Ken Wee? Oh shemaylu! Naalala niya!?
Ani ni Hyzza sa kanyang isipan.Lumayo si Hyzza kay Grow. Pumunta siya sa mga junkfoods stall na katapat lang ng cashier counter.
Kunwaring inaayos ni Hyzza ang mga junkfoods kahit nakaayos naman ang mga ito.
"Bakit mo pa iyan inaayos? Naayos na yan ah!" sabi ni Grow saka lumapit kay Hyzza.
Nakatayo lang siya sa likod ni Hyzza kaya naman ramdam din ni Hyzza si Grow.
Lumayo ka sa'kin please! Kinakain ako ng kahihiyan ko eh!
"A...ah? Tinitignan ko mga p-res...presyo n-ila," sabi ni Hyzza na nanginginig pa.
"What!?" nalilitong sabi ni Grow saka lumakad papunta sa kaliwang gilid ni Hyzza at hinarang don ang kaliwa niyang kamay.
Anong wina-what what mo riyan! Vitamin ka!
"Sa pagkakaalam ko..." sabi ni Grow saka tumingin sa mga nakadikit na presyo ng mga junkfoods sa stall. "Nakadikit ang mga presyo nitong mga junkfoods na 'to sa stall. At ito sila," sabi pa niya saka tinuro ang kaharap lang ni Hyzza at ni Grow na mga presyo. "Hindi sila nakadikit sa junkfoods kaya wala ka talagang mababasa don," nakangisi niyang sabi. "Unless hindi talaga yun ang pakay mo sa junkfoods?" nakataas babang kilay na sabi ni Grow.
Takte! Pinapahiya mo kong Ken Wee ka ah! Este Growee! I mean GROW!
"Hoy!" sabi ni Hyzza saka dinuro si Grow.
Tinaas lang lalo ni Grow ang kanyang kilay.
"What?"
"Argh! Kanina mo pa ko WINA-WHAT WHAT! Manahimik ka na lang! Wala kang paki kung hindi presyo tinitignan ko! Kasi hindi naman talaga presyo tinitignan ko! Yung...yung..." naputol si Hyzza sa kanyang sasabihin dahil hindi niya alam yung right term ng sasabihin niya.
Ano nga yung tawag dun sa best buy before?... En...enspire ba?...Mali eh!...Ex?...expire? Ah ayun! Ex---
"Expiration Date ba?" tanong ni Grow.
Sabi ko nga ayun yun! Naunahan pa ko.
Tumango na lang si Hyzza saka umalis kaso bigla siyang hinila pabalik ni Grow ngunit sa di inaasahang pangyayari nadulas si Hyzza sa pagkabigla at nahulog siya kasama si Grow.
Nakapangibabaw ngayon sa kanya si Grow. Ramdam na ramdam niya ang hininga ni Grow. Matagal rin sila sa pwesto na yun. Nakatitig lang sila sa isa't-isa.
Bakit parang ang laki ng pinagbago mo Ken Wee ka! Hindi ka na tulad noon na sobrang lukot ng mukha! Kanino ba lumulukot mukha mo!? Pakialam ko ba!
Nung una kitang nakita umiiyak ka. Buti naman nagimprove! Nakatitig ka na ngayon sa akin eh. How cute Zani!
Natigil lang ang kanilang titigan na parang staring contest ng mahulog ang mga junkfood sa stall na iyon.
Sa pagmamadali kasi ni Grow kanina para saluhin si Hyzza nahila niya unti ang bakal sa stall ng junkfood na kinakapitan niya ng di sinasadya kaya ayun ang resulta.
Nagtawanan sila sa pangyayari.
Buti naman nahulog ka! Save by the junkfoods.
Panira! Ayun na yun eh!
YIRZA's P.O.V.
Sunday ngayon at eto kami ni Kuya Yvex, Ate Yineia, at Kuya Yrio pupunta ng simbahan.

YOU ARE READING
She Waits! He Revenge!
Ficțiune adolescențiHyzza ang name ni girl. Sa 'di inaasahan ang babaeng to ang makakapagpagulo sa love triangle nila Wyle, Haltz, at Yineia. Actually, hindi lang diyan. Nagulo niya rin ang buhay ng pamilyang Rivera(Wyle,Grow,Jipper), Santos(Haltz), at Jinx(Yineia,Yve...