Chapter 26- A Heart-Breaking Threat

488 2 0
                                    

Raya's P.O.V.

Nung umaga na yun pagkatapos makapaghanda papunta sa school, bumaba ako suot-suot pa rin yung helmet sa ulo ko.

“Tara na.” Sabi ko sa kanila.

“Anak ng…” Tumitig saken si Yael. Napatigil din sila Darryl at Keith. Nagsalubong naman ang kilay ni Jared.

“Ano pa'ng hinihintay niyo, Pasko? Tara na.” Pumunta na ako sa may pinto pero hinarangan ako ni Jared.

“Ba't suot mo pa rin ang helmet, Miss Raya?” Tanong ni Darryl.

“Ano... Er, kasi pinangako ko sa kaibigan ko na ibabalik ko 'to.” Pagpapaliwanag ko. Sana naman lumusot yun. One time lang, Lord.

“Hindi naman ibig sabihin nun kailangan mo'ng suotin 'yan hanggang sa loob ng bahay di 'ba?” May punto rin'g sabi ni Keith.

Jared's P.O.V.

Hindi na ako makatiis at tinanggal yung helmet sa ulo niya.

“Huy!” Biglang sigaw ni Miss Raya at sinubukang abutin yung helmet. Nakita ko yung pasa at sugat sa mukha niya. Napasinghap si Yael.

“Miss Raya…” Nasabi ko.

“Akin na 'yan!” Inagaw niya yung helmet sa'kin at binalik sa ulo niya.

“Kaya ba hindi kayo kumain ng hapunan kagabi, Miss Raya?” Tanong ko.

Hindi siya makatingin nang diretso.

“Miss Raya, kailangan mong sabihin sa amin kung sino'ng may gawa sa'yo neto.” Sabi ni Darryl.

“No way!” Sigaw niya.

“Miss Raya!” Tumaas din ang boses ni Darryl.

“Look, ang mga bagay na 'to pwedeng mangyari kahit kanino.” Sagot naman ni Miss Raya.

“Hindi 'to pwedeng mangyari sa inyo. Lalo na't inaasahan ni Mr. President na babantayan ka namin nang maayos.” Sagot uli ni Darryl.

“Mag-iingat na ako sa susunod, okay? Hwag niyo na 'tong intindihin, kahit ngayon lang. Kapag umuwi ako na may helmet uli sa ulo, yun pwede na kayong mag-react. Sa ngayon, umalis na tayo o baka ma-late pa ako.” Huling sabi ni Miss Raya bago lumabas ng pinto.

“Ang laki na talaga ng topak niya.” Biglang sabi naman ni Yael.

“Tara na nga lang.” Natalo na naman si Darryl. Kinuha niya nalang ang susi ng kotse.

Raya's P.O.V.

Tumigil yung kotse sa dating paradahan. Lumabas na agad ako at pumasok sa school. Napansin ko naman'g lahat nakatingin sa helmet na nasa ulo ko.

“Ow.” Nauntog ako sa may doorway at natumba. Nang may biglang sumalo saken. Déjà vu.

“Sinusuot mo pa rin 'to hanggang ngayon?” Mahinang tanong ni Enzo.

“Sa kasamaang palad.” Sambit ko.

“Itayo mo naman ako.” Sabi ko nung napansin kong nakahawak pa rin siya sa baywang ko at nakatitig na ang lahat sa amin. Hinila niya ako ng konti at lumakad na ako papunta sa upuan ko.

Nagbulung-bulungan na naman yung iba.

“Anong trip niya?” Binalewala ko nalang sila at inilabas yung mga libro ko.

Pumasok na si Mr. Pineda. Magsusulat na sana siya sa blackboard nung mapansin niya ata ako. "Ms. Soriente, bawal magsuot ng kalo sa klase. Ano'ng ginagawa mo'ng may suot na helmet?”

Nagdalawang-isip pa ako.

“Tanya.” Tawag niya. Napabuntong-hininga nalang ako at inalis yung helmet sa ulo ko.

Napasinghap lahat nung makita yung bugbog-sarado kong mukha. Nagsimula nang mag-tsismisan yung iba. Yung iba naman tumawa na, na medyo ikinasakit ng feelings ko. Tiningnan naman sila nang masama ni Enzo kaya napatikom sila ng bibig. Medyo okay na din, ngayong wala na yung helmet sa ulo ko.

Tumunog na yung bell para sa susunod na klase. Nag-ayos na ako at umupo lang dun, hinihintay na umalis si Enzo para hindi kami makitang magkasama nang maraming tao. Nang may biglang tumapik sa kamay ko. “Hindi ka ba papasok?”

“Ah, oo nga pala…” Napakagat-labi ako.

“Tara na.” Sabi ni Enzo.

Wala naman siya siguro sa paligid-ligid di 'ba? Kinuha ko na yung sling bag ko at sinundan si Enzo palabas. Lumingon siya at ngumiti. Ngumiti din ako pabalik.

“Enzo!” Ang boses na yun. Yung nanggaling sa bangungot ko. Bigla namang nawala yung ngiti sa mukha ni Enzo. Tumago ako sa likuran ni Enzo pero nakita niya na din ako.

“Hoy! Di 'ba binalaan na kita?! Ang puta-“ Tinaas ni Sulli yung kamay niya para sampalin ako pero pinigilan siya ni Enzo. Lahat napatingin sa kanya, kasali na ako.

Tinignan siya nang masama ni Enzo na pati yung balahibo ko tumatayo. “Akala ko din ba binalaan na kita?”

“En-Enzo…” Bulong ni Sulli, puno ng hinanakit. Tinulak siya ni Enzo palayo at tiningnan nang masama ang lahat nang nakiusyoso doon.

“Simula ngayon... Lahat ng magwa-walang hiya kay Tanya, mananagot sa akin. Naiintindihan niyo ba ako?”

Nanlambot ako. Na-carried away sa bantang yun. Tumango ang lahat ng nakinig.

“Alis na.” Utos ni Enzo at nagsimula nang mag-alisan ang lahat.

“Ikaw. Hindi ka rin ba aalis?” Tiningnan niya si Sulli na parang maiiyak na anumang oras ngayon.

“T-tara na.” Kaagad na umalis na si Sulli kasama ang mga kaibigan niya.

Nagsimula na rin'g maglakad si Enzo nang mapatigil siya. “Hindi ka ba susunod? Ihahatid na kita sa sunod mong klase.”

“Ha?” Biglang naputol yung series of imaginations ko. “Oh, okay.”

Nung mag-recess time na, pumunta ako sa c.r. Nang may marinig akong pumasok kaya napatingin agad ako sa may pinto.

Nakatayo dun si Kara. Medyo napatigil ako.

Kara's P.O.V.

Nakikita ko sa mga mata niya na nagulat siya. “Um, sorry, siguro dapat kumatok muna ako, noh?”

“Okay lang yun.” Sinara niya yung gripo at pumunit ng paper towel sa rolyo. “Okay ka lang?”

“Ha?” Napakurap ako sa tanong niya.

“Yung pisngi mo…” Sabi niya.

“Ah, wala 'to.” Hinde na ako tumingin nang diretso sa kanya.

“Lagyan mo nalang ng ice. Gagaling 'yan.” Biglang sabi niya.

Napatigil ako sa paghuhugas ng kamay at napatitig sa kanya. Nakalimutan niya bang hinde ko siya tinulungan o talagang nakasanayan niya lang na maging mabait?

“Sige.” Lumakad na siya palabas.

“Hintay!” Nasabi ko. Napatigil siya.

“…Sorry.” Sabi ko. Tiningnan niya lang ako na parang wala siyang alam sa pinagsasabi ko.

“D-dapat siguro sinabihan ko si Sulli na tumigil p-pero natakot ako. Malilintikan tayong dalawa kung nagkataon. Siguro, likas na talaga akong duwag." Napayuko ako sa kahihiyan.

“Hwag kang mag-alala. Naiintindihan kita. Friends come first naman talaga, di 'ba?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya.

Friends… Tama. Yung tunay na friends hinde ka sinasapak 'pag hinde mo nasunod ang utos nila. Pero wala naman talagang pagka-‘friend’ material si Sulli, kung tutuusin. Mas maganda siguro kung makipagkaibigan ako sa mga taong katulad ni Tanya.

The Secret CircleWhere stories live. Discover now