LUMABAS na si Charlie ng bahay at binuksan ang front passenger door ng kotse ni Stephen. Laking gulat niya ng may babae nang nakaupo dito.
"Good morning, Charlie! I hope you don't mind na sasabay ako."
Nakatingin naman si Stephen kay Charlie ng may pag-aalala.
"Uhm, sure." Charlie slowly replied. Binuksan nito ang pinto sa likod at sumakay.
" Ako pa talaga ang naichepwera ngayon at naging third wheel?", inis na isip ni Charlie habang wala naman itong magawa.
Tahimik ngayon ang biyahe nila papuntang school. Walang asaran, hindi gaya ng nakagawian pag silang dalawa lang ni Stephen.
"By the way Stephen, may game kayo tomorrow, right?" Bea broke the silence.
"Yes, 4pm."
"Pwede bang manood ng game niyo?" Tanong ni Bea.
Si Charlie naman ay kunwari na lamang nagcecellphone para hindi mahalata na apektado siya.
"Ano'ng nginingiti-ngiti mo jan?" Nakakunot na noo na tingin ni Stephen kay Charlie sa rearview mirror.
"Ah wala, nagtext kasi si Rico." Taas ang isang kilay at madiin na banggit ni Charlie sa pangalan ni Rico.
Nanlaki naman ang butas ng ilong ni Stephen.
"So you & Rico huh?" Nakangiting pagtanong ni Bea.
Tumingin si Charlie kay Stephen na may pag-aalala.
"We're just friends."
"Aah. So, as I was saying, pwede ba 'kong manood ng game niyo, Stephen?" Muling ibinalik na naman ni Bea sa kanya ang usapan.
"Of course, everyone is welcome to watch. At kung wala ka namang class." Sagot ni Stephen.
"I wouldn't miss it for the world. I also heard you're the MVP."
"I am." Hiyang sagot ni Stephen at mejo nag-blush pa.
"Luh luh luh luh, nagblush pa ang loko! Mukhang hipon na na-overcook." isip ni Charlie. Bigla naman itong natawa ng malakas sa naimagine niya.
"AHAHAHAHAHA!"
"Huy! Ano'ng nakakatawa? Para kang baliw jan." Tingin muli ni Stephen kay Charlie sa rearview mirror.
"Walaaa. Parang ang sarap kasing mag-lunch mamaya ng sinigang na hipon."
Umiling naman si Stephen na pigil sa pag-ngiti.
"Huh? What's funny in that?" Taka ni Bea. "I don't get it. Hmm I guess it's a private joke between the two of you."
"Talagang sa'min nalang 'yun." isip ni Charlie.
"Being a graduating student & an MVP at the same time is something very commendable." Hindi pa natapos si Bea sa pagpuri kay Stephen.
"Do you really think I don't know that?" Charlie thought.
"Anyway, nasabi ba sa'yo ni Stephen na classmates kami sa Art Appreciation?" Tila pang-aasar ni Bea na nakalamang siya.
"What?" Biglang tingin ni Charlie kay Stephen na hindi na umimik at humigpit ang hawak sa steering wheel.
"Yes, first subject namin today, actually." Bea answered with a smirk.
"Ah 'yung naiwan kong subject yun, Charlie, remember?" Nerbyos na napakamot sa leeg si Stephen.
"I see..." Tanging tugon ni Charlie.
Bumalik muli ang katahimikan sa loob ng sasakyan kaya minabuti na lamang ni Stephen na buksan ang radyo.
BINABASA MO ANG
OFF LIMITS
Teen FictionA girl (Charlie) falls in love with her best friend's older brother (Stephen). Little did she know, he feels the same way. How long can they stand denying their feelings for each other?