Chapter 25- Clashing of the Queenkas

488 1 0
                                    

Raya's P.O.V.

“Nandito na 'ko!” Biglang sabi ko nang pumasok na ako sa bahay.

Agad naglabasan ang mga bodyguards ko sa kani-kanilang kwarto. “Sa wakas, Miss Raya-” Napatigil sila.

“Ba't may suot kayong helmet?”

“Basta, kasi... Kasi matutulog na 'ko!” Pagkasabi 'ko nun, agad akong tumakbo papasok sa kwarto at sinara yung pinto.

Jared's P.O.V.

“Tingin ko may nangyari." Bulong ni Yael blinked. Paulit-ulit na umiikot yung sinabi ni Yael sa utak ko habang nakatitig sa pinto ni Miss Raya.

Enzo's P.O.V.

Habang pauwi, may namukhaan akong grupo ng mga babae na nagyoyosi sa isang karaoke bar. Tinigil ko agad ang motor at tumingin nang mas maayos. Si Sulli nga. 

Kung paano niya pa nakukuhang tumawa sa oras na nasasaktan ngayon si Tanya ay nagpasiklab dun sa galit ko para sa kanya.

Tumigas ang panga ko para pigilan yung nararamdaman ko at bumaba sa motor.

Kara's P.O.V.

Kapag kasama ko silang ganito, tuluyan na talaga akong nagui-guilty. Pero hindi naman pwedeng kumampi ako sa kanila, pagkatapos ng lahat ng ginawa nila kay Tanya. Naputol bigla yung malalim na iniisip ko nang makita ko si Enzo. Nanlaki ang mga mata ko. Anong gagawin niya? Alam kong hindi niya papalagpasin ang tatlo.

“Nandito si Enzo!” Biglang sigaw ni Gabby.

Lumingon si Sulli at ngumiti. “Enzo!”

Hinulog niya yung hinihithit niyang yosi at tumakbo papalapot. “En-“

Bigla siyang sinakal ni Enzo sa leeg at tinulak siya nang malakas sa pader. Nanlaki ang mga mata ni Sulli sa sobrang gulat at sakit. 

Napasinghap si Gabby, si Olive naman, nakatitig lang sa kanya, takot.

“Enzo-” Sinubukan ko siyang pigilan pero tinulak niya ako ng konti. Tiningnan niya nang masama si Sulli na parang kahit anong oras ngayon, kakainin niya ito nang buhay.

"Kailan ba papasok diyan sa matigas mong kokote na hindi mo ako boyfriend?! Wala akong pakialam sa'yo. Sinusumpa ko Sulli, kapag may sinaktan ka pa uli, dahil lang hindi mo maintindihan na wala kang silbi sa'kin, hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka. Naiintindihan mo ba ako?” May kabagsikan pa nung binitiwan niya ang leeg ni Sulli.

Nang parang wala sa sarili, napasubsob sa sahig si Sulli.

Enzo's P.O.V.

Lumingon ako sa may likuran at tiningnan rin nang masama sina Gabby at Olive. Napaurong sila, takot na baka saktan ko rin sila.

Bumalik ako sa motor at humarurot na ng takbo paliko sa isang eskinita.

Sulli's P.O.V.

Nang bumalik na ako sa ulirat ko, bigla akong napatayo at bumulyaw. “SINO SA INYO ANG NAGSUMBONG KAY ENZO?! IKAW BA?!” Tinuro ko si Gabby.

“Hinde!” Biglang sigaw ni Gabby.

“Pa'no naging kami?! Eh, magkakaibigan naman tayo!” Sabat naman ni Olive.

Lumingon ako sa likuran at tiningnan nang masama si Kara na hindi makatingin nang diretso saken.

“Ikaw ba yun, bitch?” Tinulak ko siya gamit ang isang daliri ko.

“…Nagkamali ka nung sinaktan mo si Tanya. Wala naman siyang ginawang masama sa'yo.” Sabat ni Kara. LECHE! PUTANG INA MO!

Sinampal ko siya. Napasinghap sina Gabby at Olive.

Kara's P.O.V.

Hindi ako umimik kahit na namula na yung pisngi ko. 

“Pinahiya mo ako.” Sabi ni Sulli at umalis na. Tumingin muna saken sina Gabby at Olive bago sumunod kay Sulli.

Pinunas ko yung mga luhang namuo sa mata ko. Pinahiya ko rin ang sarili ko... Kay Tanya.

The Secret CircleWhere stories live. Discover now