~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Hmmm" nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng aking kwarto, nag unat unat ako at kinusot kusot ko ang aking mga mata. Nakahiga parin ako sa aking kama at nakatitig lang ako sa kisame.
Ngayon ang unang araw ko bilang isang first year college student.
Ilang sandali pa ay bumangon na ako at nag tungo sa aking banyo para maghilamos at mag toothbrush, matapos nun ay tinitigan ko ang sarili ko sa salamin, huminga ako ng alalim at nag isip isip kung ano bang buhay ang nag hihintay sa akin sa college.
Lumabas na ko sa banyo at nag punta sa kusina para mag almusal. Matapos kong kumain ay bumalik ako sa banyo para maligo at maghanda para sa pagpasok.
Ako nga pala si Aki Dela Fuente , 17 years old, mahilig ako sa mga sasakyan at sa sport na Basketball. Isa ang pamilya ko sa pinaka mayaman sa business industry, hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang bansa.
When I was 10, my mom died, at simula nun ay naging mailap na ko sa mga tao sa paligid ko. Meron akong isang nakakatandang kapatid na lalaki at meron din akong isang baby brother, bale tatlo kaming mag kakapatid, pero pareho ko silang hindi kinakausap, madalas akong mag-isa at ayoko ng sobrang MAINGAY!!
Nung mag 15 yrs old naman na ko ay humiwalay na ako sa pamilya ko, niregaluhan ako ng dad ko ng isang condo at simula noon ay doon na ako tumira. Kahit na nagsosolo ako ay sinusuportahan parin ako ng aking ama.
------------------
Nang matapos ako sa pag aayos at pag hahanda para pumasok, kinuha ko na ang aking bag, wallet, cp, at ang susi ng aking sasakyan para makaalis na ko.
Tinungo ko ang parking lot at dumiretso na ako sa aking sasakyan, instart ko na ito at nag drive na ko papunta sa aking bagong paaralan.
Habang nag dadrive ako, tumunog yung cp ko at tinignan ko kung sino ang tumatawag, pag tingin ko si Brian pala, isa sa mga best friend ko... Sinagot ko ito at inilagay sa loudspeaker mode.
"Dre!! Asan kana?? Bungad ni Brian
"Papunta na ko Dre... Asan na ba kayo?" sabi ko
"Andito na kami!! Ikaw nalang ang kulang! Aba, Dalian mo naman.!! Nahiya naman kami sayo ee.." si Brian
"Hahaha! Sorry naman! Nasarapan ang tulog ee" ako
"Tsk.. Nag happy happy ka na naman mag-isa kagabi nu??! Hindi mo man lang kami sinama... Tsk.. Ganyan ka na huh,?! Ang nag tatampong sabi ni Brian
"Sira!! Hindi ako nag happy happy, sadyang tinanghali lang ko ng gising!! Tulad mo pa ko sayo!!" ako
Baliw talaga tong kaybigan kong si Brian.
Pareho kami ng pinasukang college university, meron pa akong dalawang kaybigan, si Eriol at si Cygee. Mga tropa ko na sila since elementary, sanggang dilit kaming lahat, para ko na silang mga kapatid, sila din ang kasakasama ko sa mga kalokohan ko sa buhay, at kahit na medyo naging mailap ako sa iba ay hindi naman nag bago ang pakikitungo ko sa kanila.
"Haisst!! Dalian mo nalang..!! Ang bagal mo ee, naalibad baran nako sa mga babae at mga baklang tingin ng tingin samin dito... Dalian mo!!! Sabi ni Brian na medyo inis na nga.
Hahaha.. Hindi naman sa pag mamayabang pero magagandang lalaki kaming magkakaybigan at ako syempre ang pinaka POGI..hahaha XD pero sa totoo lang, kahit na mga gwapo kami ay wala pa kaming sineseryoso pag dating sa pag-ibig, marami na rin akong naging girlfriends at ni isa sa kanila ay di ko sineryoso at talagang walang nagtatagal, hindi ko alam kung bakit pero parang may kulang sa mga naging GFs ko at hindi ko talaga alam kung ano iyon. Marami narin akong naikama pero hanggang dun lang yon... NO feelings Attach!!
"Oo na! Oo na! gue kita kita nalang tayo jan! malapit na ko" sabi ko at inend ko na yung call, at hindi ko na pinagsalita pa si Brian.
Huminga ko ng malalim at nag focus sa pag dadrive.
"Ano kayang nag hihintay sakin sa college life ko?" ang tanong ko sa sarili ko habang nagdadrive patungo sa bagong pahina ng aking nakakabaliw na buhay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hi Readers,... ^__^/
This is my very first story na gagawin ko ditto sa watty... Ahmmp... Hindi naman po ako nag-eexpect na magugustuhan nyo tong gawa ko kasi this is really my first time... sorry po sa mga typographical errors at kung anu anu pa...
Pero sana po magustuhan nyo..^__^v
>>>>akirajhay
YOU ARE READING
SA HULING PAGKAKATAON (boyxboy)
Romance~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ pano nga ba?? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~