WOW! Ang laki ng grocery store na to.
Nililibot ng paningin ni Hyzza ang kabuuan ng grocery store na pinasukan nila.
"Magandang hapon sa Auntie kong maganda!" bati ni Yrio sa kanyang Auntie Cassandra.
Niyakap ni Cassandra si Yrio, "Naku iho! Binola mo na naman ako!" natatawang sambit ni Cassandra saka kumalas sa yakap ni Yrio.
Nagtataka si Hyzza sa kanyang nakita kaya naman tumikhim ito. Napatingin si Yrio at Cassandra sa gawi ni Hyzza.
"Iho, nobya mo ba ito? Kay gandang dalaga!" sabi ni Cassandra na nginitian pa si Hyzza.
Ganda ko raw! Bleh!
Si Auntie naman yung nambobola eh!-_-
"Ahh... Auntie siya si?"
Takte! Di ko nga pala alam pangalan ng babaita na to!
"Hyzza Jyna Tolentino po," sabi ni Hyzza na naglahad pa ng kamay sa Auntie ni Yrio.
"Kay ganda ng pangalan," ngiting sambit ulit ni Cassandra.
Yan! Yan yung hindi bola!
"Iho, naparito ka?" tanong ni Cassandra.
Oo nga bat andito kami ng riding in single na to!
"Ahh... Auntie... Diba need mo ng cashier sa grocery store mo na to?"
"Oo, iho. Bakit?"
"Kasi po si Zey... iaapply ko po rito. Kailangan niya raw po kasi ng pera," pagpapaliwanag ni Yrio.
Woi! Hyzza pangalan ko! Kinulangan mo ng Hi!
"Ikaw talaga iho. Hinanapan mo talaga ako. Yung nobya mo pa talaga," tumatawang sabi ulit ni Cassandra.
Kanina pa yang nobya na yan ha! Asa naman tong maging nobya niya ko!
"Naku po Auntie! Hindi niya po ako nobya!" iiling na sabi ni Hyzza. "Saka po ako po yung humingi ng tulong sa kanya. Not he, Not his, Not him, po."
Takte! Ano bang tamang gamitin!? He? His? Him?
Nakiki-Auntie!
Tila naguluhan ang magtiya. Tumawa na lang si Cassnadra saka niya inaya ang dalawa sa munti niyang office dun.
Habang naglalakad siniko ni Hyzza si Yrio. Magkasabay kasi sila samantalang ang Auntie Cassnadra ni Yrio ay nauna.
"What?" maangas na sabi ni Yrio.
"Dito na ba ako magtatrabaho, Kuya Job Hire?" tanong ni Hyzza.
Apat na ah! Apat na pangalan ko!
"Will you please stop calling me in different pet names?"
"I'm not calling you in pet names. You are deaf Kuya Job Hire. Did you hear sometimes? somewhere? someday? something? somebody? someone? Me call you cat? dog? meow? arf?"
Napahawak na lang si Yrio sa noo niya.
Pambihira boy! High school na ba talaga to!
"Yeah whatever you say. I'm Yrio. Ang pangalan ko ay Yrio at hindi Manong, Kuyang Estudyante, Riding in Single, at Kuya Job Hire. Call me Yrio," sabi ni Yrio.
"Ahh okay! Parang OREO!" pang-aasar ni Hyzza.
Hayst! Nasabi ko na lahat ng pangalan ko, may pangalan pa rin ako. Seriously?

YOU ARE READING
She Waits! He Revenge!
Teen FictionHyzza ang name ni girl. Sa 'di inaasahan ang babaeng to ang makakapagpagulo sa love triangle nila Wyle, Haltz, at Yineia. Actually, hindi lang diyan. Nagulo niya rin ang buhay ng pamilyang Rivera(Wyle,Grow,Jipper), Santos(Haltz), at Jinx(Yineia,Yve...