Alice' POV
Alam mo ba yung pakiramdam na naginhawaan ka? Wew. Ang sarap naman sa pakiramdam na magkabati na kami ni Ate at sabay-sabay pa kameng magsisimba lahat. Amazing. :)
Si Ate at Kuya Austine ay magkasabay sa iisang kotse which is kay Kuya. Kami naman ni Rence ay magkasabay sa kotse nya.
Nasa simbahan na kami ngayon. Magsisimula pa lang ang misa.
Naghomily na. Tapos "Our Father" na. So maghahawakan ng kamay 'to. Tiningnan ko si Ate, and wth?! Namumula sya 'te. Waaah! Di ba siya nahihiya kay Kuya Austine?! Porke't magkahawak lg ng kamay, namumula agad? Ugh -.-
"Ano tinitingnan mo diyan?" -Rence
"Ah wala.. Si Ate kasi.." di pa ako nakapagsalita ng tapos nang bigla niya hinigit ang kamay ko at hinawakan na rin ng tuluyan. Ohh. Tama pala 'tong nakikita ko kay Ate, mamumula't mamumula pala talaga. Woah! Sana naman di halata sa'kin! TT
Titigil na sana ako sa pag imagine nang mas hinigpitan nya ang hawak sa'king mga kamay.
Tiningnan ko siya at tiningnan niya rin naman ako. Itinaas niya ang kanyang isang kilay at ang kanyang mga mata'y tila bang nagtatanong ng, "ano?" Nagwink naman siya sa'kin kaya ako'y napayuko na lamang habang kinakagat ang aking labi para mapigilan ko ang kilig.
Natapos na nga ang "Our Father" at salamat naman. Langyaaa 'tong sarili ko, nasa simbahan pero ang isip naman ay nasa katabi ko. Waaah! @@
"Peace be with you." Bigla kong rinig sa tao sa harapan ko. Ay tae! Peace be with you na pala. Di ko namalayan, nakatulala ata siguro ako kanina. Ugh.
Nagbeso kami ni ate at naglamano naman kami ni Kuya Austine. Si Rence naman, he put his arm around my waist then kissed me on my forehead sabay bulong ng "Peace be with you."
The mass is done. Pero lanjo ka talaga Alice eh! Anu-ano talaga iniisip mo. Eh? San naman siguro kami maglulunch neto?
---
AN:
Short part lang this. Uhh. Isn't it sweet? :"> Hahahaha. Dejoke. Abangan niyo po ang mangyayari sa double date. Pakikiligin ko po kayo ng sobraaa. Pero sana magwork. Huuu. TT Sige po. Comment, vote and share! God bless :)