Hanggang Kailan Aasa (Vice's POV)

624 18 0
                                    


Author's Note: Hi sibs! I know medyo delayed, but naging sobrang busy lang. So, eto na po yung POV ni Vice na sumusunod dun sa kanta nyang Hanggang Kailan Aasa. And I'll be honest, medyo mahaba po ito. But, sana magustuhan niyo pa rin. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Umasa kang sa'kin natagpuan

Pag-ibig na walang hanggang

Ang pagmamahalan

Hindi ko naipaglaban

"Hoy Karylle! Grabe ka, ang tagal mo na dito sa Showtime ha. Napupunta na yung atensyon ni cutie pie ko sa'yo. Sana maburado ka na ng madlang people," kunwaring pagtataray ko kay Karylle.

"Sorry Vice, wag kang mag-alala lalayo na ko kay Jhong. Joke lang naman yung samin e, sorry talaga," nahihiyang sambit ni Karylle sakin na ikinagulat ng ibang hosts na andito sa lounge ngayon.

Na marinig ko iyon, lumapit naman ako agad kay Karylle at yinakap ito at hinahalik-halikan sa pisngi, na ikinagulat naman ni Karylle.

"Grabe K, nagjo-joke lang naman ako dun. Naniwala ka naman agad," natatawang sabi ko, na nakayakap pa din kay Karylle.

"Joke mo yun?" nagtatakang tanong ni Karylle sakin.

Natawa naman ang lahat na ikinahiya naman ni Karylle sa akalang pinagtatawanan siya ng iba.

"Hoy! Wag niyong tinatawa-tawanan tong si K! Pektusan ko kayo e!" sabi ko.

"Hoy! Wakla! Hindi si K ang tinatawanan namin, ikaw! Ano, nag-backfire sa'yo plano mo ano? Hahaha. Kunwaring pa-tampo ka pa dyan, ayan tuloy naniwala si K!" singit ni Anne na natatawa pa din.

"Oo nga brad, haha, tandaan mo, hindi pa sanay si K sa mga paandar mong pa-tampo at jokes," dagdag ni Vhong sa usapan.

Nagtawanan naman lalo ang lahat dahil napapagka-isahan na ako, kaya nagkunwaring nagtatampo na lang ako sa kanila at lalong yumakap kay Karylle, at sinubsob pa ang mukha ko sa leeg niya.

"Teka lang, brad, diba bakla ka?" tanong bigla ni Vhong.

"Anong connect?" nagtatakang tanong ko.

"Kung makakapit ka kasi dyan kay Karylle, para kang tuko," sabi ni Vhong.

"E bakit ba, gusto kong yumakap kay Kurba e," sagot ko tapos inirapan si Vhong na ikinatawa ng huli.

"Kurba?" bulong na tanong ni Karylle, pero siguradong narinig din naman ng iba.

"Oo, kurba. Grabe kasi curves mo girl," sagot ko ng biglang sumingit na naman tong si Hipolito.

"Bet mo si K, ano brad?" pangising tanong ni Vhong sakin.

"Oo, bet na bet," sabi ko na ikinatili ni Anne at kinagulat ng iba lalo na ni Karylle. "Bet na bet ko yung kurba niya, yan ang gusto kong ma-achieve e," natatawang tapos ko dahil nakakatawa mga itsura nila.

Simula ng araw na iyon, medyo naging mahinahon ako sa pagjo-joke kay Karylle, masyado kasing pa-inosente pa, di pa kaya maka-ride sa mga kabalastugan ko, at kunwaring tampo moments ko. Pero di nagtagal, nagiging komportable na rin kami ni Karylle sa isa't isa. Lalo pa kami naging close ng dahil sa kissing scene namin sa Sine Mo 'To. Smack lang naman talaga siya, at naka-tape naman siya, pero iba pa din e. Nagkaroon pa nga kami ng fans dahil dun kaya mas naging close kami, kahit yung ibang mga hosts niloloko na kami na para na daw kaming magsyota sa sobrang pagka-close namin. Sa tawagan namin, na Pogi at Kurba, sa mga gala daw namin ng kaming dalawa lang, at kahit daw yung pagiging clingy ko ng sobra kay Kurba. Wala naman sakin lahat ng iyon, kasi ganun naman talaga ako pag nagkakaron ng close na friend na babae, kasi hindi ko nga siya magawa sa mga lalaki dahil magiging issue, kaya yung pagiging clingy at ganun ka-friendly nature ko, sa babae ko nagagawa ko. Pero sa pagiging friendly at clingy ko pala, hindi ko alam may nahulog na. Ang masama hindi ako yung nahulog, at isa pang masamang bagay, hindi ko nasalo ng ayos yung nahulog sakin.

ViceRylle OneshotsWhere stories live. Discover now