5: Barbie Zani

21 3 0
                                    

(A/N: May flashbacks dito!❤)

GROW's P.O.V.

Kakauwi ko lang galing sa grocery store ni Tita Cassie.

Kapagod grabe! Pero ayos lang... nakita ko siya... nakausap pa.

Pagkapasok ko sa sala, nakarinig na ako ng talbog ng bola galing sa aming court na kadikit lang ng sala namin bale may labasan dito papuntang court ng bahay namin.

Si Kuya na naman yan!

"Andito na ang alaga ko!" masayang sabi ni Mama Rosa. Yaya ko siya.

Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik.

"Good Evening, Mama Rosa," sabi ko sabay halik sa noo niya.

"Magandang Gabi din, alaga ko," sabi niya habang sinisinghot ang damit ko. "Naku iho! Maligo ka na at amoy grocery ka na!" biro ni Mama Rosa kaya nagtawanan kami.

Gaya ng sabi ni Mama Rosa, naligo ako sa banyo ng kwarto ko saka bumaba ulit para kumain na ng hapunan at don ko nakita ang mga magulang ko.

"Good Evening Dad! Good Evening Mom!" bati ko sa dalawa saka nagmano. Nagfist bro naman kami ni Kuya Grew.

"Kain na tayo. I need to rest," sabi ni Dad.

"Let's pray muna, Dad," sabi ni Kuya at naglead na ito sa aming prayer. Matapos nun kumain na kami.

"Yeah Leche Flan!" hiyaw ni Kuya ng makita niya ang panghimagas namin ay Leche Flan.

I remember something... something that I will never forget... the day I met her... I'm just seven that time.

FLASHBACK:
(Third Person and Grow's P.O.V.)

Andito kami ngayon sa resort ni Tita Kristine. Summer ngayon kaya nagbakasyon kaming Rivera Family.

Nakakainis lang kasi kasama na naman yung Piper na yun. Ang daldal nun eh. Palibhasa babae! She's so annoying! Kahit pinsan ko siya di ko siya aatrasan!

"Nakakabanas! Nakakairita! Palibhasa lalaki eh!" dinig kong sigaw ng isang batang babae kaya nilingon ko ang gawi niya.

Nakatayo ang isang batang babae at nagtatapon ng bato sa beach. Nakasuot ito ng barbie na swimsuit.

"Cute kaya ako! Hindi ako panget! I hate him! I really hate him! Nakakainis siya!" patuloy pa rin na sigaw nung batang babae kaya naman nilapitan ko siya.

Kinalabit ko siya kaya nagulat siya na umabot pa sa puntong napaupo siya sa white sand kaya nabasa unti siya ng tubig.

"I hate you!" sigaw ng babae sa kanya.

Bakit niya ako hate!? Wala naman akong ginawang masama ah! Ayoko na nga rin sa kanya. Parehas lang sila ni Piper eh!

"Binasa mo yung barbie swim suit ko! I hate you!" sigaw nito na napaiyak pa.

Nataranta si Grow sa inasta ng bata kaya pinatahan niya ito.

Kahit bata pa ito si Grow ayaw niya ng may babaeng umiiyak kaya nga di niya napapaiyak si Piper eh.

"I'm sorry. Please stop," pakiusap na sabi ni Grow pero tumayo lang yung batang babae saka ito umiyak lalo.

Sa ginawa nito, hinalikan niya ang batang babae sa kanang pisngi.

Namula ang pisngi ng bata dahil sa gulat na ginawa ni Grow.

"LECHE FLAN KA!" sigaw nung bata saka inapakan ang kanang paa ni Grow at tumakbo na palayo kay Grow.

She Waits! He Revenge!Where stories live. Discover now