Chapter 18- My First-Aid Nurse

520 1 0
                                    

Raya's P.O.V.

Umalis ako sa harapan niya. “Anong ginagawa mo dito sa playground? Hindi mo naman type maglaro dito, di 'ba?” Tanong ko sa kanya.

Walang sumagot.       

“Enzo…nakikinig ka ba?” Naramdaman ko pa yung init ng katawan niya kaya alam kong nandun pa siya. Inilawan ko yung mukha niya gamit ang cp ko.

Sumigaw si Enzo. Napatulala ako.

“Alisin mo 'yan sa mukha ko!” Utos niya.

Enzo's P.O.V.

“Enzo…anong nangyari sa'yo?” Tanong niya at hinawakan yung pisngi ko. Natigilan ako nung may naramdaman akong parang kisap ng kuryenteng dumaloy sa balat ko. Nang dahan-dahan, tinitigan ko siya.

Tumingin din siya saken. Nagtataka siguro siya kung bakit parang kinalmot ng oso yung mukha ko. Yung leather jacket ko, punit-punit at dumudugo yung dulo ng labi ko.

“Wala 'to.” Bulong ko at tumingin palayo.

“Walang samaan ng loob ha? Pero tapos na 'yung Halloween. Anong ginawa mo sa mukha mo?" Ano raw?! Leche. Nabubwiset ako sa babaeng 'to ha! Siya pa naman yung pinakahuling taong inasahan kong magsabi saken ng ganun.

Raya's P.O.V.

Umalis si Enzo sa slide. Napansin kong medyo paika-ika siy kaya sumunod ako sa kanya. "Sandali! Sa'n ka pupunta?!"

“Wala ka nang pakialam dun.” Sumigaw uli siya. Natisod siya at natumba sa lupa kaya napangiwi siya ng konti. 

Tumakbo ako palapit. “Okay ka lang? Dadalhin na kita sa ospital.”

“Hwag.” Bumulong uli siya.

“Okay, so... sa bahay ko, pwede?” Tanong ko. Nang-- Oops. Anong iniisip mo, Soraya Fortalejo?! Walang pwedeng pumasok sa secret home mo! Gah, pwede ba, paminsan-minsan hwag ka namang maging masyadong tanga?! Ang sakit na nung utak ko kakasigaw, seryoso.

Pero nagmukha talagang kaawa-awa si Enzo nung mga sandaling yun kaya gusto ko siyang tulungan.

“Halika na. Nandun lang yun.” Tinulungan ko siyang tumayo. Binuksan ko yung pinto at yung mga ilaw sa loob ng bahay.

Umaaligid-aligid lang si Enzo sa may pinto.

“Pasok ka. Hwag kang mag-alala walang erpats dito.” Ngumiti ako. Alam kong yun yung password para pumasok ang mga lalaki sa bahay ng babae. Pumasok naman siya.

“Nasa taas ang kwarto ko.” Sinamahan ko siya papasok sa kwarto at pinatuloy.

“Kukunin ko muna yung first aid kit. Maghintay ka muna dito, okay?” Tumakbo ako papunta sa kwarto nila Jared at Yael. Alam ko kasing may ready silang first-aid kit, kung may mangyari man.

Enzo's P.O.V.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Kanina pa lumabas si Tanya pero umaaligid-aligid pa rin yung amoy ng pabango niya na kanina ko pa naaamoy.

May nakita akong picture sa may desk table niya. Siya yung nasa gitna, may kasama siyang babae na tomboy ata at lalaki na may itsura rin.

Kasama nun, yung picture ng medyo may-edad na, pero maganda ring babae. Nanay siguro ni Tanya kasi magkamukhang-magkamukha sila.

Raya's P.O.V.

Nung nasa bingit na ako ng pagiging loka-loka, dun ko pa nakita yung hinahanap kong lecheng first-aid kit.

Bwiset naman, oo, kung kailan mo hinahanap atsaka mo naman hinde nakikitang nakakalat lang. Relate nyo? Tss.

Kinuha ko agad yung kit at napatigil.

Lumingon ako at nakita yung paboritong yellow hoodie ni Yael. Napakagat-labi ako.

Hinde naman po ako magnanakaw, Diyos ko. Ibabalik ko naman po. Sorry, Yael. 

Kinuha ko agad yung jacket at tumakbo pabalik sa kwarto.

Halos magkandadapa-dapa na ako sa pagtakbo kasi natatakot ako na baka umalis nalang si Enzo nang walang paalam.

Ewan ko. Pero yun ang nafe-feel ko.

Pero sa kabutihang palad, nasa kwarto pa siya. Napatigil ako at bumuntong-hininga nang malakas.

Narinig ata yun ni Enzo at tumingin siya sa akin na parang nasisiraan na talaga ako ng bait. Ang sama naman ng first impression ko sa kanya. Pfft.

“Um..” Binasag ko yung katahimikan. Bakit parang bigla atang uminit ang kwarto? Naka-on naman yung electric fan.

“Bubuksan ko na muna yung bintana.” Binuksan ko nga yung bintana at nag-stay muna dun para mahipan naman ng hangin yung umiinit kong mukha. Bumalik na agad ako at binuksan yung first aid kit.

Kinuha ko yung Q-tip at gamot. “Eto oh-”

“Ako na.” Inagaw ni Enzo saken yung mga gamit.

Inilagay ko yung mga kamay ko sa kandungan ko. “Oo nga… Mas mabuti nga kung ikaw nalang. Hinde pa naman rin ako nakakagamot ng injured person kahit noon pa.”

Enzo's P.O.V.

Tumingin ako sa may salamin at nagsimula ng maglagay ng gamot dun sa pisngi kong may sugat. Nasundot ko nang malakas yung sugat at napaungol ng konti.

“Okay ka lang?” Magtanong pa ba?

“Tingin mo, okay lang ako?” Tanong ko rin sa kanya.

“Ako na nga lang kasi.” Inagaw niya yung Q-tip saken at pinaharap yung mukha ko sa kanya. Dahan-dahan niyang nilagay yung gamot sa mga sugat ko. Napaungol uli ako ng konti at hinipan niya yung sugat ko.

“Alam ko. Ang sakit noh?” Ngumuso siya.

Natigilan ako. Sa pinakaunang pagkakataon, ngayon ko lang naisip na pwede rin palang maging cute ang isang babae. Gusto ko yung mata niya pati yung labi. At kung pa'no niya hawakan yung pisngi ko at--- tae.

Maghunos-dili ka, Enzo Quijano. Umiling ako.

“Anong problema?” Tanong ni Tanya.

“Wala. Uhm...” Tumingin-tingin ako sa paligid. Pinipilit kong ibahin yung takbo ng isip ko at walain yung mata niya, labi niya at yung haplos ng kamay niya sa utak ko.

“…Kailan uuwi ang mga magulang mo?” Tanong ko.

Raya's P.O.V.

“Ha? Oh. Hmmm, hindi ko alam. Siguro, pagkatapos ng isang oras?” Pagsisinungaling ko. Siguro yun yung oras ng balik ng mga bodyguards ko.

“Pareho ba silang nagtra-trabaho?” Tanong uli ni Enzo.

“Ha? Oh. Sa totoo lang, erpats lang meron ako. At oo, nagta-trabaho siya.” Sabi ko.

“Dapat siguro umalis na ako.” Tumayo na si Enzo.

“Hinde, okay lang, dito ka na muna.” Sabi ko. Hinde naman halatang patay na patay ka Soraya noh?

Napakamot ng ulo si Enzo. “Sa tingin ko kasi... Dapat hindi ako nandito sa loob ng kwarto mo..."

Nakita ko yung yellow hoodie at nabuhayan ng loob.

Enzo's P.O.V.

“Eto, magbihis ka!” May binigay na kulay dilaw na jacket si Tanya. Tumaas yung isang kilay ko. Para sa'n naman 'to?

“Mas mabuti kung hindi matatakot yung mga tao sa suot-suot mong duguang jacket...~” Kumanta siya.

Kinuha ko yung jacket. Ngumiti si Tanya. “Magbihis ka na dito sa loob. Sa labas lang ako, okay?” Lumabas na siya ng kwarto.

Kaninong Pontio Pilato naman kaya 'to?

The Secret CircleWhere stories live. Discover now