10: Clumsy

15 2 0
                                    

HYZZA's P.O.V.

D*MN HIM! D*MN HIM!

Kainis siya! Ansaya ko na nga kanina biglang mapapalitan ng ganitong emotions!

Naiinis ako! Ay hindi nababadtrip ako!

Kabanas siya! Takte lang!

FLASHBACK:

Tinawag ko siya na Kuya Wyle kasi yun yung tawag sa kanya ni Oreo nung una. Baka kasi mas matanda naman talaga to kaya tinawag ko siyang Kuya Wyle.

"Don't call me Kuya! I don't have a sister!" masungit pa rin na sabi sa akin nitong Ate Wyle na to.

"Daming arte! Ate Wyle!" sabi ko na lang.

Hays! Pasalamat na lang ako at damo ang pinagbagsakan ko at hindi semento. Kung hindi naku naku naku!

Nasa park kami ngayon malapit dun sa bahay. Dito ako nahulog kasama ni Ate Wyle.

"THE F*CK! ATE WYLE!? WHO'S THAT!?" sigaw niya ulit sa akin.

Kanina pa siya sa dapak ah! Madapaka sana!

"IKAW!" sigaw ko rin sa kanya. Akala niya magpapatalo ako!?

DUH!

"Tss! Crazy!" sabi niya saka tumayo at naghubad ng jacket.

W-wait. Wh-what!? Naghuhubad siya. O_o The F!
Hinubad niya yung jacket saka...

SAKA NIYA BINATO SA MUKHA KO.

"ARGH!" inis na sigaw ko at akmang tatanggalin sa mukha ko yung jacket ng biglang naramdaman ang...

Apat na...?

Apat na paa?

"AW! AW! AW! AW!"

WAAAAAAAAAAAAAAAAAH! PAANONG NAPUNTA SA IBABAW KO ANG ASO!

END OF FLASHBACK

Oh diba? diba? Kainis lang!

Dire-diretso na kong pumasok sa bahay. Wala ng katok katok.

Salamat wala pa si Ate. Maya-maya pa uwi nun ata mga alas syete ng gabi.

Papasok sana ako sa kwarto ko ng madaanan ko ang isang kwarto.

Dati ko pa yang hindi nabubuksan ayaw akong papasukin nila Ate at Kuya diyan kaya ngayon wala sila sa bahay, papasukin ko. Kaso may pumigil sa kamay ko ng pipihitin ko na sana yung door knob.

"Diba sabi namin wag kang pumasok diyan. What are you doing?" sabi ni Kuya Haltz.

Siya ang pumigil sa akin. Kala ko pa naman wala ng asungot sa bahay meron pa pala. Kainis amp!

"Oo na PO! Mag-iimpake na PO ako KUYA! Aalis na PO ako para sa WORKSHOP!" sabi ko saka tumalikod.

"Mag-iingat ka dun... kung hindi... lagot ka sa'min ng kuya mo!... pati na rin s-si... a-"

"Hindi. Ako. Mag-aalala. Sa. Kanya. Pwede. Na. Siyang. Umalis. Kahit. Ngayon. Pa." madiin na sabi ni Ate Heyvine na siyang nakapagputol sa sinabi ni Kuya Haltz.

Napaaga ata si... Ate.

Masakit. Pero handa akong maghintay sa araw na tanggap na niya ako.

























She Waits! He Revenge!Where stories live. Discover now