K.H 12

246 2 0
                                    


Skyla POV

Sa condo ako ni Papa H na tumutuloy, gusto niya mag live in na daw kami e.

Flash Back

Tanghaling tapat niyaya niya ako. Aalis daw kami

Hanggang sa Makita ko na papunta kami sa bahay. Sa una akala ko sa abandon house sa malapit saamin kami pupunta pero hindi.

Pumunta siya sa bahay and he talk to Mama

"Ma'am gusto ko pong mag paalam sana sainyo. I want Sky to live in my condo mula ngayon. "

"hijo.. hindi pa kayo kasal. Alam mo naman ang mga tao ngayon mga mapang husga"

"don't worry po. Ill marry her soon. Just let her live with me."

Nabigla ako kasi akala ko mag papakilala lang siya then suddenly ayun ibabahay na pala ako.

Balak pa yata akong araw-arawin..

End of Flash back

Maayos naman ang set up namin. Kaso sa gabi ayun nag hahasik ng lagim ang bakulaw.

Hindi siya magpapatulog habang hindi mo napupunan ang gusto niya.

"Mama H. I'll be gone for a week, ikaw muna bahala dito"

"saan ka pupunta?"

"Palawan. Im meeting an investor out there."

"mamimiss kita papa H."

"Me too.."

Hayy naku. Ang lungkot pala ng buhay pag wala si Papa H.

Kaya buong araw nag shopping nalang ako. Pero hindi naman mga mamahalin ang binili ko. Kahit binigyan ako ng isang ATM niya.

I visited Nanay Esme also namimiss ko agad sila e.

Tapos nag gala kami ni Bess ang tagal na nga naming hindi nakakapag bonding e.

Tapos bukas tatambay kami sa auto shop nila Vernon. Namimiss narin ako ng kumag na yun.

Pero sa pag dating ng gabi laging namimiss ko si Kit.

Iba talaga ang kamandag nun e.

Morning came..

Pero nahihilo ako.

*bwarrrk*

Napasama yata ang tiyan ko.

Pero nahinto rin naman ang pag susuka.

Nag text narin si Bess na nasa baba na siya.

"Grabe.. akalain mo mukhang donya ka na ngayon bess" panunukso sakin ni Lani

"Anu ka ba bess ako parin ito nu. Para kang tanga hahaha"

"Basta pag kinasal kayo balato ko ha.."

"Anu ako nanalo sa lotto para humingi ka ng balato?"

"Sa subrang yaman ba naman at hot ng jowa mo e parang nanalo ka narin sa lotto niyan"

"ay ewan ko sayo. Tara ayan na ang taxi oh"

Nakarating kami sa Auto shop nila Vernon. Wala paring pinagbago..

"Ganda mo ngayon Sky a"

"Ngayon lang?"

"Syempre palagi... hahaha"

"Panu ba hindi gaganda yan Ver e sa subrang yaman ng jowa"

"Inggit ka naman taba?"

"Inggit mo mukha mo.."

"Asus. Umamin ka na nga.. andito naman ako kahit di ako mayaman.. gwapo naman. Bawing bawi diba hahaha"

"yuck mandiri ka nga Vernon!!"

Itong dalawa talagang ito. Hindi na ako mag tataka kung sa near future sila rin ang magkakatuluyan.

Buong maghapun nag kwentuhan,asaran at kumain ng kumain lang kami. Ewan ko ba pero napapasarap ang kain ko hahaha.

Kaso kanina pa ko nakakaramdam ng antok. Tapos iba ang pakiramdam ko.

Then..

*everything is black*

Nagising nalang ako sa isang hindi familiar na lugar.

"bess buti at gising ka na.."

"anu nangyari?"

"nahimatay ka lang naman...akala naming nagkatulog ka lang pero hindi"

"Anung sabi ng Doctor?"

"Hindi ko pa alam bess e."

Then suddenly pumasok yung doctor..

"Doc, may sakit po ba ako?"

"Well, Ms. Albert wala naman, but i have a good news for you.."

"Anu po yun.."

"You are 2 weeks pregnant congratulations"

w-what?!! Ako buntis?!

"OMG~ NINang na ako bess!!"

Handa na ba kami dito? Lalo na si Papa H.

c_

Henderson Series :Kit HendersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon