Chapter 36- The Survivor of the Fittest

464 0 0
                                    

Raya's P.O.V.

Umaga ng Linggo ngayon. Kaya hindi ko pinalampas ang pagkakataon na makawala sa lungga ko. Lumabas ako ng bahay kasama ang aking mga bodyguards.

Nag-commute kami sakay ang jeep papuntang MRT-3 Taft Avenue Station. Gusto ko kasing makasakay ng MRT kahit ngayon lang ulit. Hindi naman umabot ng 20 mins. ay dumating na rin kami doon.

Nagmukha naman silang mga tangang ewan na parang nagta-taping sa palabas na Men in Black. Hindi ko naman ma-imagine yun, tss. Nakabuntot lang sila sa likuran at parang mga radar na sumasagap ng panganib.

Hindi ba masyadong pa-obvious naman sila? Besides, wala naman sigurong mamamatay-tao sa lugar na ito. Ang akala naman kasi ng lahat nagpunta ako sa Europe. 

Tumigil ako at tumingin-tingin sa ilang mga bilihin na naka-display sa mesa. Nag-spray ako ng iilang sample perfume at inamoy-amoy ito.

“Hija! Bumili ka na, may discount akong ibibigay sa'yo kasi ang ganda mo!” Sabi nung aleng nagbabantay ng tindahan.

Ganun? Wahaha. Flattered naman ako nun.

Ngumiti nalang ako at tumingin-tingin pa sa ibang display. Hindi ko naman talaga taste yung ganung mga brands pero bumili nalang ako. Sa salang pagtambay dun nang matagal-tagal.

Ipinasok ko ang pabango sa bag at naglakad na paalis. Nakapagbuntong-hininga ako at minasdan ang buong paligid. 

Nakalabas na naman ako ng bahay pero bakit parang 'di pa rin ako kuntento?

Tumingin ako sa isang umpukan ng mga tao at napatigil.

Papunta din si Enzo sa direksyon ko. Siya rin, napatigil.

Nagkatinginan kami. Staring contest. Matagal-tagal din. Yung tipong mental telepathy.

“May problema po ba, Miss Raya?” Tanong ni Yael.

Nabigla ako at tumingin-tingin naman sa display ng mga headbands. “Wala.”

Sinulyapan ko nang konti si Enzo at nakitang pumasok sa isang accessories' store.

Nang biglang nag-vibrate ang aking cp.

From: Enzo

| Pasok ka din dito… |

Mula sa salaming pader ng tindahan, nakita ko siyang tumingin-tingin sa iilang school supplies. Lumingon ako sa apat. “Babalik lang ako.”

Pumasok naman agad ako sa tindahan. “Enzo!”

Luminga-linga ako sa paligid para siguraduhing hindi nakabuntot ang aking mga bodyguards. "Anong ginagawa mo dito?”

“Bibili ako, malamang.” Natatawang sabi niya.

“Sabi ko nga.” Napakamot nalang ako ng ulo.

“Nag-eenjoy ka naman?”

“Tingin mo?” Ngumuso ako.

Ngumisi siya. “Halatang hindi.”

“Ang tatanda na kasi nila, hindi na nakaka-enjoy.” Bulong ko.

“So, gusto mo... Tumakas tayo?” Tanong niya.

Napakurap ako. “…Tatakas… Tayo?”

Jared's P.O.V.

Mga sampung minuto na rin nang pumasok si Miss Raya sa tindahang yun.

“Ang tagal naman nun?” Tanong ni Keith.

“Yael, sunduin mo na.” Utos ni Darryl.

“Roger.” Sagot niya at pumunta na sa may pinto ng tindahan.

“Miss Raya-- WHOA!” Natumba si Yael sa may lupa nang may tumulak sa kanyang dalawang tao.

“Sorry, Yael!” Sigaw ni Miss Raya habang hinihila siya palayo nung Enzo.

Nanlaki ang mga mata namin. Masyado kaming nabigla nang mga oras na yun para makapag-isip nang maayos at gumalaw.

Nang sumigaw si Darryl. “HABULIN NIYO!”

Nagsimula na kaming tumakbo at humabol sa dalawa.

Raya's P.O.V.

“Eek! Ang lapit na nila!” Napatili ako. Siguro sa sobrang takot. At yung kalahati, sobrang excitement. Feeling ko para na kaming sina Bonnie at Clyde ni Enzo at silang apat ay ang Men in Black. Wahaha.

“Hindi 'yan.” Tumakbo pa nang mas mabilis si Enzo.

Nang bigla akong tumigil.

“Problema mo?” Tanong ni Enzo.

“May tracker ata ang bag ko.” Sabi ko.

“Walang problema.” Ngumisi siya at hinablot ang bag ko. Tinapon niya yun at sinalo ni Yael na nakasunod.

“OOF!” Sa pagsalo ni Yael, natisod siya at gumulong-gulong. Para namang domino sila Darryl at Keith na sabay-sabay natumba.

“Tara na.” Hinila ni Enzo ang kamay ko at tumakbo na ulit.

“Hindi ata aayaw si Jared!” Sigaw ko.

Enzo's P.O.V.

Lumingon ako at nagkakatitigan sa nag-iisa nalang na bodyguard ni Raya.

Pwes, 'di rin ako papatalo. Nilibot namin ni Raya ang buong MRT station at hindi pa kami nakalalayo dun sa Jared.

“Oy, ano na?!” Tili ni Raya.

Nahagip ng mga mata ko ang mga c.r. Tinulak ko papasok si Raya sa loob ng girls' c.r. Mabuti nalang at walang tao sa loob.

“Anong ginagawa mo?!” Sigaw ni Raya.

Ipinasok ko siya sa isang cubicle at isinara ang pinto. Kinarga ko siya paakyat ng toilet seat at pinatayo doon. Umakyat din ako.

“Anong ginagawa natin dito?” Bulong niya.

“Ssshhh.” Naglagay ako ng daliri sa bibig at sumenyas. Naghintay lang kami nang naghintay. 

Nung mga oras na yun, may narinig kaming mga babaeng pumasok. Nag-usap sila ng kung anu-ano. At hindi ko na alam yung ibang pinanggagagawa nila.

Jared's P.O.V.

Tumigil ako sa harap ng mga c.r.

Magpapaputol ako ng daliri kapag wala dito sa loob ng c.r. Sigurado akong pumasok sila kanina dito.

Pag pasok ko, biglang nagsigawan ang mga babae sa loob. “HOY, LUMABAS KA! MANYAKIS!”

“S-sorry.” Agad kong nilingon ang mga cubicles. Walang paa. 

“BINGI KA BA O ANO?!” Bulyaw ng mga babae.

“Sorry.” Sabi ko ulit at lumabas.

Nasampal ko ang sariling mukha sa sobrang kahihiyan.

Raya's P.O.V.

Ngumiti si Enzo. “Wala na sila.”

“Seryoso?” Tanong ko.

“Tara na.” Lumundag siya pababa at tinulungan akong makababa din.

Binuksan ni Enzo ang pinto at lumabas kaming dalawa. Napasinghap ang mga babae sa may salamin at nakatitig lang sa'ming dalawa ni Enzo.

Naramdaman ko namang uminit yung mukha ko. Baka iba na yung iniisip nila. “Excuse me po.”

Hindi man lang humingi ng paumanhin si Enzo at hinila lang ang kamay ko palabas. 

Bago pa kami makalayo, narinig ko pang nagsalita yung mga babae sa loob ng c.r. "Anong trip ng mga lalaki ngayon sa loob ng c.r.?"

The Secret CircleWhere stories live. Discover now