8: Caller Ken Wee

16 2 0
                                    

"KAIBIGAN!" sigaw ni Celine kay Hyzza ng makita niya itong papasok sa room nila.

Nakangiti naman siyang kinawayan ni Hyzza. Nagyakapan ang dalawa at nagbeso-han.

"Kaibigan, namiss kita!" sabi ng nakangiting si Celine.

"Kinilig naman ako, Kaibigan!" sabi naman ni Hyzza saka sila nag-apir.

Naglayo agad ang landas ng dalawa dahil sa inanunsyo na absent daw ang kanilang professor. Si Celine ay pumunta sa kanyang nakakabatang kapatid na Grade 7 na samantalang si Hyzza ay pumunta sa Principal's Office.

Humanda ka ngayon sa'kin PRINCIE ka!

Mabilis na naglalakad si Hyzza ngunit napahinto siya ng marinig niya ang...

...kanyang boses.

Ba...bakit!? Bakit sa l--lo--loob p-pa?

Pinakinggan niya lang ang kanyang boses pero di nagtagal, may tumulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Agad niya yun pinunasan saka tumakbo papunta sa rooftop.

Umupo kaagad si Hyzza sa pinakasulok ng rooftop at dun umiyak ng umiyak.





























YRIO's P.O.V.

Naglalakad ako ngayon sa hallway kasabay ang magaling kong kapatid na si Yirza.

"Kuya! Diba kilala mo si Ate Ashtiga? You told me pa nga na you helped her," sabi ni Yirza habang nilalaro-laro ang buhok niya.

Psh! Ang babaitang iyon!? Ayoko na yun makita no! Mabansagan pa ako ulit eh!

"Yeah!" nasabi ko na lang.

Di na rin siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Pupunta kasi kami kay Kuya Yvex. Vacant time ko ngayon pati na rin to si Yirza.

Malapit na sana kami sa principal's office ng makita ko ang lumuluhang si Hyzza. Napahinto ako at ganun din si Yirza.

"K-kuya...A-ano-anong nang-yay---yari kay Ate Ash...Asht--tiga?" pautal-utal at paputol-putol na sabi ni Yirza.

Hindi ko siya sinagot at patuloy pa rin ako sa pagtingin kay Hyzza.

Gusto ko siyang lapitan...pero parang bawal?

Nanatili kami don ng ilang segundo hangga't sa tumakbo siya. Panigurado akong wala siyang nakikita ng maayos dahil nilagpasan niya kami. Nilagpasan niya lang ang bawat estudyante na nadadaraanan niya.

Isa lang ang pwede mong puntahan... nakakasiguro akong sa rooftop lang iyan.

END OF P.O.V.

























HYIO's P.O.V.

"Hyio! Asan na!? Bilis!" sigaw sa akin ni Peter.

Upakan ko 'to eh! Nagmamadali ang p*ta!

Nandito kami ngayon sa corridor. Vacant namin kaya itong si Peter ay hinihingi sa akin yung record ni Hyzza.

Kung hindi lang talaga para to sa baon ni Hyzza di ko to gagawin!

"Maghintay kang Tinker Bell ka!" inis kong sabi saka nilabas ang cellphone sa bulsa ko.

"Patugtog mo muna bago mo ipasa sa akin para sure na di mo ko niloloko, itesting muna natin," sabi niya saka kumindat.

"Bakla ka!" sabi ko saka sinuntok kunwari ang balikat niya.

Gaya nga ng sabi niya pinatugtog ko ang record na kinanta ni Hyzza. Kahit ilang beses ko pa narinig ang boses niya, ni minsan di ako nagsawang pakinggan siya.

She Waits! He Revenge!Where stories live. Discover now