9: Kuya Wyle

12 3 0
                                    

HYZZA's P.O.V.

Nagising ako dahil sa mumunting ingay. Pagkadilat ng mata ko naaninag ko si Oreo at yung kapatid niya ata na nagtatalo.

"Iniwan mo ko dun, Kuya! Bad ka!" sabi nung maliit na babae.

"Psh! Kaya mo naman yun eh!" masungit na sabi ni Oreo.

Itong OREO na to! Naku! Naku! Naku! Ansungit talaga kahit kailan eh! Psh! Sungitero!

"Crush mo lang ata si Ate Ashtiga kaya ganun ka na lang makapagreact!" sabi nung batang maliit na nagpaubo sa aming dalawa ni Oreo.

"G-gising k-ka!?" gulat na sabi sa'kin nung babeng maliit.

Pambihira! Gaano ba kaliit ang mata ko para di nila makita na nakadilat ako!? Nakakainsulto amp!╰_╯

"Ahh...oo eh?" nahihiyang sabi ko.

Asan ba kasi ako? Bat ang lambot ng kama na hinihigaan ko!? Yung kama ko lang naman is sobrang liit bakit lumaki to!? Yumaman ba si Ate Heyvine? At naghirap sila Oreo at nandito sila sa malamansyon kong kwarto? Bat ba ang daldal ko!?>o<

"Hi! Ate Ashtiga!" bati sakin nung babaeng maliit at kinawayan pa ako. Grabe na talaga! Ang cute nung mata niya sobrang singkit! Katulad na katulad nung akin kapag ngumingiti ako, nanliliit talaga.

Pero ano raw? Ate Ashtiga!? What the hell!

"Kamusta ka na, Ate Ashtiga? Maayos na ba lagay mo? Andito ka nga pala sa guest room namin, Ate Ashtiga. Baka kasi magtaka ka eh," sabi ulit niya saka umupo sa gilid ng kama na hinihigaan ko.

Nasa guest room nila ako? Aww. Kala ko yumaman na talaga kami.

Napapout ako sa iniisip ko na siya namang kinadada ni Oreo.

"Stop that thing. You're not cute in that look. Tss," sabi niya.

WAG MO NA LANG KASING TIGNAN!

"Kuya you're so mean!" saway sa kanya nung maliit na babae.

Panay ako maliit na babae di ko man lang magawa tanungin name niya.

"YIRZA! YRIO! ANDIYAN DAW KAYO SA GUEST ROOM!" dinig naming sigaw ng tao ata.

"Psh! Bayaan mo yun, Ate Ashtiga. Ako nga pala si--"

"YIRZA!---"

Naputol ang sasabihin nung maliit na babae yung pangalan niya dahil biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito ang isang napakagandang babae. Nagtaka rin ako kung bakit siya naputol sa sinabi niya ng madako ang kanyang mga paningin sa akin.

Siguro nashock lang dahil ibang tao ako.

"Ate! Siya si Ate Ashtiga! Yung kinukwento ko sa'yo! Siya yung tinulungan ni Kuya Yrio na si Ate Hyzza Jyna Tolentino!" masayang sabi ni Yirza na lumapit pa sa ate niya at niyakap ito sa tagiliran nito.

Kanina sabi niya bayaan daw yan! Paiba-iba naman siya.

"Y--yz--yzzane"

Yzzane what?

END OF P.O.V.




























HALTZ's P.O.V.

"Asan si Hyzza, Celine?" tanong ko sa kaibigan ni Hyzza.

Ilang minuto na rin kasi bago natapos ang kanilang last subject at wala pa akong nakikitang Hyzza sa room namin.

She Waits! He Revenge!Where stories live. Discover now