I still love you. Who cares? Chapter 10: The Date 3

33 0 0
                                    

Nasa harap na kami ng mga pagkain. Nasa harap ko ngayon ang mga paborito kong pagkain. Oo, mayaman kami. May ari ng isang sikat na coffee shop sa ciudad namin. Pero mawawala siguro ang proper manners ko sa pagkain ngayon. Eh lahat ng mga gusto kong kainin nasa harap ko tapos gutom pa talaga ako. Waaaaah! Pero self-control Alice, si Rence ang kasama mo! @@

"Sus, wag ka na mahiya. Alam kong gutom ka talaga. Kainin mo na lahat ng gusto mo. Kung gusto mong ubusin, push mo yan." sabi niya. Tss. Nang insulto pa ee. :/

"Pag di ka titigil sa pag iinsulto, iiwan talaga kita dito. Sge ka!" pananakot ko. As if naman na makaka alis ako sa lugar na ito. Hello? Wala akong masasakyan nuh. Atsaka, sarap ng mga pagkain nuh. DUH! Mga baliw lang na mga babae ang magwowalk-out sa ganitong mga pagkakataon nuh!

"Heeeeeey, di ka talaga mabiro. Joke lang. Osge, susubuan na lang kita para mas maging comfortable ka sa pagkain." sinabi niya ito ng nakangiti.

"Eh? Baliw ka siguro ano?" sabi ko. "Oo, baliw na baliw sa iyo." sagot niya. Awwwwww. :"> Haha. Mais niya. XD

"Hahahahahaha. Kain na nga tayo." sabi niya. Kaya kumain na nga kami. Sa kalagitnaan ng aming kainan, napatigil siya. Tinitigan niya ako. At syempre, nakaka-concious kaya nuh.

"Uhhmm, why? Ganyan ba talaga ako kaganda kaya ganyan mo 'ko kung titigan." sabi ko. Tumawa naman siya.

"Hahahaha. Seriously, yes. At ang cute mong kumain lalo na pag gutom." at mas tumawa pa siya ng malakas. Tapos tumigil siya at.. pinunasan niya yung labi ko na may kaunting dumi. Tapos, hinimas-himas niya ang akong pisngi sabay sabi..

"HUWAG KANG MAWAWALA SA AKIN AH."

Ano nanaman ba, Rence? Anjan ka nanaman e. Lagi mong hinuhuli ang mga kilig ko. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Alam mo bang yang mga ngiti mong yan ang lagi kong iniisip bagi ako matulog? Ganda kasi sa pakiramdam, lalo na sa pag gising. Iniisip kong di ko kayang di ka makita sa bawat araw na nabubuhay ako sa mundong ito." banat niya. Eh? King ganito man lang ang magiging biyfriend ko, eh bat ko pa pakakawalan?

"Ehdi ikaw na." napapa-meme talaga ako pag siya na ang bumabanat.

Tapos na kaming kumain, mga 8:30 na nung naisipan naming umuwi na. Hinatid niya ako sa bahay. At as expected, si Ate, nasa labas na ng pinto naka-abang sa akin. Akala ko magagalit siya pero nagulat ako nang salubungin niya kami ng may mga ngiti sa kanyang labi.

"Welcome home guys." bati niya sa amin at binigyan kami ng beso. "Hoy Rence, umuwi ka na. Akin na muna tong kapatid ko, marami pa siyang ikwekwento sa akin." pagpapatabuyan ni Ate kay Rence, baliw talaga.

"Hahaha. Sge po. Mauna na po ako. Salamat po pala. Goodnight." bago pa siya tuluyang umalis, lumapit muna siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. At itsura ni Ate, parang kamatis na sobrang namumula dahil sa kilig. Umalis na rin naman agad si Rence. 

------

AN: Hohohohoh. Suggest kayo ng kung ano-ano kung gusto niyo. Wala e. Paminsan, sa dami ng nasa isip ko, naguguluhan na ako kung ano isusulat ko. Hahhaha. Eyyy. kailan daw magiging sila? Wehe. Don't stop reading uh? Lovelove. :)

I still love you. Who cares?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon