"Kuya!" sigaw ni Hyzza sa kanyang kuya na si Haltz.
Pumunta si Hyzza sa kinaroroonan ng kuya niya na nasa sala na nanonood ng palabas.
"KUYA! DUMAAN NA YUNG BASURA!" sigaw ulit ni Hyzza sa kanyang kuya na tinignan lang siya.
TAKTE! Isnabero!
"KUYA! MANGANGAMOY YU---"
Hindi na natuloy si Hyzza ng biglang may lumanding na throw pillow sa mukha niya.
Nahulog ang unan sa kanyang paanan sinundan niya ito ng tingin at inangat niya ang kanyang tingin sa nagbato non. Nakita niya ang galit sa mukha ng kanyang nakakatandang kapatid na si Heyvine.
"DUMAAN PALA EH! BAKIT 'DI KA PA SUMAMA DUN HA!? ANG INGAY INGAY MONG BABAE KA! ALAS NWEBE PA LANG TUMATALAK KA NA! KAIMBYERNA!" sunod sunod na sabi ng kanyang Ate Heyvine.
Pumasok na sa loob ng kwarto si Heyvine. Samantalang si Hyzza naman ay binato ang kanyang kapatid na si Haltz ng unan na binato sa kanya ng kanyang Ate.
"Nasigawan pa ko ni Ate. Argh!" sabi niya sa mahinang boses saka iniwan si Haltz habang nanggigigil.
"Oh busangot mukha mo?" tanong ni Hyio isa pa sa nakakatandang kapatid na lalaki ni Hyzza.
Kumakain sila ngayong apat na magkakapatid sa kanilang munting hapagkainan. Nasa magkabilang dulo nakaupo si Heyvine at si Haltz nasa kanilang gilid naman si Hyzza at Hyio na silang magkaharap.
"Ang ingay ingay kasi kala mo nakalunok ng mikropono," sabat ni Heyvine.
Psh! Bahala ka magtalak mamaya kapag mangamoy yung basura na yon ha!
Sabi ni Hyzza sa kanyang isipan.Ang sungit ng panganay na to. May dalaw ata eh!
Sabi rin ni Hyio sa kanyang isipan.Siya nga tong maingay!
Sabi rin ni Haltz."Woi babaita!" tawag pansin ni Haltz kay Hyzza.
Ang magaling na si Hyzza hindi pinansin ang kanyang kuya.
Magdusa ka!
"Aba't lalakita ka na ba ha? At di ka na makaharap sa akin?" nakangisi na sabi ni Haltz sa kanyang kapatid.
"Maybe... yes?" nakakunot na noo na sabi ni Hyzza.
Sa sinabi niyang yon nakatanggap siya ng dalawang batok.
"BABAE KA HYZZA!" halatang galit ang kanyang dalawang magkapatid na si Haltz at Hyio sa kanya samantalang si Heyvine ay tila walang paki.
"Yrio, where's Yirza?" tanong ni Krystal sa kuya ng kanyang kaibigan na si Yrio.
Tinignan ni Yrio si Krystal saka iniwas ulit ang kanyang paningin kay Krystal.
"I don't know... di ako hanapan ng mga taong nawawala," sabi niya habang nakatuon ang mata sa kanyang cellphone.
"Ok thanks! Pakisabi na lang na pumunta ako rito," nakangiting sabi ni Krystal bago tumalikod.
Nang makaalis si Krystal niyakap ng mahigpit ni Yirza ang kanyang kuya na si Yrio.
"I owe you lot kuya!" masayang sabi niya habang nakayakap pa rin.
Inutusan kasi ni Yirza ang kanyang kapatid na sabihin kay Krystal na wala siya rito kaya lang itong magaling niyang Kuya nagmaldito kay Krystal. Iniiwasan ni Yirza ngayon si Krystal dahil sa nalaman niyang backstabber ito. Ayaw sa lahat ni Yirza ang ganun.
YOU ARE READING
She Waits! He Revenge!
Teen FictionHyzza ang name ni girl. Sa 'di inaasahan ang babaeng to ang makakapagpagulo sa love triangle nila Wyle, Haltz, at Yineia. Actually, hindi lang diyan. Nagulo niya rin ang buhay ng pamilyang Rivera(Wyle,Grow,Jipper), Santos(Haltz), at Jinx(Yineia,Yve...