AN: Sorry kung masyadong natagalan ang pag update ko. Napaka hectic kasi talaga ng sched ko nung mga nakaraang araw. Huehe. Sana po patuloy pa rin po ang pagsupporta niyo. Pasensia po tlaga mga readers. :)
------
ALICE' POV
At dinala niya ako sa isang sea side. Di ko masyadong alam ang eksaktong location namin, basta ang alam ko.. Ito yung lugar na ipinagdasal ko. Sa sand, andun pa rin yung mga red petals. Tapos may mga tumutugtog pa ng mga melo music. Sa may di kalayuan, may nakita na akong isang table. Good for two iyon.
"Naisipan kong dalhin ka dito. Mas makikita mo kasi yung mas magagandang view dito. Ang mga ulap na gaya ng pagmamahal ko sayo ay malinaw. Ang dagat naman, gaya rin ng pag ibig ko sayo, walang hangganan." Bigla niyang sabi sabay akbay sa'kin.
Tiningnan ko siya. Nakangiti siya. Alam mo yung mga ngiting parang di agad-agad maalis sa kanyang mukha. "Alam ko na. Siguro bago tayo pumunta dito, kumain ka muna ng maraming mga mais, ang korny mo tlaga." pagbibiro ko naman sakanya, sabay kurot sa kanyang tagiliran.
"As if naman na di ka kinikilig. Eh, namumula ka na nga diyan." Pagkatapos niyang sabihin iyon, tiningnan niya ako at.. hinalikan niya ako sa noo.
Gosh. Simula pa lang ito ng date namin pero, nabubuo niya na ang hapon na 'to.
Gusto kong sabihin ang salitang "I love you" pero nahihiya ako. At di ako yung tipo ng babae na unang nagpapakita ng motibo sa mga lalake. Aantayin ko na lang na siya ang unang magsabi ng mga salitang yun. Habang yumatakbo ko sa isipan ang mga salitang yun..
"Alice, I love you." bigla niyang sabi. Tiningnan ko siya para malaman kung nagbibiro ba siya. Pero yung mukha niya, namumula. Pati lalake rin pala kinikilig. Ang cute niyang tingnan habang kinikilig. :")
"Eh? Ikaw talaga, ang hilig mong mamboola." sagot ko.
"Mukha ba akong nagbibiro? Pag sinabi kong I love you, i mean it." parang kinakabahan siya sa pagsabi nun. "At ikaw pa lang ang una kong sinabihan niyan." pagpapatuloy niya.
Ngumiti ako. Napansin kong tinititigan nya ako. "I love you too." nakangiti kong sagot. At halata namang nagulat siya. Hinarap niya ako sakanya at niyakap.
Habang yakap niya ako, "Mahal kita, kaya di kita mamadaliin kung kailan mo ako sasagutin." bulong niya. Uhhh. Ang sweet niya talaga e. Oo na, aaminin ko. Kahit korny siya paminsan, di ko naman mapigilang kiligin kase alam ko nag effort siya nun.
"Ilang months mo na ba akong nililigawan?" natatawa ako ng tinanong ko iyon. Eh kasi naman, di ko inaasahang ganito pala ang mangyayari.
"Uhmm? 1month. Kaya ginawa ko to lahat ngayong araw kasi gusto ko maging special ang 30th day ng panliligaw ko sayo. Btw, I have something for you" sabi niya. Tapos pumunta siya dun sa may table at may kinuha siyang isang malaking teddy bear na color white at may heart sa gitna nito.
"Hope you like it. Alirence ang ipangalan mo saknya ah. Yakapin mo yan bago ka matulog. Alam ko namang ninanais mo mga yakap ko." sabi niya. "Yabang mo talaga kahit kailan!" sabi ko, Tinanggap ko yung gift at ipinalo ito ng mahina sakanya. Nagtawanan naman kami.
---
AN: Hekhek. Simula pa lang yan ng kanilang date. Di pa nangyayari ang mga most awaited moments. Chaaar. XD Oyoy. wag kayo magsawa sa pag antay ng mga susunod na chapters ah? :( Salamat ng marami sa inyo. God bless! :)