CHAPTER 2
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
AKI’S POV
Habang nag lalakad ako papunta sa college building ko, hindi ko maiwasang hindi mapagmasdan ang mga nadadaanan kong mga istudyante sa hallway. May mga nag kukumpulan at nag kekwentuhan, may mga magkakagrupo, may mga couples din na ginawang Luneta park yung mga hallway dito, meron ding mga nag sosolo na nag hahanap din siguro ng room nila.
Kinuha ko sa bag ko ang reg. card ko para tignan kung saang floor yung room ko. Nang makita ko na ito ay agad akong nag madali dahil 10 minutes nalang is mag istart na yung una kong subject.
“Kaasar” nasabi ko sa sarili ko.. nakakainis naman!! Unang araw ng class late kaagad ako kung hindi ako magmamadali at mahahanap yung room nay un. “Tsk.. Asan naba kasi yun??”
Haisst .. nasa 3rd floor pa yung room ko kaasar talaga…-__-#
Unang araw nababadtrip ako.. “Kalma ka lang Aki… kalma lang …” pag papakalma ko sa sarili ko.. I need to compose myself… Sa sobrang pag mamadali ko…
“BOGSHH!!”
May naka bangga akong bata.. Teka ??? BATA?? Bakit may bata sa University… at … Teka bakit parang ang inet ng katawan ko??? at bakit parang basa…??? Agad akong napatayo …
“WHAT THE F*CK!!! LOOK ..!! WHAT HAVE YOU DONE…?!!! “ ang galit kong bulyaw sa nakabangga ko. .. Hinawakan ko yung part ng damit ko na nabasa… at inamoy ito… ‘coffee’ … “Look !! kid .. hindi ko alam kung anong ginagawa ng isang batang katulad mo dito pero … PANO MO NGAYUN GAGAWAN NG PARAAN TONG UNIFORM KO!!! HUH..??!!! “ ang galit ko paring bulyaw sa bata na nasaharapan ko at nakayuko lang at hindi umiimik.. Tsk ,.. bwiset..!! unang araw, LATE! Natapunan ng COFFEE..!! Then what’s next … Great !!.. Gggrrrrr… the nerves..
“Ano?? Pipe ka ba ha?? Bakit hindi ka makapag salita jan?!! pano mo ngayun aayusin tong Uniform ko na tinapunan mo ng coffee huh??!!” ako… Bwisit hindi ako pinapansin ng isang to… humakbang ako papalapit sa kanya at bahagya syang nagulat pero hindi parin sya tumitingin sakin … Napataas ako ng kilay sa nagging reakyon nya.. Bwiset to ah… Sya na nga tong nakatapon ng coffee sya pa’tong…. Ugh… ‘Kalma lang Aki… Kalma lang … bata lang yan …” ang pag kausap ko sa sarili ko… humakbang ulet ako palapit sa kanya…
“S-so-sOr-SORRY PO..!!!” ang nauutal utal nyang sigaw sabay takbo palayo sakin.. nagulat naman ako sa ginawa nyang pagsigaw sabay takbo… Grabe kumukulo na talaga dugo ko ngayun… hindi na nga humingi ng sorry ng maayos nagawa pakong takbuhan… BWISET!!!
Wala na kong nagawa kundi ang tumuloy parin sa pag hahanap ng PUTEK na classroom nayan… Hinubad ko nalang yung polo ko at sinabi sa sarili ko na pagsisisihan ng bata nayun na binangga nya ko… Sigurado akong mag kikita pa kami nun, dahil nakita ko ang suot nyang uniform.., Istudyante din sya dito… Nung una nag taka ko, babae ba sya, haba kasi ng buhok nya, hanggang balikat, pero nakauniform sya ng panlalaki, anu yun rocker.?? Tsk..!! Wag lang talaga mag kukrus ang landas namin dahil talagang ipapakita ko kung gano ko kabully… Gagawin kong miserable ang buhay nya dito.
Aaminin ko na mabilis ding uminit ang ulo ko… Isang dilingkwente ang tingin sakin ng mga tao sa dati kong pinapasukang paaralan noong high school, kaya wala rin akong mga naging kaybigan bukod kina Brian, Cygee at Eriol, dahil sila lang ang nakakatagal sa totoong ugali ko … Lahat ng mga binubully ko nung high school ay tumitigil na sa pagpasok dahil sa takot at dahil yun sa akin… Hindi ko din alam kung kelan ako nag kaganito, dahil narin siguro sa pag kawala ng mom ko at pati nadin sa kulang na atensyon na binibigay ng dad ko. Simula kasi ng mamatay ang mom ko ay nawalan na ng oras si dad sa amin at puro nalang trabaho ang inaatupag, at kahit na binibigay nya kami ng mga materyal at maluluhong bagay ay sadyang kulang parin kaya siguro may pag katarantado ako… At ngayon ngang plano kung mag bago, ay parang may nag sasabi sa akin na para saan pa ang pag babago ko kung yung bagay na simple lang ay hindi ko naman makuha o makamit. Mas mabuti na siguro na maging mailap ako at matigas dahil sa paraang ito ay mas nagiging kontento ako… “Kuntento ka nga ba talaga?” tanong ng isang boses sa utak ko… “Kontento na nga ba talaga ko?” tanong ko sa sarili ko…
YOU ARE READING
SA HULING PAGKAKATAON (boyxboy)
Romance~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ pano nga ba?? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~