa paglakad kaya hindi na sya nakakaladkad. Pero hawak ko pa rin ang kamay nya. Tinatanggal nya pa, pero nung mapansin siguro na wala naman akong balak bitawan ang kamay nya, hinayaan nya na lang.
"Saan tayo pupunta?" tanong nya.
"Sa lugar kung saan tayong dalawa lang." pang-aasar ko sa kanya
Wahahaha. Laughtrip itsura nya. Biglang namutla.
Nang makarating kami sa kinapaparadahan ng kotse ko, sumakay na ko sa driver's seat.
Aba't ang magaling na babae nakatanga pa dun. Ano kayang hinihintay nun? Pasko? Aba matagal pa yun. Haish!
***FLASHBACK***
"Pare, kailangan sa date nyo maging extra sweet ka, caring, at syempre, gentleman. Aalalayan mo sya, aalagan, pagbubuksan ng pinto ng kotse at kung ano pang pwedeng buksan. Ipaghihila ng bang-----" pinutol ko ang pagsasalita ni Sj. Kapal ngmukha magturo.
"Alam ko! Anong akala mo sakin? Walang sweet bones sa katawan ha?" sigaw ko sa kanya. Dapat lang sa kanya yan. Minamaliit ako eh. Pwe!
"Bakit meron ba? hahahahahaha" Pinagtawanan pa ako ng walanghiyang Andro na to!
"Abat loko ka ah. MAGSITIGIL NGA KAYO!!!!" Sigaw ko sa kanila
***END OF FLASHBACK***
Bumaba ako ng kotse at umikot sa may passenger's seat para pagbuksan sya ng pinto.

YOU ARE READING
Sid an Atheist, Learned How to Love
RomanceIt is about a man who disbelieve or doubt the existence of God. Who unexpectedly learned how to love. Because of the girl that he met unexpected. So, read it guys if you're interested. Write a comment, vote and message me if you've something to tell...