Chapter 9- A Culture Shock

557 1 0
                                    

Raya's P.O.V.

Nang gabing yun mga hatinggabi na, yung secret mission na paglilipat saken ginawa na.

Bukas siguro, ibabalita ng Malacañan na umalis ako ng Pilipinas dahil sa trauma sa nangyari kahapon. Pero ang totoo, ililipat lang ako sa pinakaliblib at tagong lugar sa Tondo, Manila.

Pagkatapos makapagpaalam kay daddy, umalis na ako kasama ang mga bodyguards ko na sakay ng sasakyang hindi masyadong magara, yung tipong Kia lang na walang wang-wang. Yung mga bodyguards ko din nakapang-alis lang.

Nakaupo ako sa gitna nila Yael at Keith.

“Okay lang ba kung umupo ako sa may bintana? Nacar-sick kasi ako pag nasa gitna at mahaba yung byahe.” Tanong ko.

“Okay lang po, Miss Raya.” Nakipagpalit saken si Yael.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Gabi na at masyado nang madilim. Malamig yung simoy ng hangin kaya medyo nanginig ako.

“Nilalamig po ba kayo, Miss Raya? Gusto niyo po bang hiramin ang jacket ko?” Tanong ni Yael.

Umiling ako. “No, thank you. Pero... um, alam ba nila Prime at Juris na lilipat lang ako?”

“Hindi po. Pero siguro malalaman din ni Prime, sooner or later.” Sagot ni Darryl.

Jared's P.O.V.

Nakatulog si Miss Raya sa gitna ng byahe habang nakasandal yung ulo niya sa bintana.

Tiningnan ko si Yael at sumenyas sa kanya. Tinulak nang marahan ni Yael yung ulo ni Miss Raya sa balikat ko. Mas lalo pa siyang kumandong sa balikat ko at nakatulog nang mahimbing.

Nakangiti si Keith. “Ngayong nakikita ko siyang ganito, alam ko na kung bakit na-in love si Jared sa kanya.”

Sumenyas akong manahimik lang siya pero nakangiti rin.

Tatlong oras ang nakalipas, huminto na ang kotse.

“Miss Raya.” Kinalog nang marahan ni Yael si Miss Raya.

“Huh?” Bulong niya at nagsimula nang bumukas ang mga mata niya.

“Nandito na po tayo.” Sagot niya.

 “Oh.” Nag-inat-inat siya ng konti at humikab.

Nang binuksan na namin yung pinto, lumabas na siya. “Whoa…”

Tumitig lang siya sa bahay na gawa sa ladrilyo. “Nasa'n tayo?”

“Ang bago mong bahay, Miss Raya. Pasok na po tayo.” Sabi ni Darryl.

Pumasok na kaming lima sa bahay. Binuksan ni Miss Raya yung mga ilaw. Normal lang yung bahay parang bahay lang namin noon. Umakyat na si Miss Raya sa taas.

“Eto po ang kwarto niyo, Miss Raya.” Binuksan ni Keith ang pinto sa dulo. Hindi yun kasing-laki ng kwarto niya sa Malacañan pero malaki na din yun. Siguro para saken.

Inakyat ko yung mga bagahe niya sa taas. “May pasok pa po kayo bukas, Miss Raya. Matulog na po kayo.”

Pero nakatayo lang siya dun kaya pumasok ako. “Okay lang po kayo, Miss Raya?”

“Oo pero… Hindi ko alam… Naho-homesick na ata ako. Nami-miss ko na si daddy, Juris at Prime. Ang weird, noh? Noon, gustong-gusto ko ng kalayaan pero hindi sa ganitong paraan sana…”

“Hwag kang mag-alala, Miss Raya. Maaayos din ang lahat at makakabalik ka din sa palasyo.”

“Tama ka… at least nandito kayong apat para saken, diba?” Ngumiti siya. Ngiti na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

“Good night, Jared.”

“…Good night, Miss Raya.” Sabi ko at lumabas na ng kwarto. Pagkasara ng pinto, isinandal ko ang ulo ko doon. Ngumiti ako.

“Sweet dreams, Raya…”

The Secret CircleWhere stories live. Discover now