Sabi-Sabi

860 24 3
                                    

Author's Note: This is somehow an AU oneshot. That's all. Go on and read sibs.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Oh my god! Andyan na siya! Andyan na! May van ng dumating!" sigaw ng isang kulot na babaeng nakasalamin at hinahampas pa ang kaibigan.

"Aray ko naman Ana Karylle! Nakakasakit ka na ah," reklamo ng kaibigan dahil kanina pa talaga siya hinahampas at hinihigit sa kung saan-saan ng kaibigan.

"Eh cuziska naman kasi e, ang gwapo niya talaga oh! Grabe di ako makapaniwala na nakikita ko na siya ng ganito, na nalalanghap ko ang hangin na nilalanghap niya," sabi ni Karylle habang titig na titig sa may entablado.

"Makasabi ng langhap ng hangin, oy te, parehong ma-polusyon na hangin lang nilalanghap niyo ano," pambabara ng kasama ni Karylle.

"Tsk, eto naman si Iza, lagi ka na lang kontra e," sabi ni Karylle.

"Aba naman, sinong hindi kokontra sa nangyayari ngayon, ang sabi mo magpupunta tayo dito sa mall para mag-shopping. Yun naman pala, para makita lang yang idol mong hindi ata marunong mag-ahit ng balbas. Init na init na ko dito, puro pawis at tulak na rin nararamdaman ko ah," pagrereklamo pa muli ni Iza.

"Eeeeh, wag ka mag-alala, libre kita mamaya ng mais con yelo sa may malapit satin," ngiti na sabi ni Karylle.

Magsasalita pa sana muli si Iza ng biglang napuno ng hiyawan ang buong activity area ng mall sa pagdating ng isang lalaking sobrang matipuno ang ayos at tayo.

"VICERAAAAAL!"

"OH MY GOD! ANG GWAPO MO!"

"PANSININ MO KAMI VICERAL!"

"PAPUNAS NG PANYO. MASAYA NA KO KAHIT MAKUHA KO YUNG PAWIS MO!"

"I LOVE YOU VICERAAAAAL!"

Iilan lang yun sa mga sangkatutak na sigaw na namumutawi sa activity area. Halos magiba na nga ito at hindi na magkarinigan pa ang ibang nasigaw. Wala namang ginawa si Viceral kundi ngumiti sa nakikitang suporta sa kanya ng mga fans. Unti-unti namang tinanggal ni Viceral ang kanyang shades pagkatapos ay kumindat at ngumisi kaya't lalong nagwala ang mga tao.

"What's up!" sigaw nito na sinagot naman ng mas malakas na hiyawan ng audience.

Samantala, sa pwesto naman nila K at Iza, halos di nila makita ang tao sa entablado dahil sa mga nakaharang ng tarpaulin at kung anu-ano, kaya't kahit nahihirapan, pinipilit ni K na makasiksik pa rin kahit natatabig na siya ng mga tao. Nagpaiwan na lamang si Iza sa pwesto nila dahil sa totoo lang naman ay di niya gusto ang idol ng kaibigan. Naging mahirap man, halos malaki rin naman ang naiusod ni Karylle. Ngayon ay kitang kita na niya ang kanyang iniidolo. Titig na titig lamang siya dito habang kumakanta ito at nagtatalon. Nawala na lamang muli sa pagda-daydream si Karylle ng marinig niya ang sabay-sabay na sigawan ng mga tao.

"AKO VICERAL! AKO!!!!!"

Halos pare-parehong sigaw nila kaya't panay ang lingon ni Karylle sa paligid at akmang magtatanong pa sana siya sa katabi niya kung ano na ang nangyayari ng bigla siyang nasilaw sa spotlight na nakatapat sa kanya. Napapikit siya panandalian at tinapat na lamang ang kamay sa ilaw upang mabawasan ang pagkakasilaw. Pagkamulat niya nagulat na lamang siya ng mapansin na nasa harapan na niya ang iniidolo at nakalahad ang kamay na parang inaanyaya siya papunta sa may stage.

"Po?" takang tanong ni Karylle.

"Come on, join me here on stage," sabi na lamang ni Viceral.

Hindi man makapaniwala sa nangyayari, di pa rin pinalampas ni Karylle ang pagkakataon na makasama sa entablado at makalapit ng sobra sa idol nya. Inalalayan siya ng ibang marshall na naroon upang makaakyat. Pagkaakyat niya ay agad hinawakan ni Viceral ang kanyang kamay na ikinagulat niya at ikina-inggit ng ibang tao na naroon.

ViceRylle OneshotsWhere stories live. Discover now