Babysitter NongNang

1K 33 2
                                    

Author's Note: Hi mga sibs! Di ako makapaniwala. Sipag ko mag-update ngayon. Nag-update ako dito, pati dun sa isa kong story. Hahaha. Lulubusin ko na, dahil malapit na ulit mag-start ang work. Anyway, sana po magustuhan niyo to. Comments are very much appreciated. Thank you very much! Go on and read. :)


Matapos ang Showtime, lahat ng mga hosts ay nakatambay sa lounge at kumakain sa pahanda ni Jugs. Nagkataon din namang andun si Yael dahil susunduin dapat si Karylle kaya nakihalubilo na lang din siya sa mga katrabaho ng kanyang asawa.

Napapasimangot na lamang si Karylle habang nakikinig sa binabanggit ng asawa tungkol sa OPM concert na matagal na nilang gustong mapanood. Napatigil naman si Yael sa pagsasalita ng nakita ang ekpresyon sa mukha ng asawa, "What's wrong misto? I thought you were looking forward to this concert."

"I was, but..." Karylle trailed off, turning and pointing to the toddler playing with the other hosts.

"Oh," Yael said in realization.

"We can get a babysitter naman for baby Anya e," Yael added.

"Hindi kasi pwede yung usual babysitter nya. Hindi rin naman pwede si Mama dahil may mga rehearsals siya," sabi ni Karylle.

"Tapos hindi rin pwede sina Ma dahil pa-out of town sila ni Dad," dagdag naman ni Yael.

"How about Zia or Coco?" tanong ni Yael.

"Hindi rin pwede e. Alam ko may gig si Coco, may DJ stuff siyang pupuntahan, tapos kasama nya si Zia dun," sagot naman ni Karylle.

"Ehem," biglang ubo ng papalapit na tao sa kanila. Napatingin naman ang mag-asawa sa kanya.

"Gusto niyo ako na lang magbantay," sabi ng taong lumapit sa kanila.

"Sure ka...Vice? Wala ka bang rampa?" patawang tanong ni Karylle sa kaibigan.

"Grabe ka naman, sure ako. Saka wala rin naman ako gagawin, may rampa dapat kasama ng mga bakla. Pero wag na lang, bantayan ko na lang si bagets," paliwanag ni Vice sa mag-asawa.

Nagtinginan naman ang mag-asawa at pumayag na rin sa suhestiyon ni Vice, na ikinangiti naman ng binata – na minsan ay dalaga.

"NongNang Bays!" sigaw ng isang batang babaeng kulot at tumalon sa mga bisig ni Vice. Napangiti naman ng todo si Vice sa bata bago bumaling ng tingin sa mag-asawa.

"Yakang-yaka kong bantayan tong inaanak ko noh, ako pa. Kabayo ata to, may horse power ako," patawang sabi ni Vice.

--------------

"Okay, baby," panimula ni Karylle at tumabi sa anak na nakaupo sa harap ng hapagkainan. Natawa naman ito ng makitang puro amos ang nasa mukha nito, pinunasan muna niya ito at tinuloy ang kanyang sinasabi.

"Lalabas muna kami ni Daddy mo ha," patuloy na salita ni Karylle.

"Sama ko?" tanong ng anak nito, na mukhang excited sa paglabas.

"Hindi muna baby," sagot ng ina na naging dahilan ng pagkalungkot ng bata, "but you get to spend your day with NongNang."

"NongNang Bays?!" biglang sigaw ng bata.

"Pwede kami punta sa pawk, tapos wawalo kami tagwuan?" excited na tanong naman ng bata sa ina na siyang ikinatawa ng ina.

"Itanong na lang natin yan kay NongNang mo," sabi ni Karylle.

"Dito na NongNang?" sabi ng tatlong-taong gulang, na hindi na mapakali sa sobrang pagka-excite.

"Wala---," pagsagot dapat ni Karylle ng biglang may pumutol sa kanya.

ViceRylle OneshotsWhere stories live. Discover now