Chapter 3- For the Winning Escapade

629 1 0
                                    

Raya's P.O.V.

“Ah!” Halos napatumbling ako habang hawak-hawak ko ang tiyan ko.

“Raya, anong nangyayari sa'yo?!” Nag-panick si Prime at inalalayan ako para makatayo.

Inobserbahan ko siya. Dapat bigyan ko siya ng reward, ang galing niyang actor.

“Langya. Tingnan mo!” Tinuro niya yung likuran ng damit ko.

Nagsitakbuhan yung mga bodyguards ko papalapit. “Ano pong problema, Miss Raya?!”

“No big deal. 'Lam niyo yung dalaw ng babae kada-buwan? Naka-leak siya eh." Paliwanag ni Prime na parang wala lang nangyayari. Pero para saken malaking kahihiyan 'to. Ang buhusan ng red wine ang Versace dress ko dahil lang pinalabas namin na nag-leak ako ay walang hustisya.

Pero mas gusto ko atang makawala sa hell hole na 'to.

“Tingin ko mag-c.c.r. muna ako.” Lumundag ako pababa ng upuan at nagkunwaring matutumba.

Apat na kamay ang umabang pero inakbayan lang ako ni Prime at pinatayo uli. “I’ll take her.”

Pinigilan siya ng MAKUKULIT KONG BODYGUARDS. Pucha. Kapag ako totoong may PMS, lagot kayo saken.

“Inutusan kaming sundan si Miss Raya kahit saan.” Tutol ni Jared.

“Come on. Tingin niyo ba ipapahamak ko si Raya, ang bestfriend ko?” Inosenteng nagtanong si Prime.

Nagtaasan ang kilay ng mga bodyguards ko. Langya naman, Prime. Alam mo na ngang hindi ka pinagkakatiwalaan, nagtanong ka pa?! Alam kasi ng lahat ang krimen na nagagawa ng "Dynamic Duo" kapag magkasama. At kami yun ni Prime.

“Pwede ba?” Tanong ko sa maliit na boses, na parang totoong maysakit. “Mas gusto ko kung si Prime yung sasama saken…”

Nagtitigan muna sila bago tumango.

“Okay, pero please, dalian mo lang Miss Raya. Hindi ka pwedeng mawala sa paningin namin nang matagal.” Tumango ako.

Inilayo na ako ni Prime at bumulong. “Ang galing natin mag-arte ah.”

“Ikaw rin naman.” Bulong ko rin. “Ngayon ano na?”

Dinala ako ni Prime sa may kanto at hinila papasok ng men's comfort room.

“Ano ginagawa natin dito?! Eeek!” Tinakpan ko ang mata ko nang napansin kong may tao pala sa loob.

“Anak ng tipaklong!” Sabi nung lalaki at dali-daling tinaas ang zipper ng pantalon niya, saka umalis.

“Primitivo!” Sigaw ko. Ano bang pumasok sa utak ng taong 'to at ipapahamak pa ata ang virgin eyes ko?! Tss.

“And there’s our exit.” Turo niya.

“Ano?” Sumilip ako sa pagitan ng mga daliri ko at nakakita ng isang bintanang bukas.

“Wala kasing bintana sa female's restroom.” Sabi niya.

“Pa'no ako makakalabas dito? I’m not small enough!” Mangiyak-ngiyak kong sabi. Kinuha ni Prime yung upuan sa kanto at sinipa yun papunta sa pader.

“What?” Tanong ko.

“Akyat.” Utos niya.

“I’M WEARING A DRESS!” Tinuro ko ang sarili ko. Seriously, dati ba siyang member ng akyat-bahay gang o talagang naging hobby niyang tumakas palabas ng bintana?!

“So?” Sagot niya. “Nakasuot din naman ako ng tuxedo ah. Magbibihis naman tayo eh.”

“Okay, fine.” Tumayo ako sa upuan at inilapag yung kamay ko sa ledge ng bintana.

The Secret CircleWhere stories live. Discover now