(A/N: Still Grow's P.O.V. and expect may Third Person's P.O.V. yan ah. ❤ Thanks for reading this story. 😘)
Maaga akong dumating sa grocery para na rin matapos ko lahat na ng gagawin ko. Uuwi kasi ako ng maaga sa bahay kasi magkakaroon ng family dinner ang Rivera Family so expected na kasama yung sila Wyle and his brothers, Jipper and his annoying sister, Pipper.
Pagkapasok ko sa grocery store lahat na ng karton ay pinasok ko sa truck. Ewan ko ba kung bakit ito ang naibigay sa akin na task ni Tita Cassie. Pero mas malala yung isa...
FLASHBACK
Pagkatapos kong alalahanin lahat ng magandang alaala ko kay Zani, umalis na ako sa Music Room saka pumunta sa aking kwarto ng biglang nagring ang phone ko.
Sino naman kaya 'to? Alas nwebe na eh.
Dinukot ni Grow ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang jersey short.
Tita Cassie's Calling...
<Hello? Tita Cassie>
>Grow, magandang gabi. Naistorbo ba kita?<
Natawa ng bahagya si Grow.
<Hindi naman po Tita. Ayos lang ho. Bakit po kayo napatawag?>
Narinig ni Grow ang pagbuntong hininga ni Cassandra. Nagpatuloy na lang sa paglalakad si Grow habang hinihintay ang pagsagot ni Cassandra sa tanong niya.
>Grow, may papagawa sana ako sayo kung pwede lang<
Nagtaka naman ang papasok na si Grow sa kanyang kwarto.
<Ano ho ba iyon, Tita Cassie?> tanong ni Grow saka humiga sa kanyang kama.
>Kung pwede tapusin mo na bukas yung last na task ko sa'yo para masamahan mo si Hyzza sa Workshop na pagmamanage ng Grocery Store sa Maynila.<
Bakit si Zani ang ipapaworkshop sa Managing The Supermarket? Bago pa lang siya. Paano yun? Kala ko ba si Kiko?
>Isa pa pala Grow, ikaw na ang bahala sa kanya magsabi sa workshop na iyon. Marami kasi akong inaasikaso ngayon eh. Kaya nga bukas di ako makakapasok pati na rin sa susunod na dalawang araw. Pwede ba Grow?<
Bakit ako!?
<Sige lang ho, Tita Cassie. Ako na pong bahala. Asikasuhin niyo na po yung mga dapat niyong asikasuhin>
Binaba na ni Cassandra ang telepono pagkatapos nitong magpasalamat at naiwan naman na nagtataka itong si Grow.
Bakit ikaw? Anong meron? Saka bakit ako? Bakit ako ang isasama sa'yo? Baka di ako makapagpigil... sa saya. Kailangan ko na atang matulog at baka di ko masabi sa kanya ang tungkol sa workshop. Papayag ka kaya? Sana... oo... para makasama kita.
Nakangiting natulog si Grow sa kanyang kama.
END OF FLASHBACK
Nakakaisang daan na akong karton na binuhat sa loob ng apat na truck pero di pa rin dumadating si Hyzza. Seven thirty eight na at wala pa siya. Pero sabagay alas otso pa ang pasok niya. Mahintay na lang.
Natapos na ni Grow lahat ng gawain pero di pa rin dumadating si Hyzza kaya naman pumasok ito sa grocery store.
Hindi pa sila nagbubukas dahil wala pa si Hyzza na siyang kailangan dun dahil siya ang kahera.
Umupo si Grow sa inuupuan ni Hyzza kapag nagtatrabaho na ito bilang kahera.
At dahil nga napaaga siya ng punta sa grocery store, nakulangan siya ng tulog kaya ayun bumagsak na ang kanyang mga mata.
YOU ARE READING
She Waits! He Revenge!
Novela JuvenilHyzza ang name ni girl. Sa 'di inaasahan ang babaeng to ang makakapagpagulo sa love triangle nila Wyle, Haltz, at Yineia. Actually, hindi lang diyan. Nagulo niya rin ang buhay ng pamilyang Rivera(Wyle,Grow,Jipper), Santos(Haltz), at Jinx(Yineia,Yve...
