Chapter 38- Fixing A Broken Heart

462 1 0
                                    

A/N: Pansin niyo yung pagbabago ng title at book cover? Nagkaroon na kasi ako ng peace of mind wehehe >////<

May matino na siyang title-- ang lame kasi nung una. Anw, pa-vote at pa-comment naman oh!

Maraming thanks! \(*o*)/

====================================================================

Raya's P.O.V.

Nagdidilim na. Nakaupo kami ngayon ni Enzo sa damuhan sa loob ng Star City. Mga sampung minuto mahigit lang naman din yun nung nilakad namin.

“Waaah…~ Ang ganda.” Napayakap ako sa mga binti ko habang nakaupo. Nga pala, nanunuod kami ng fireworks ngayon ni Enzo.

Enzo's P.O.V.

Sa buong magdamag, nakatitig lang ako kay Raya.

Nang bigla siya lumingon. “Ano?”

“Magkwento ka nga. Ang sabi mo tumatakas ka sa Malacañan. Bakit mo naman ginagawa yun? Na sa'yo na ang lahat, bakit tinatakbuhan mo pa ang mga yun?” Tanong ko.

“Wala naman sa Malacañan yung lahat na sinasabi mo.” Narinig kong bumuntong-hininga siya.

Raya's P.O.V.

“Alam ko, bonggang bongga dun at lahat na pero… there’s no freedom. Wala akong magagawa kung wala ang mga bodyguards ko na nakabuntot sa'kin kahit saan. Yung feeling na parang paralyzed ka at walang kwenta kung wala sila, ramdam mo yun? Hindi man lang ako makatawid sa daan papuntang palengke kasi daw pagtitinginan ng mga tao ang bawat galaw ko. Nakita mo naman yung mga bodyguards ko 'di ba? Panigurado, naghahanap na yun sa akin ngayon. Hindi na din ako magugulat kung makikita ko yung mukha kong parang wanted sa balita mamaya.” Isinandal ko ang baba ko sa nakatiklop kong mga braso.

“Ganun ba talaga kalungkot 'pag tumira dun?” Tanong uli ni Enzo.

Nag-isip ako ng sagot. Yung safe answer. “Kung sasabihin ko namang nakakalungkot 'pag tumira dun, magmumukha naman akong makasarili at walang utang na loob. Gusto ko lang namang... Gusto ko lang maging normal. Hindi mo alam kung gaano kahirap mabuhay sa mundong nakatakda ka nang maging anak ng presidente. Ang hirap makahanap ng totoong mga kaibigan. Hindi mo malalaman kung gusto ka nila dahil sa pagkatao mo o dahil sa sikat ka at mayaman. Sabi nga ni daddy, hindi daw dapat ako magtiwala agad-agad sa mga taong nakapaligid sa'kin pero sa huli, nasasaktan at nasasaktan din uli ako. Kailangan ko pa talagang matuto sa marahas na paraan eh, ang epal lang." Napailing ako nang maalala ko ang mga pangyayari nung gabi sa night club.

“Kung ganun... Bakit ka nagtiwala ka sa'kin?” Eh puro tanong naman 'tong si Enzo eh. Sige na nga lang, imagine ko na lang na interview 'to.

Tumitig ako sa kanyang mga mata. “Kasi magkasundo na tayo bago mo pa nalamang anak ako ng presidente. Kilala mo ako bilang si Tanya, yung minamalas na babaeng tatanga-tanga. Hindi bilang anak ng presidente. Miss ko na ang daddy at mga kaibigan ko pero hinihiling ko nang konti na sana ganito na lang lagi.”

“Pero kahit na, dapat bumalik ka na sa Malacañan kung kinakailangan.” Sagot ni Enzo.

Ouch. Ganun? Tinataboy niya ako? Hurt naman daw ako nun.

Enzo's P.O.V.

“Gusto mo bang bumalik na ako?” Mangiyak-ngiyak niyang sabi.

HINDI NAMAN YUN ANG IBIG KONG SABIHIN, KASI-- TAE. BAKIT BA AKO NAGPAPALIWANAG SA UTAK KO?

Umiling nalang ako. “Hindi ganun. Ang ibig kong sabihin kailangan makasama mo din ang pamilya mo. Bilang isang taong nawalan ng kanyang pamilya, masasabi kong sila ang pinakaimportanteng bagay sa mundo. Hindi sila matatapatan ng kalayaan. Kung mawawala sila, mawawalan na din ng direksiyon ang buhay mo. Kaya nagkaganito ako. Hindi ko na kilala ang sarili ko at hindi ko na rin kinikilala ang mga tao sa paligid ko. At least ikaw, gusto mong magtiwala sa isang tao. Ako, ayoko. Wala akong kasalo sa mga kasiyahan at kalungkutan ko sa buhay.”

The Secret CircleWhere stories live. Discover now