Chapter 22- The Soccer Match

501 1 0
                                    

Jared's P.O.V.

Pasipol-sipol si Miss Raya nang umagang yun habang naghahanda papunta sa school.

“Bakit kaya ang saya-saya niya ngayong umagang 'to?” Tanong ni Keith.

“May mga bagong kaibigan na ata siya.” Sabi ni Darryl.

“Ka-ibig-an?” Kumindat saken si Yael at medyo siniko ako ng konti. Hindi ko na siya pinansin.

Bumaba na si Miss Raya sa hagdan. “Tara na...~”

“Miss Raya, sandali lang po.” Sabi ni Darryl.

“Ha?” Lumingon si Miss Raya sa kanya.

Nagbigay si Darryl ng bagong mic at camera. “Napansin naming nasira ang camera at mic na suot-suot mo.”

Napaurong si Miss Raya. “Um, sa totoo lang, napaisip ako na masamang idea ang pagsuot ng camera at mic.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Miss Raya, para po yun sa protection niyo.”

“Pero meron namang tracker. Kasi yung mic at camera parang... hindi ko alam, stalkerish.” Nagkibit-balikat siya.

“Kung kailangan ko naman ng tulong, tatawagan ko lang kayo di 'ba?” Lumabas na siya ng pinto bago pa kami makapagdalawang-isip.

“Anong gagawin natin?” Tanong ni Keith.

“Hayaan nalang muna natin. Hindi naman natin siya mapipilit kung ayaw niya.” Nagbuntong-hininga si Darry.

Raya's P.O.V.

Nung lunchtime, nasa bench ako; nakaupo at gumagawa ng assignment habang nakaupo lang din si Enzo sa tabi ko, natutulog. Nang may soccer ball na biglang tumama sa paa niya na agad nagpagising sa kanya.

“Huy, sipain mo naman pabalik!” Sabi nung isang lalaki sa may kalayuan.

“Tae! Si Enzo 'yan!” Sabi nung isa pang kasama niya.

“Takbo na!” Kinalimutan na nung dalawa yung soccer ball at mabilis na tumakbo palayo.

Binaba ko yung libro ko at pinulot yung bola. “Saglit lang, naiwan niyo!”

Pero nawala na sila sa paningin ko. “Ba't parang nakakita sila ng multo?"

Lumingon ako at tumingin kay Enzo. Nginitian ko siya, hinulog yung bola sa lupa at sinipa yun papunta sa kanya. Tumaas yung isang kilay niya.

“Maglaro tayo ng soccer!” Sabi ko.

“No, thanks.” Sinipa ni Enzo pabalik saken yung bola.

“Oh, okay. Alam ko naman eh. Takot ka lang na matatalo kita.” Sinipa-sipa ko yung bola paatras at pasulong nang mag-isa.

Enzo's P.O.V.

Tinitigan ko lang siya. Hinahamon niya ba ako? Okay, sige. Ipapakita ko sa kanya kung sino si Enzo. Niluwangan ko yung necktie ko at lumapit. Sa isang kisap-mata, naagaw ko na sa kanya ang bola.

“Huy!” Sinubukan niyang agawin yung bola pero sinipa-sipa ko yun palayo sa kanya.

“Gotcha!” Kinuha niya yung bola gamit ang kamay niya.

“Huy, madaya ka. Hindi mo pwedeng hawakan ang bola gamit ang kamay.” Sabi ko at hinabol siya.

“No! Akin 'to! Akin! Akin!” Niyakap niya yung bola nang mahigpit habang tumatawa. Hindi ko napigilang hindi mapangiti. Ang cute niya talaga 'pag ginagawa niya yun.

Hinulog niya yung bola at tumakbo papunta sa goal.

“Huy, madaya! Bumalik ka!” Hinabol ko uli siya. Sumigaw siya at tumawa uli nang subukan niyang sipain ang bola papunta sa net.

“Eeek!” Hinila ko yung kamay niya at hinatak siya pabalik. Tumawa siya nang malakas nung pinipilit kong ilayo siya sa goal.

“Ikaw yung madaya! Hinde mo ako pwedeng harangan!” Ngumisi lang ako at itinali yung kamay niya sa mga kamay ko.

Sulli's P.O.V.

“Sino siya sa tingin niya para makipaglaro ng ganyan kasama si Enzo? Hinde nga niya ako, sariling girlfriend niya, pinapayagang makalapit ng ganyan sa kanya!” Sumimangot ako at nag-cross arms.

“Ang puta eh.” Ngumisi si Gabby.

“Ugh. Dapat kumilos na tayo ngayon din.” Sabi ni Olive.

Nga naman.

Kara's P.O.V.

Nakita ko yung tingin sa mga mata ni Sulli at hinde ako nakakuha ng good vibes dun. Umalis na sina Sulli, Gabby, at Olive.

Pero nag-aalala pa rin akong nakatingin kay Tanya habang masayang naglalaro kasama si Enzo. Kailangan niyang itigil 'yan kung ayaw niyang mamatay ng di-oras. Umiling nalang ako at sumunod sa tatlo.

Raya's P.O.V.

“Hiya!” Sinubukan kong sipain yung bola pero hinarangan ni Enzo yung paa ko gamit ng kanya. Nagkabuhol yung mga paa namin at natumba kaming dalawa sa damuhan.

“Oof!” Napaungol ako nang mahulog ako sa lupa. Nakapatong saken si Enzo.  NAKAPATONG. Lunok.

Isinandal niya yung siko niya sa lupa at tumingin saken. Nagkatitigan kami. Nag-flip-flop uli yung puso ko. Napalunok ako. Eto na yung sandaling nahuhulog yung guy sa tuktok ng girl at nagki-KISS!

Napansin kong tumitig ng konti si Enzo sa may labi ko. Eto na! Ang first kiss ko!

Niyakap ko ng konti ang sarili ko at pinikit yung mata ko. Pero wala akong naramdaman sa mga labi ko. Binuksan ko yung kaliwang mata ko.

Nakatayo na si Enzo. Pinunas niya yung mga damo sa kamay niya at tumingin saken. "Anong ginagawa mo diyan? Tayo na."

“Sabi ko nga.” Bulong ko. Tanga. Bakit ko ba naisip na hahalikan niya talaga ako? Tumayo ako at ipinagpag yung damo sa palda ko.

Nahagilap ng paningin ko yung soccer ball. Tumingin ako kay Enzo na mukhang busy pa sa kakapunas ng damo sa kamay niya. Tumakbo ako at sinipa ang bola.

Nag-land yun sa net.

Enzo's P.O.V.

“YEAH! GOAL! WAHOO! AKO PANALO!” Biglang sigaw ni Tanya. Napansin ko nalang na nawala na siya sa harapan ko. Lumingon ako sa likuran at nagtatalun-talon na siya. Tumawa ako at umiling.

Loko talaga 'to eh.

The Secret CircleWhere stories live. Discover now