Chapter 31- The Bitch Fight

484 1 0
                                    

Sulli's P.O.V.

“Ayun siya!” Sigaw ko at tinuro si Tanya nang lumabas na siya sa building.

“Tara na.” Nanguna si Luna at pinasunod kami.

Raya's P.O.V.

Habang naglalakad, sinimulan ko nang tawagan sila Jared. Nang may nabangga ako at nahulog ang cp ko.

Naapakan niya yun at nadurog ang Samsung Galaxy Ace cp ko.

“Oops, sorry.” Sabi nung boses ng babae.

“Okay lang.” Yumuko ako at pinulot ang mga nadurog na piraso. Ipapasabi ko nalang siguro sa secretary na padalhan ako ng bagong cp.

Pero yung mga anino na pumaligid saken nagsalita. Ang sabi nila, kailangan ko daw'ng mag-alala sa pali-paligid ko at hinde lang sa cp ko.

Lumingon ako sa kanila. At napasinghap ako nung makita ko si Sulli.

Ngumisi siya. Makikita mo talaga sa mga mata niya ang galit. “Napag-isip-isip kong nangangati ka naman'g mabugbog kaya nagdala na ako ng tropa.”

Lagot. Nangatog ang tuhod ko sa sobrang takot.

“Halika ka nga dito, leche ka.” Hinatak nung isa sa mga babae ang tirintas ko at hinila ako sa isang madilim na eskinita.

Nalintikan na. Sana nagpahatid nalang ako kay Enzo!.

“Ah!” Sigaw ko nung sumalpok ako sa pader.

Ngumisi yung isa sa kanila. "Gusto mong makidanak ng dugo sa'min?”

“K-kasi...”

“Isara mo 'yang bibig mo.” Sabi nung girl na humila saken sa eskinita.

Tumingin ako kay Sulli at parang sa ilang minuto lang, lulutang na siya sa sobrang saya. Dun sa cloud nine. Pero ako... Parang langit na ata talaga ang patutunguhan ko.

“Di ba ang sabi niya layuan mo ang boyfriend niya? Ba't hinde ka nakinig?” Sabi nung tumulak saken sa pader.

“H-hinde naman daw sila ni Enzo.” Sabi ko.

“Ikakatwiran mo 'yan?!” Bumulyaw yung isa.

“Alam mo ba kung sinong binabangga mo?” Napameywang yung isa.

“H-hinde po.” Bulong ko.

“Hinde kami katulad nung ibang mga babae. Kasali kami sa pinakamalaking gang sa lugar na 'to. Ayaw ka naming patulan kasi naglalaro kami ng patalim, kuha mo?” Tanong nung isa. Sa sobrang takot, nagmanhid lahat ng parte ng katawan ko kaya napatayo lang ako doon.

“Huy, sagot!” Bulyaw nung isa.

“Ang puta mong leche ka.” Dinuraan ako nung isa sa mukha. At may kung anong matalim na kumalmot sa mukha ko.

Habang nanginginig ang kamay ko, hinawakan ko ang pisngi ko. May dugo na sa mga kamay ko. Lumingon ako at nakakita ng razor na nabalot ng chewing gum.

Ngumisi ang isa sa kanila. “Sabi ko 'di ba? Hinde kami katulad nung iba.” Napalunok ako.

"Tingin ko oras na para turuan siya ng leksyon.” Ngumisi rin si Sulli.

“Sabi ko nga.” Tinaas nung isa ang manggas ng uniform niya. Hinde ko alam kung saang school yun.

Takot na takot na ako ngayon. Pero hinde ko alam ang gagawin.

Lumipad ang kamao niya sa direksiyon ko pero may biglang humarang nun.

Napasinghap sila Gabby at Olive.

“Kara?!” Bulyaw ni Sulli.

Napakurap din ako. Talaga bang... Ipinagtatanggol niya na ako ngayon?

Tumingin nang masama si Kara dun sa isang babae. “Itigil mo na 'to. Hwag kang magpadanak ng inosenteng dugo. Wala siyang ginawang masama. Yung lukaret lang na utak ni Sulli ang nagwalanghiya sa ating lahat.”

“HOY!” Sumingit si Sulli sa usapan at tiningnan din siya nang masama. “Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Ba't ipinapagtanggol mo ang lecheng 'to-”

“Mas gugustuhin ko kung...” Nakipagtitigan si Kara sa kanya. “Hwag mo siyang bigyan ng nickname. Tanya ang pangalan niya. At si Tanya, kaibigan ko na.”

May kung anong init ang bumalot sa katawan ko. Naha-high blood ba ako?

“Seryoso ka?!"

“Kara!” Tumili sila Gabby at Olive na parang yun na yung pinaka-skandalosong nangyari sa buong taon.

“Ang traydor mo nga lang rin noh?!” Sinampal siya nung isa. Lumagpak sa lupa si Kara. Dinura niya yung dugo sa labi niya.

“Kara!” Tumakbo ako palapit at tinulungan siya patayo. “Okay ka lang?”

“Oooh... Subukan niyo kayang ipa-MMK 'yang moment niyo.” Sabi nung isa at tumawa na sila lahat.

Tinulak ako ni Kara nang bahagya sa likuran niya at tinitigan silang lahat nang masama. “Hwag niyo na kaming guluhin.”

“Mangarap ka. Tinraydor mo lang naman kami. At yun ang pinakamalaking kasalanang nagawa mo!” Bumulyaw na din yung isa.

“Hwag na madaming satsat at tapusin mo na 'yang dalawang haliparot!” Tumili yung isa sa kanila at tumakbo palapit kay Kara. Sinakmal siya ni Kara sa leeg at tinulak sa lupa.

Whoa, hinde ko alam na basagulero din pala siya. Nakikita ko tuloy si Juris sa kanya.

Kara's P.O.V.

“ARGH! PATAY KA SAKEN NGAYON!” Sinunggaban uli ako ni Krystal at lumagpak kami sa lupa. Tumulong naman si Suzy at hinatak ako palayo kay Krystal. Tinapon niya ako at sumalpok sa pader. Napakagat-labi ako sa sobrang sakit.

“Kara! Tama na 'yan, mga wala kayong awa!” Biglang bulyaw ni Tanya mula sa likuran ko. Tumayo siya sa harapan ko at tinitigan sila nang diretso.

“Aww, ngayon nagbabaya-bayani ka na?” Tanong ni Luna na ikinatawa nilang lahat.

"Hwag.” Bulong ko. “Hinde mo alam kung anong kaya nilang gawin.”

“Takbo kaya tayo?" Bulong din ni Tanya.

Tumango ako. “Bibilang ako... Isa. Dalawa. Tatlo!”

“AAAAAAAAAHHHHHHHHH!” Tumakbo kami at tumili nang ubod na lakas para makakuha ng atensyon at sana, tulong.

“Sa'n kayo pupunta?!” Hinde pa kami nakalalayo ay hinatak kami pabalik nila Krystal at Suzy. Tinulak kami nila Sulli at Luna sa pader.

“Owwie. Tingin ko, napilipit ko ang paa ko.” Napakagat-labi si Tanya.

Tiningnan ko uli sila nang masama. “Alalahanin niyo lang. Kapag namatay kami ngayon, sinubukan ko namang magbagong-buhay.”

“At kapag nakatakas tayo nang buhay, magiging magkaibigan na tayo, 'di ba?” Ngumiti si Tanya.

Napangiti din ako. “Alam mo... Ang epal mo.” Sabi ko at napatawa kaming dalawa na parang walang nangyayaring matter of death and life sa harapan namin. Siguro, last words na rin namin yun. Mahal na talaga ng Diyos si Tanya 'pag nakatakas pa kami nang buhay dito.

“Itigil niyo 'yan! Sagad na ang pasensya ko!” Nilabas na ni Luna ang punyal niya.

Raya's P.O.V.

Napasinghap kami ni Kara at pumikit ng mata. Nagyakapan kami nang palapit na nang palapit yung babaeng may dalang punyal.

May mga ilang beses na din akong binigyan ng Diyos ng pangalawang buhay... So, matatawag niyo pa ba yung pangalawang buhay? Pero siguro, eto na nga yung oras kung saan mamamatay na talaga ako. Gamit ang punyal ng isang babaeng lukaret na may hikaw sa bibig at may kitty-cat tattoo.

“AAAAAAHHHHHHHH!” Sigaw namin ni Kara nang itaas na nung babae ang punyal.

Nang may marinig kaming bulyaw mula sa malayo. “SUBUKAN MONG PATAYIN 'YAN MALILINTIKAN KA SAKEN!”

The Secret CircleWhere stories live. Discover now