I still love you. Who cares? Chapter 5: The revelation.

62 2 0
                                    

Paglingon ko, nakita ko si Rence, may dalang boquet ng flowers. What's going on? Mukhang may magyayari ata ah. Wew, si Rence, mukhang kinakabahan. Nagulat na lang ako ng biglang nagsalita si Jerlynn, "Tingnan mo yung nakasulat sa board."

"CAN I COURT YOU?"

Wow. I bit my lip para di mahalatang napapangiti ako dahil sa kilig. Tiningnan ko si Rence and gave him the para-saan-ito-look. He smiled and..

"First day we met, nagsigawan at nagkasagutan pa tayo. Kunwari naiinis ako kaya tinaasan kita ng boses. Pero ang inis na nararamdaman ko nun ay biglang napalitan ng feelings na di ko maintindihan at mahirap i-explain, kilig lang pala yun. Siguro nagtataka ka kung bat nagkaroon agad ako ng malalim na pagtingin sa iyo. Naging crush na kita simula nung di ka pa nag aaral dito. Nagfirst year ka sa ibang paaralan. Kaya naman tuwing uwian ko na lang inaabangan ang mala-anghel mong kagandahan pag dumadaan yung kotse niyo dito sa school namin. Your eyes, parang bituing nagniningning sa kalangitan. Ang iyong mga ngiti naman ay parang araw na nagbibigay liwanag sa aking buhay." sabi niya.

What? Ano daw sinabi niya? Omg. Tumigil ata sa pagtibok yung puso ko e. Nanadya ata tong puso ko, para daw marinig ko ng maayos ang sinabi ni Rence, di daw muna si heart makikipagkumpetensya. Ay tae, pati puso ko nagiging paranoid na. Pano ba naman kasi, nakakgulat talaga yung ginawa niya.

Napanganga ako sa lahat ng sinabi niya, pero di talaga as in nganga. Duh?! Ayaw kong masira ang magandang moment noh! First time lang to nangyari sa akin kaya bawal ang katangahan ngayon. @@ Hahaha! Sasagot na sana ako ng Oo ng bigla siyang magsalita ulit..

"Yung nakasulat sa board, I mean it. And.. liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. Syempre, gusto kong ipakita at iparamdam sa iyo ang tunay na feelings ko para sayo. Ganyan kita kamahal. Well, siguro nagtataka ka kung bat ko yun pinasulat sa board kung di rin naman kita hahayaang sumagot. Gusto ko lang kasi na magkaroon ka ng idea kung ano ang mangyayari. Nuff said. So? Wala ka bang sasabihin?" pagpapatuloy niya.

"Uhmm. Para kanino yang flowers? Hehe." Wth? What did just I say? Waah, kahit kailan nakakahiya talaga ako! Siguro dahil sa kaba at gulat, yun na lang talga ang nasabi ko.

"Oh geez. Sorry. Hahaha. Here, flowers for you. I asked Jerlynn if whats your favorite flower, sabi niya red roses daw. Kaya ayan." Inabot niya yung flowers. Tinanggap ko naman at pinasalamatan siya. "So, em gonna make ligaw to you. Okay?" tinanong niya ako ulit.

"As if naman na may choice pa ako. Baliw ka rin ano?" Pagbibiro ko sakanya at nagtawanan naman kami. At naghiyawan naman ang buong klase. 

--

AN: Transferee po si Alice. Second year na po siya lumipat sa school nina Rence. Kaya every afternoon tlaga inaabangan ni Rence ang pagdaan ng kotse nina Alice na HINDI TINTED kaya nakikita ang pagmumukha niya. Tadhana nga naman noh, nananadya talaga. Hahahaha. Don't stop reading, patuloy pa ang love story ng ALIRENCE. Magiging sila kaya? Abangan. :)

I still love you. Who cares?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon