CHAPTER 1
AKI'S POV
Nang makarating ako ng University ay nag hanap agad ako ng mapag pa-parking-an ng sasakyan ko. Patingin tingin ako sa kaliwa't kanan kung may space pa at ayun nga ... meron pa..!! agad 'kong nag drive para makapag park na ko.
Nang maayos ko na yung pwesto ng sasakyan ko ay kinuha ko na yung bag ko at naglakad nako para hanapin ang tropa, habang nag lalakad ako, napapansin ko yung mga babae at binabae na parang naeewan na kinikilig, well hindi ko naman sila masisisi kasi bago lang ako dito at dahil narin sa taglay kong kaGwapuhan at kakisigan Hahahaha :P
Lakad lang ako ng lakad ... ng biglang
"AAKKIII!!!!" tawag ng isang boses mula sa aking likuran.
"Ako ba tinatawag nun?" tanong at pag kausap ko sa aking sarili. Ang tungaw ko ee... kausapin daw ba ang sarili. Hehehee ^__^v.. at ayun nga, nilingon ko at tinanaw ko kung sino yung taong grabe kung sumigaw. Pag tingin ko , nakita ko si Brian, kasama nya sina Eriol at Cygee. Agad naman akong lumapit sa kanila at nag shake hands kaming apat, well our shake hands is different dahil may sarili kaming way ng pag she-shake hands na tanging kaming mag totropa lang ang gumawa .
(a/n: hi.. kayo ba may secret shake hands din ba kayo ng mga tropa nyo? Hahahaha kami kasi meron ... share langs ! ^__^v)
"Dre, mag kakaiba yung mga rooms at subjects natin, pero pare-pareho tayo ng schedules..!! Lupet nu??? Hahahaha" ang Masaya at galak na galak na sabi ni Brian
"Ganon ba? Hahaha ayus yun" sabi ko na parang wala lang
"Tol.. sang club or sports club kayo sasali?? Ako mag tatry out ako sa Basketball team ng school.. Lam nyo na..." sabi ni Cygee na mukang excited ng mag try out. Si Cygee Meer Olarte, isa sa tatlo kong pinaka matalik na kaybigan. Sya ang masasabi kong pinaka matalino saming lahat kasi masyado syang grade conscious, lagi nga syang may suot na eyeglass na wala namang grado, yung pang porma porma lang, pero kahit ganyan yan matinik parin yan sa mga babae.
"Ako din. Mag tatary out din ako sa Basketball" sabi ko. Kasi nga mahilig akong mag Basketball... actually lahat kami hilig ang sport na yun.
"Aba!!! Ako din hindi mag papahuli no!! Count me in!!!" ang masigla namang sabi ni Eriol habang may kinukuha sya sa kanyang bag, pag kakuha nya nung bagay na yun sa loob ng bag nya ay bahagya naman akong natawa. Hindi pa din talaga sya nag babago. Si Eriol Kayen Lee, sya ang pinaka makulet at masayahin sa grupo, sya rin yung tinuturing na bunso sa tropa kasi sya ang pinaka maliit, bale makakasing tangkad kami nila Brian at Cygee at sya naman is actually hanggang balikat ko lang. Hehehe Cute nga ee..
Nag labas ng marshmallows si Eriol at kinain yun. Mahilig din kasi syang kumain ng matatamis specially marshmallows. Nung mga bata pa nga kami sya ang pinaka malusog (mataba) saming apat pero habang tumatagal, yung mga taba nya ay nagawan naman nya ng paraan, hindi mo nga aakalain na uhm..... sya dati ee. Hahaha lagi kasi syang inaasar ni Brian noon.
"Hoy! Hoy! Hoy! Wag nyo kong kalimutan .. Sasali din ako jan!! Ako yata ang PINAKA MAGALING sating apat,!!! Hahaha!!" ang taas noo at tuwang tuwa na sabi ni Brian, at talagang inemphazise pa nya yung 'pinaka magaling'
Napapailing nalng ako sa mga pinagsasasabi ni Brian, pinag babato namn ni Eriol ng Marshmallow si Brian at si Cygee naman ay natatawa na lang din.
"Oh... Pano.. Kanya kanya muna tayo" sabi ko "Para mahanap ko na yung unang classroom ko" pahabol ko pa
"Sige mga Dre... Para makarami din ng mga chiks hahaha" si Brian, Baliw talaga, pero kahit ganyan yan, mabait at maasahang kaybigan yan. Brian Cross Euma, sya ang pinaka playboy saming apat, halos every week sya kung mag palit ng Girlfriend minsan sabay sabay pa, yung tipong walang sineseryoso sa buhay at laging masaya at nakangiti pero alam kong salikod ng mga ngiti at pag bibiro nyan sa buhay ay may mga bagay din na nag papaseryoso jan, sana lang ay matagpuan na nya yung bagay o tao na mag papatino sa kanya.
Barkada, party dito party doon, mga babae, alak, yan ang halos umiikot sa buhay naming apat pero hindi din kami nag papahuli sa academics. Aba nakakahiya naman na ang gagwapo at mapera nga wala namang utak diba.. hehehe :P
"Sira ka talaga Bri!! Mag bagong buhay kana Dre.." sabi namn ni Cygee na natatawa parin
"hahahaha... Oo na !! Oo na !!" sabi ni Brian
"Sige na, sibat na tayo.. kita kita nalang tayo sa cafeteria mamayang lunch" sabi ni Eriol na kumakain parin ng Mallows
"Gue mga Tol.. kita kita nalng mamayang lunch" ang pag ulet ko sa sinabi ni Eriol, at yun nga nag kanya kanya na kami ng way sa pag hahanap ng mga room namin.
Excited at medyo kinakabahan nga ako kasi eto na to!! College na talaga ko at panibagong buhay na to, kaya dapat maging maayos at maganda ang lahat sa unang araw ko ditto.
Babaguhin ko narin ang pagiging mailap sa iba at sisiguraduhin kong hindi ko pagsisisihan ang mga hakbang na gagawin ko sa mga susunod pa na araw, ieenjoy ko lang ang lahat.
"Sana..." Bulong ko sa sarili ko "Sana maging okay ang lahat."
>>>akirajhay
YOU ARE READING
SA HULING PAGKAKATAON (boyxboy)
Romance~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ pano nga ba?? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~