"Lucia! Lucia! Nasaan ka na ba? Alam mo bang nagugutom na ako! Bakit ba ang tagal tagal mong kumilos?! Kalandian 'yang inaatupag mo!" Sermon ni Tiya Andeng.
"Saglit lang po Tiya, kinukuha ko lang po yung gamot ninyo." Wika ni Lucia.
"Dalian mo Lucia! Kundi masasabunutan na kita." Galit na sabi ni Tiya Andeng.
Si Tiya Andeng na ang nagpalaki sakin simula noong namatay si Inay. Grade 3 ako noon nang inatake sa puso si Inay at dahil mahirap lang kami, wala kaming pera pampagamot kay Inay. Ang aking Itay naman puro bisyo ang gawain kaya iniwan nalang niya ako kay Tiya Andeng para magtrabaho bilang katulong sa kanila. Babaeng balo si Tiya Andeng at may dalawa siyang anak, sina Cholo at Tom. Mga tamad at walang balak sa buhay puro pasarap ang inaatupag kaysa mag-aral. Kaya naiinggit ako sa kanila dahil pinapaaral pa sila ni Tiya Andeng, samantalang ako naghihirap at nagtitiis sa mga pasakit sakin ng pamilyang ito. Wala naman akong magagawa kundi sumunod sa utos nila.
"Eto na po ang inyong pagkain at gamot ninyo Tiya." Wika ni Lucia.
"Hay, sa wakas naman Lucia at makakakain na ako. Napakatagal mong bata ka! Saan mo ba hinanap ang gamot ko ah?" Tanong ni Tiya Andeng.
"Hinanap ko na po sa kusina, sa function room at sa kwarto ninyo, wala doon yung gamot ninyo. Buti nalang at nakita ko po ang mga gamot ninyo sa may sala." Sagot ni Lucia.
"Ah ganoon ba? Maraming salamat Lucia. Pakitawag si Cholo sa kanyang kwarto." Sabi ni Tiya Andeng.
"Sige po Tiya." Sagot ni Lucia.
Umakyat si Lucia sa kwarto ni Cholo upang tawagin.
*Kumakatok si Lucia sa pintuan ng kwarto ni Cholo*
"Cholo! Cholo! Tinatawag ka ng iyong Ina sa may hapag-kainan." Wika ni Lucia.
*Inaantok na boses ni Cholo*
"Tinatamad pa ako bumangon Lucia. Maya nalang ako bababa kay Mama." Tugon ni Cholo.
"Magagalit si Tiya kapag hindi ka bumaba, yari na naman yun sakin. Sige na Cholo lumabas ka na rito." Sabi ni Lucia.
"Oo na!! Lalabas na ako. Kainis!" Pagalit na tugon ni Cholo.
Lumabas na si Cholo sa kanyang kwarto at sinamahan ko siya kay Tiya Andeng.
Si Poccholo ang bunsong anak ni Tiya Andeng. Ang pinakasuwail na anak at sobrang pilyo. Gwapo naman si Cholo, matangkad, maputi at may maayos na pangangatawan kaya lang Bad boy at matinik sa babae ito, palakol naman ang grado sa pag-aaral kaya nasesermonan siya ni Tiya Andeng kapag nakikita niya yung report card ni Cholo. Basketball hottie siya sa eskwelahan na pinapasukan niya kaya maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya. Siya ay nasa Grade 9 na at malapit na makapagtapos sa pag-aaral. Ewan ko nalang kung makapagtapos ito ng pag-aaral.
Bumaba na kami ni Cholo at pumunta na kay Tiya Andeng.
"Poccholo! Halika nga rito." Tawag ni Tiya Andeng kay Cholo.
"Ma, ano yon? Pinatawag mo pa ako kay Lucia imbis na natutulog pa ako, naistorbo niyo pagtulog ko." Sagot ni Cholo.
"Tumawag si Tita Marietta mo sa akin at may nalaman ako tungkol sa iyo. Nakita ka ng Tita Marietta mo sa mall may kasamang babae. Tuwing class hours kayo nandoon. Bakit ka na naman nagcutting class?" Wika ni Tiya Andeng.
"Huh. Ako nagcutting class? Sus. baka kamukha ko lang yung nakita ni Tita Marietta. Naniniwala kayo agad agad? Hay nako Mama!" Tugon ni Cholo.
Maraming beses na ginagawa ni Cholo ang pagcucutting class lalo na't kapag may kadate siyang babae sa ibang school dahil sa paglalaro niya ng basketball. Kapag namamalengke ako, nakikita ko si Cholo sa department store may akbay na babae sa balikat. Minsan nga sa park eh, nakikipaghalikan pa pero ibang babae naman. Lakas kasi ng karisma ni Cholo eh pero hindi ko siya tipo ng lalaki.
"Naninigurado lang ako sayo Cholo, ayoko lang kasi na hindi ka makagraduate on time at ayoko rin na ma-expelled ka sa eskwelahan na pinapasukan mo lalo na't puro warning na naririnig ko sa mga teachers mo. So please magpakatino ka, hindi para sa akin kundi sa pangarap mo." Wika ni Tiya Andeng.
"Osige Mama. Hindi ko na ulit gagawin yun. Basta yung sapatos na nirerequest ko sayo ah? Love you Mama!" Sabi ni Cholo.
*Sabay halik ni Cholo sa pisngi ni Tiya Andeng.*
"I love you too anak! Basta mag-aral ka nang mabuti" Sagot ni Tiya Andeng.
"Ang spoiled talaga ni Cholo kay Tiya. Masyadong abusado, hindi naman niya ginagawa mga request ni Tiya. Kainis!" Nasa-isip ni Lucia.
Bumalik na sa kanyang kwarto si Cholo.
Habang naghuhugas ng pinagkainan ni Tiya Andeng ay may nagpindot ng doorbell sa bahay.
*Kriiiiiiingggggg!!! Kriiiiiiiiiiingggggg!!!*

BINABASA MO ANG
Mahiwagang Balon
MaceraAng istoryang ito ay patungkol sa babaeng nagngangalang Lucia. Ang kanyang buhay at ang kalupitan sa kanya ni Tiya Andeng. Ang pagpunta niya sa Underground World sa pamamagitan ng isang mahiwagang balon at ang pagkrus ng landas ni Lem, namumuno sa U...