Chapter 12: The Real Love Talk

19 1 0
                                    

Rence' POV

Seriously? Ganda pa ng tulog ko, este himbong pa ng tulog ko lalo na't successful ang date kagabi. Ang gaan sa kalooban. Pero guess what? Ang himbing kong tulog ay nabulilyaso sa tawag ni Ate Erika. Kianakabaha ko sa tawan ito e. Para bang may mali. Parang may problema 'tong babaeng to, este ate ng taong mahal ko.

Di na ako nagdalawang isip pa. Agad naman akong pumunta sa bahay nina Alice.

Sa bandang gate pa lang, nakita ko ng may kotseng kulay itim ang naka-park. Para bang hindi ito bago sa paningin ko. Parang nakita ko na ito noon.

Pagpasok ko sa bahay, nakita kong umiiyak si Ate Erika. Wtf. Ano ba talaga ang nagyayari. Agad ko siyang nilapitan at tinanong kung bakit.

"Si Alice, umalis." Pa-iyak niya itong sinabi.

"San pumunta?" Pagtataka ko. Di naman yun hinahayaan ang sarili na magmaneho para sa sarili lamang. Di nabubuhay ng walng driver iyon. Kinakabahan na ako. Baka naman may nangyari ng masama.

"Di ko alam. And, I have no idea kung saan siya pupunta. Galit siyang umalis. Kinuha niya lang agad ang susi ng sasakyan at umalis ng lng ng bilga." -Ate Erika.

May lalakeng biglang lumabas sa kusina na may dala-dalang tubig at pina-inom naman ito kay Ate Erika. Sino ba 'tong lalakeng 'to? Parang nakita ko na talaga siya e. Ang rami ng pumapasok sa isipan ko. Ngunit..

"Rence, nagmamaka-awa ako. Hanapin mo si Alice." biglang sabi ni Ate Erika.

Umalis na ako agad. Mabilis ang takbo ko. Ewan, kinakabahan talaga ako. Di ko rin naman alam san ko pupuntahan o mahahanap si Alice. Tinatawagan ko siya pero cannot be reach. Tinawagan ko na rin si Jerlynn baka may alam na siya sa mga nangyayari, pero wala pa rin e.

Napa-isip ako. Mahilig si Alice sa karagatan o kahit anong tahimik na lugar.

Kaya naman pinuntahan ko agad siya. Mas minabuti kong puntahan muna ang pinakamalapit na sea shore sa lugar na iyon. At di naman ako nagkamali. Naabutan ko siya.

Naka-upo sa may buhangin..

Pinagmamasdan ang dagat..

Umiiyak..

Nilapitan ko siya. Tinabihan ko siya sa pag upo. Inakbayan ko siya at inilagay ang kanyang ulo sa aking balikat. Di na muna ako umimik. Hinayaan ko na lang siyang umiyak muna.

"Mali bang magpakita ng pag-aalala?" nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.

"Ano ba ang nagyari?" Tinanong ko siya. Inangat ko ang kanyang mukha para naman mapunasan ko ang kanyang mga luha.

"Di ko alam ano ang nangyayari. Si Ate, bumalik lang ang ex niyang 'yon, napagtaasan na niya ako ng boses. Pano ba naman kase, pagkatapos pa-iyakin ng lalakeng 'yon si Ate, parang kinakampihan niya pa. Eh ako nga 'tong nag-aalala para sa kanya eh parang di niya napapansin." sabi niya.

"Ewan ko ba. Ganun ba talaga ang first love? Mahirap kalimutan? Kahit na anong sakit na ang natamo mo, tatanggapin at tatanggapin mo pa rin siya. Hindi ba't katangahan na iyon? Hay, natatakot lang naman ako kasi baka masaktan lang ulit si Ate." pagpapatuloy niya.

"Alam mo, ang pag-ibig parang condom lang yan." natulak nya naman ako sa nasabi ko.

"Ano ba?! Nakikipaglokohan ka naman eh!" sumbat ni Alice.

Hinila ko siya ulit at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ang pag-ibig parang condom. Kahit anong iwas mo para di makabuntis, makakabuntis at makakabuntis ka pa rin. Kasi walang kasiguraduhan sa condom. Gaya sa pag ibig. Anong iwas man gawin mo, mahuhulog at mahuhulog ka pa rin talaga sakanya. Wala rin kasing kasiguraduhan kung agad-agad mo bang makakalimutan ang nakaraan mo."

---

AN:

Gaaaash. Inspired ako sa pagiging green dahil sa mga classmates kong boys. Hahaha. Hi there! :) xx Hey guyth, wag niyo palampasin ang susunod na mga mangyayari. Medyo intense 'to. Waaah. Tsalamat. God bless. :)

I still love you. Who cares?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon