Chapter 14- Stupid Blonde Boy

538 1 0
                                    

Raya's P.O.V.

Simula nung sinigawan niya ako nung first day of school, lumayo na ako kay Enzo. Pinilit kong hindi makipag-usap at lumapit sa kanya.

Study hall ng mga oras na ito at walang teacher. Magulong-magulo yung klase na parang dinaanan ng bagyo habang nasa upuan lang kami ni Enzo.

As always, nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Habang ako nagbabasa naman ng mga notes just in case tawagin ako uli ni Mr. Pineda sa harap. Iginalaw ko yung kanang kamay ko na tumama sa pencil case ko. Nahulog yung pink pig pencil ko mula sa loob.

Aabutin ko na sana yung pencil nang pulutin yun ni Enzo. Iniabot niya yun saken at nag-staring contest na kami. 

“S-salamat.” Sabi ko at kinuha yung pencil nang biglang may sumipa pabukas ng pinto.

Tumingin kaming lahat sa pinto at napasinghap na yung iba.

“NASA'N SI ENZO?!” Sigaw nung lalaking may malalaking muscles. 

“Gang yan ng Uno High!” Bulung-bulungan nung mga classmates ko. Uno High... Ano yun? Parang top school? Parang Brent lang din?

“Enzo, nasa'n ka?!” Napalunok ako at tumingin kay Enzo. Diyos ko. Natatakot po ako para sa kanya.

“IKAW!” Tinuro siya nung lalaki. Kibit-balikat lang siyang lumingon at nakipag-staring contest sa kanya.

“SA LABAS TAYO!” Utos nung guy.

“Hwag-” Bago ko mabalaan si Enzo, sinipa niya yung desk namin palabas at tumayo. Habang nakalagay yung mga kamay niya sa bulsa ng pants niya, parang wala lang siyang takot lumabas ng classroom. May nainom bang drugs si Enzo ngayon?

Nagsitakbuhan na yung iba sa may bintana. Si Enzo, yung muscle dude, at yung mga alipores niya nasa bakuran na. Nagawa ko pang makipagsiksikan sa gitna ng mga lalaki kong classmates. Sumilip ako sa labas at nanlaki yung mga mata ko.

Nakaface-to-face na si Enzo at yung mga kalaban.

“Akala mo kung sino ka nang tigasin?” Tanong nung muscle dude.

“Ikaw... Laban ang LS13 (Loco South Trese) parang dumi lang ng mga kuko namin. Narinig mo?” Sabi nung muscle dude pero nagkamot lang ng ulo si Enzo.

“Hoy! Nakikinig ka ba?! Mabuti pa turuan na kita ng leksyon!” Nagtapon ng unang suntok yung muscle dude.

Enzo's P.O.V.

Naka-detect ata yung mala-radar kong mga mata ng panganib kaya mabilis na nakailag yung reflexes ko. Kaya imbes na makascore, natisod tuloy siya. Huh. Malas mo.

At nagsimula ng magtawanan ang mga kaklase ko. Nga naman, sige pa.

“Tahimik!” Habang namumula ang mukha, tinuro niya ako. “Hulihin siya!”

Nagsimula nang sumalakay saken yung mga alipores niya.

Raya's P.O.V.

Napasinghap ako at nagtabon ng bibig. Akala ko magugulpi na si Enzo nung mga gangsters pero ang totoo... Siya ang gumugulpi sa kanila. Nanood lang ako. Na parang nakatingin sa isang action movie.

Wala pa akong nakikitang ganoong live stunt ha? Ang bilis nung mga galaw niya na parang may halong live special effects. Six out of six na yung panalo niya at yung muscle dude nalang ang last man standing sa mga kalaban. 

Tinitigan ko yung muscle dude. Ngumisi siya. Aba. Nakukuha pa niyang ngumisi ha? Sinundan ko yung mga galaw niya.

Pinulot niya yung malaking bato sa paanan niya. Hinagis-hagis niya ito pataas at pabalik sa kamay niya. Nanlaki yung mga mata ko. Binu-bull's eye niya si Enzo na abala pa sa pagsisipa sa mga alipores nung muscle dude.

The Secret CircleWhere stories live. Discover now