I still love you. Who cares? Chapter 8: The preparations.

48 1 0
                                    

Erika's POV. 

Gosh. Ang swerte ng kapatid ko sa Rence na ito. Syempre naman noh, hahayaan kong magsaya kapatid ko kahit papano. Nag aalala ang mukha ni Jerlynn, akala niya siguro di ako papayag. Hahaha. Well, di niya ako masisisi. Mahal ko kapatid ko at baka may mangyaring masama. Pero gaya nga ng sabi niya, disenteng tao si Rence at may tiwala naman ako sakanya. Ngumiti ako at halatang naguguluhan si Jerlynn. Clueless talaga siya.

Bigla ko siyang niyakap. Eh pano ba naman kasi, kinikilig ako noh! Si Rence ang unang nanligaw kay Alice at botong boto naman ako sakanya. He's handsome, smart, sweet, gentleman. He's almost perfect. :)

"Omg Jerlynn! Sure sure! Pano ba to? Aayusan na ba natin si Alice?! Excited na ako!" Napatawa siya sa mga pinagsasabi ko. Hahaha. Well, I'm grateful na may bestfriend tong kapatid ko na over supportive sakanya.

"Ate naman eh, kala ko talaga di ka papayag. Hahaha. So? Nasan po ba si Alice?" Onga. Di pa lumalabas si Alice sa kwarto niya simula kanina.

"Kaya nga e. Di pa siya lumalabas ng kwarto niya simula kanina. Halika nga, baka may problema." Kaya naman pinuntahan na nga talaga namin si Alice sa kwarto niya. Pagkatok namin sa pinto, walang sagot. Kaya naman napilitan na lang kaming pumasok sa kwarto niya.

"Alice? What's wrong?" Pagtataka ko, para kasi siyang umiiyak. Nakatakip ng kumot ang kanyang mukha. Nilapitan naman siya ni Jerlynn at agad na tinanggal ng dahan-dahan ang kumot sa kanyang mukha at niyakap ito.

"Eh pano ba naman kasi, hindi nagpaparamdam sa akin. Tapos nung sinabi konf namimiss ko na sya, sumagot lang siya na bahala na daw ako. Ang sakit. Akala ko pa naman talaga mahal niya ako." Patuloy ito sa pag iyak. Nagtinginan kami ni Jerlynn.

"Part of the plan." bulong ni Jerlynn sa akin. So ayun, kailangan ba talgang paiyakin si Alice? Hmm. Hindi na lang ako nag isip ng malalim at pinilit naming bumangon si Alice sa kanyang kama. Naisip kong ayusan na lang siya. Sayang naman ang panahon sa pag e-emote niya na di naman pala talga kailangang magsenti kasi parte ito ng plano ni Rence.

"Halika ka nga, bumagon ka." sabi ko sakanya at niyakap ko siya. Pinunasan ko ang luha sa kanyang mga mata. "Tumahan ka na. Everything happens for a reason." sinabi ko yun ng nakangiti. At ngumiti na lang nga rin siya. "Aayusan ka namin ni Jerlynn. May lakad kang pupuntahan ngayon. Okay ba?" HAlata naman sa kanyang mga mukha na nagtataka siya. Pero dahil siguro sa nararamdaman niya ngayon, napa-Oo na lang siya para rin siguro malibang siya.

Its already 1pm, sabi ni Jerlynn, susunduin daw si Alice ni Rence mamayang 4pm. Kaya naman inayusan na namin agad si Alice. Pinasuot namin siya ng isang arrogant pink dress. Siguro mga 3inch above the knee. Simple lang pero may pagka arogante iyon at tinernohan namin ito ng silver belt na may heart sa gitna. Ako ang pumili ng kanyang sinuot kaya't si Jerlynn ang nag ayos ng buhok niya. Sa bandang dulo ng kanyang mga buhok ay kinulot ito ni Jerlynn. Nilagyan rin namin siya ng light make up. Hindi hilig ni Alice ang make up kaya't naghabulan pa kami bago siya malagyan make ups. Sobrang light lang ito. Pinaresan naman namin siya ng silver doll shoes para naman tumerno sa suot niyang silver belts. Ayaw niya rin kasi ng mga sandals na may heels.

Mga 3:23, natapos na namin siyang ayusan. Nakakatomboy ang ganda ng kapatid ko siya. Habang pinagmamasdan ko ang kanyang kagandahan habang umiikot siya sa harap ng salamin para tingnan ang kanyang sarili, di ko talaga mapigilang mamangha sa kanya. Wow.

4:13 pm, may nagdoorbell. So, ano ba ang dapat naming i-expect? 

--

AN: Kayo? Ano expectations niyo? Simula na ba ito ng kanilang bagong buhay? So ganyan po kasimple si Alice, ni ayaw ipagalaw ang kanyang mukha at di mahilig sa heels. Habang tumatagal, mas makikilala niyo na po ang characters. :) Enjooooooy. :*

I still love you. Who cares?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon