Pagpasok ko sa room, tinginan sa'kin. May narinig akong sumigaw dun sa bandang likod ng classsroom, shit! Yung lalake kanina, classmate ko pala siya, kinabahan ako. "Hey you!" sigaw niya. Binelatan ko lang siya, kunwari di ako takot sakanya pero deep inside, kabang kaba na ako. Umupo na lang ako sa tabi ni Jerlynn, she gave me that what-did-i-miss-look. Dumating na rin agad yung teacher namin. First thing to do, proper seats. So ayun, inarrange kami, at nagkataong.. "Ms. Abuton, please sit down with Mr. Pidor" Wth?! I am sitting beside him. He whispers, "Lagot ka sa'kin mamaya paglabas." And it makes my heart beats faster than I expected, iba talga yung kabang nararamdaman ko sakanya. Di ko na lang siya pinansin. Next step, introducing ourselves. Its Mr. Pidor's turn, this is the time na malalaman ko ang tunay niyang pangalan. "Ey, I'm Lawrence Carl M. Pidor." As simple as that, ganyan niya pinakilala ang sarili niya. Ang yabang ng pagpapakilala niya. -,- So, I can call him Rence. Kinilig naman yung mga girls. Grr. At natapos na nga yung introduce yourself thingy. Break time, di ako lumabas ng room, nakakatakot kaya, baka ano pa ang gawin niya sa akin. Hahaha! Pero hinila niya kamay ko at hinigit ako hangggang sa macorner niya ako sa may wall. Yung heartbeat ko, mas mabilis pa kanina. OMG!
Akala ko ano talaga ang gagawin niya, pero biglang gumaan ang loob ko nang.. "Look, I'm sorry. Nagmamadali lang talaga ako kanina kaya di ko namalayan yung presence mo." Namumula ata ako, sana naman di halata. Di ako nakasagot, tapos.. "Can you be.. you know, first day of school, so I need to have friends. Ayaw ko naman na puro lang lalake kasama ko, iba talga pag may kasama o kaibigan kang babae." Ano daw? Can I be his what? Girlfriend?! OMG, yes yes! "Can you be my first girl best friend here?" Ay, assuming. Tae, gusto lang naman pa lang makipag kaibigan, I mean bestfriends. Tinanggal ko yung mga kamay niya sa wall at inayos yung uniform ko. Ngumiti ako sakanya. "Umayos ka, pinagtitinginan na tayo ng klase. And sure, best friends?" tanong ko sakanya, at inabot ko yung kamay ko para makipag shake hands, pero nagulat ako sa ginawa niya. Kinuha niya kamay ko at hinalikan. I mean, he really kissed it! Then I gave him the what-just-did-you-do-look. "Uhm, did I do something wrong?" tanong niya, clueless talaga siya. Saang planeta ba siya nanggaling? @@ "Why did you kiss my.. hand?" Di talaga ako maka usap ng maayos. "Diba hinahalikan naman talga ang kamay ng mga babae pag bagong kilala ito. In France, thats what were suppose to do." Oh? "I see, bago ka lang ata sa Pilipinas. Why France?" Bago niya sinagot yung tanong ko, pina upo niya muna ako ulit sa silya ko. "We live there because of the family business, dun na rin ako lumaki. Pero syempre, pinoy pa rin ako nuh. Di nga halata na galing ako sa France dahil sa diretsong pananagalog ko." Ang humble niya, sobra! -.- So, ayun, nalaman kong kaya dito siya nag aaral ng high school is because nagsasawa na daw siya sa France, gusto niya daw ng bago. Baliw lang. We spent the whole break time sa pag uusap, kumbaga, getting to know each other.
Si Jerlynn, sumabay sa akin sa pag uwi at di matigil-tigil ang pang aasar niya. Baka daw kasi may patutunguhan ang pagiging close namin ni Rence. Kung baliw si Rence, mas baliw tong bestfriend ko. Paranoid talaga. Pero, napa isip ako. Pano kung may patutunguhan talaga to? Dream come true na ba ito? Kfine, pati ako nagiging paranoid na. XD We are the owner of one of the most known coffee shop here in our city, the Tsokolate. So nag meryenda kami ni Jerlynn dun, kahit kailan talga, ang takaw niya. Siguro kung sila ang may ari nito, matagal na silang lugi. Hahahaha!
After naming magmeryenda, hinatid na namin si Jerlynn.
Ayaw ko pang umuwi kaya't sinabihan ko yung driver namin na dalhin nya muna ako sa lugar na kung saan makakarelax ako. Actually, everytime I'm depressed, I love watching the sky, the clouds. Nahawa na ata ako sa pagiging adik sa mga clouds, it's all because of the paintor, Elocin. Kaya dinala nga ako ng driver namin sa di ko alam na lugar tapos wala masyadong puno kaya masisiyahan ka talgang tingnan ang mga ulap. Wew, heaven. :">
May tiwala naman ako sa driver namin, actually, park naman talga siya na nasa tuktok ng bundok na makikita mo ang buong city and the clouds. <3 Di siya mataong lugar kaya nakakarelax talga. And.. Wth? What the hell is he doing here?! Rence is here, mag isa. He pop his Ipod and listen to the music, nandun siya nakaupo sa bench. Ang cool niya talga tingnan. Napansin niya sigurong may tumitingin sakanya at kaya'y napalingon siya sa direction ko. Then he smiles. OMG, nakakamatay tlaga mga ngiti niya. Nilapitan niya ako, uhm 23 steps? 21, 19, 16, 13, 10, 7, 4, 2 steps.. And.. Nasa harap ko na nga siya, "Hey, what are you doing here?" tinanong niya ako. "Naah, nagpaparelax lang. You know, first day of class, daming nangyari, nakakapgod rin." sagot ko sa tanong niya. "Uhm, want to have some ice cream?" Sabay turo dun sa may nagbebenta ng Ice cream. Bago pa man ako makasagot, hinila niya na ang kamay ko. As if naman na may choice pa akong humindi. -.- Cookies and cream ang binili niyang flavor, amazing. Favorite flavor ko to eh. Sarap ng kain ko nang bigla niya akong pinunasan ng ice cream sa mukha ko. Eww, ang sticky kaya! Kaya ayun, bumawi ako! At pinaglaruan na nga namin ang ice cream. Para kaming mga bata na naghahabulan at nagpupunasan ng ice cream sa mukha. At sa katangahan ko, nadapa ako. Ay tae! Nakakahiya, ayaw ko tuloy magpakita ng mukha sa kanya. Waaaaah! Pero ang sakit talga ng bagsak ko! T_T Nakita ko siyang tumatakbo palapit sa akin, yung mukha niya, concern talaga? Dali-dali siyang lumapit sa akin. AT KINARGA niya ako patungo dun sa bench, hinawakan niya ang mga binti ko, "Are you okay?" OMG, he is really concern, kitang kita sa mga mata niya eh.