K.H S2-1

259 1 0
                                    

Skyla POV

"Hubby.. okay na ba itong suot ko?"

"Wife, kahit anung suot mo maganda ka naman e"

"Sus. Bolero.."

"Ayaw maniwala. Tanungin mo pa yang mga anak natin"

"Mommy your beautiful" sabay pa ang mga anak nila

"See.." ngisi ng asawa ko.

We will be attending an Event kasi, syempre kasama ang mga bata.

Nakarating sila sa sasakyan at masayang bumyahe.

-Angel's Charity Event"

Isang malaking poster ang bumungad saamin.

"Anak.. wag kayo magulo dyan ha. Behave"

"Yes Mom" sabay pa

Akay akay ko ang mga bata papasok ng Hall.

Nag simula ang event sa speech at doon pinakilala ang mga sponsors and blahblah

Actually.. Kaya sila nandito kasi gusto ng asawa niyang tulungan ang mga batang may Heart Disease, He will be giving them a free service.

Ganun ito kabait..

"Doctor Angelo Fuentes? Im glad your here!" tawag sa kanyang asawa

"Mr. James? Nice to see you here. Ahmm lets to over there.. Wife i'll be back okay"

Tumango nalang ako.

Nalala ko pa kung panu kami nag kakilala Nung panahong wala akong mapuntahan nag kita kami sa mall at doon sinabi niya na..

"Still for Claim pa ba yung pag libre mo saakin Ms. Albert?"

Napangiti ako noon.

Kumain kami sa Jollibee. Hindi siya yung lalaking mahangin, masarap nga siyang kasama e. Naikwento ko rin sakanya ang nangyari saakin kaya nag offer siyang doon muna raw ako sa place hindi ako pumayag pero makulit siya kaya wala akong nagawa.

Bilang kabayaran sa kabaitan niya tumutulong ako sa Heart Clinic niya.

Siya ang nagging savior ko sa mga panahong hirap na hirap ako.. dahil sakanya may instant Daddy ang anak ko ngayon.

I am the happiest woman noong kinasal ako sakanya..

He did'nt care about my past. Tinanggap niya ako ng buong-buo kami ng anak ko.

"Wife! Halika!" napukaw naman ang pag babalik tanaw ko dahil tinawag ako ni Hubby.

"Hubby.. bakit?"

"Well, i want you to meet Mr. James and Mr. Bond.. they are my friends"

Nakipag kamay naman ako at saka inasikaso ang mga bata saaking tabi.

"Mommy.. punta lang kami dun a" paalam saakin ni Marco

"Just be careful. Don't cause any trouble okay?"

"Yes Mom" sabay nanaman na wika ng mga ito.

Nag simula ang ilang mga activities sa event may mga nag perform at may nag pa games rin.

Yung mga batang may sakit alam ko Masaya sila ngayon.. sana malagpasan nila ang sakit na meron sila ngayon. Sana matulungan sila ni Angelo..

"Doctor Fuentes right?" tawag nung babae na nagmumula sa likuran ko.

May kung anung magnet na nag papalingon saakin..

Then i saw him..

Ang taong naging dahilan ng sakit sa aking nakaraan..

"K-kit..."

They gasp.

Kasama ngayon ni Kit si Angelie na siya palang tumawag sa asawa ko.. pati narin sila Calvin at Joseph ay naririto rin nag lalakihan ang mga mata ng Makita ako.

*gulp*

"Yes? Do you need something from me miss..." wika ng asawa ko

"Well.. i want to talk to you. Can i?" wika ni Angelie

Si Kit naman ay nakatitig saakin na conscious naman ako.

"*Ehem* halika Kit upo tayo dito o" wika ni Joseph

"Anung maipaglilingkod ko sainyo?" tanung ni Angelo sa mga ito.

"Well.. my son has a Heart Disease.. i need your help please.." panimula ni Angelie

Ngayon ko lang siya nakitang mag makaawa.

And her s-son? Y-yung anak nila ni Kit... diba?

"I will do my best about it. Bring him to this address and i will check him up" pahayag ni Angelo

"Thank you.."

"S-sky.. A-anung ginagawa mo dito?" tanung ni Kit

Napatingin naman si Hubby saamin na parang nag tatanung.

Hindi niya nga pala kilala sa personal si Kit..

"Well.. she's my wife Mister?"

"Kit.. Kit Henderson.." pahayag ni Kit

"Oh. Okay. Do you know my wife?" tanung ni hubby

"Well.."

"Hubby.. sakanya ako nag tatrabaho dati"

"Ganun ba. Its nice meeting you Mr. Henderson.. by the way.. those are our son's"

Turo ni Hubby sa mga anak namin na busy sa paglalaro sa ibang bata

"O-okay.."

"Aalis narin kami Doctor Fuentes.. bye" paalam ni Angelie at hinila niya si Kit

Kit POV

Nakita ko na siya.

Kaya siguro hindi siya mahanap ng tauhan ko ay dahil nag palit siya ng apelyido na.

D*MN asawa niya ang Doctor nay un?! Mas gwapo naman ako dun e. Anu kayang nagustuhan niya dun. Tss

"Tol! Dahan dahan sa pag inom hahaha. Marami pa sa bar counter easy" pang aasar ni Calvin

"Calv, ikaw ba naman Makita mong hindi inaasahan yung taong hinanap mo ng matagal tapos may asawa't mga anak na pala!" Pang aasar ni Joseph

"D*MN YOU JOSEPH!! Mga anak ko yun!!" sigaw ko

Im sure mga anak ko yun.

Mag kasing edad sila ni Caleb. Hindi naman pwedeng mabuntis agad si Sky saka umalis siyang buntis kaya maaring akin sila. Twins for sure..


"Bakit dalawa?" tanung ni Joseph

"Maybe Triplets kaya dalawa sila! Tss" wika ni Calvin

"Hala! Nag joke hahaha benta tol. Oh limang peso para sa joke mo" tawang tawang wika ni Joseph

Kahit kelan talaga sakit sa ulo ang dalawang ito..

Makaalis na nga.

ps://Ⱦ.

Henderson Series :Kit HendersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon